Chapter 31

794 25 3
                                    

JP's POV

"BEA?!" Kasabay ng biglang pagbabago ng expression ng mukha ni Louis ay ang pagyakap niya dun sa babae. "Namiss kita Bea." lahat kami nagulat sa ginawa niya. Pati yung babae, kitang-kita ang pagkagulat.

Unti-unting tinulak nung babae si Louis, "I'm sorry sir, you must be mistaken. I don't even know you."

"S-sorry, nabigla lang ako. Akala ko kasi ikaw yung kaibigan kong matagal ng wala. Natakot ba kita?" Hindi mapakali si Louis sa pwesto niya.

Nginitian siya nung babae, "It's okay."

"What's your name again?"

"Oh, yeah. I'm Beanca. Eureka Beanca Montecarlo." Biglang umingay sa auditorium nang magpakilala yung babae. Kanya-kanyang diskusyon.

"Akala ko sabi mo kanina Bea pangalan mo?"

"Sasabihin ko sana na Beanca ang pangalan ko pero nagsalita ka kaagad kaya di ko na natuloy." Pagpapaliwanag nung babae.

"Excuse me." May biglang nagsalitang contestant din.

Tumingin sa kanya si Louis, "Yes?"

"Isn't it unfair kung mananalo siya? Hindi naman siya estudyante dito diba?" Pag-aapila niya.

Nako po, masama pakiramdam ko dito ah. Parang yung nangyari lang nung Christmas Ball.

"Ah..." halatang wala ng masabi si Louis. "Pwede bang sumagot?" Nagsalita ulit yung babae. "Paano kung estudyante ako dito? Unfair pa rin ba yun?"

"Syempre hindi." Sagot nung isang contestant.

"To tell you honestly, estudyante ako sa paaralang ito."

What? Pero hindi namin siya nakikita sa school, nung Christmas Ball nga lang namin siya nakita. Paano niya nasabing estudyante siya rito?

"Alam ko lahat kayo nagtataka kung bakit ako sumali ngayon dito at sinabing estudyante rin ako sa paaralang ito. If you have any questions, I'll answer them one by one."

Tumaas ako ng kamay, gusto kong itanong kung anong course.

"Yes Mr.? What do you want to ask?" Tanong sakin nung babae. Grabe, para akong matutunaw nung tinignan niya ako, napakaganda pala talaga niya pag natitigan.

"Anong course mo? Year and section?" Magkasunod kong tanong.

"BSBA 1-1" daretso niyang sagot.

"Yun naman pala guys, estudyante naman pala siya dito. Walang dahilan para maging unfair kami no? Again, let's give Ms. Montecarlo of BSBA 1- W-WAIT! WHAT? What did you just say? B-B-BSBA 1-1 ba kamo? BSBA ako p-pero n-ngayon lang kita nakita tsaka nung Christmas Ball, ikaw yun diba?"

Napatawa yung babae, "To make the long story short, I'm the ghost student of BSBA 1-1."

Kaya pala 40 students lagi ang total namin kahit 39 lang talaga kami. Siya pala yon.

"So, magkaklase tayo?" Tanong ni Louis habang umaabot sa tainga ang ngiti. "Unfortunately. Siguro naman nasagot ko na lahat ng tanong niyo? Pwede na ba akong umaalis?"

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Where stories live. Discover now