Chapter 19

1.1K 43 7
                                    

Bea's Pov

Nang makababa na ako, huwaawwwww! Parang may fiestahan sa dami ng nakahain na pagkain.

"Ma, anong meron?" pagtataka kong tanong. Kasi naman talagang magtataka ka sa dami ng pagkaing nakahain ngayon.

"Gusto ko lang magluto ng marami" pabalang na sagot sakin ni Mama.

"Hala ka!"

"Oh bakit? Anong problema?" kabadong tanong sakin ni Mama.

"Nangutang kayo sa bumbay no? Ma naman, bakiiiittttt?"

"Hoy uting ka na naman jan! Anong bumbay pinagsasasabi mo jan? Lika nga, kumain ka na. Gutom ka na naman kaya ka nagkakaganyan. Nagpadala papa mo kaya nagluto ako ng marami, naikwento ko kasi sa kanya yung first love mo kaya ayan ang papa mo nagkakandarapang nagpadala at ipagluto daw kita ng mga paborito mong pagkain." Wow! Just wow! Ang haba ah. Hahaha.

"And the best speech goes to... Mama" sabay palakpak habang tumatawa.

Pagkalapit ko sa mesa ay agad akong dinagukan ni mama. "Ma, para san naman yun?" tanong ko habang nagkakamot ng ulo.

"Wala, kumain ka na jan. Magbaon ka na rin, bigyan mo yung mga friends mo sa school." Tignan mo tong mama ko, dinagukan ako tas wala lang daw. Hys.

"Ma, hindi na po ako papasok." Tumungo na lang ako.

"ANO?! HINDI KA NA PAPASOK?" Tignan mo, narinig naman. Tinanong pa.

"Opo Ma." Yan lang ang nasagot ko.

"Anong hindi ka na papasok ha? Aba mag-isip-isip ka? Dahil ba don sa first love mo? Hoy hindi pwede! Dahil lang sa nangyayari, di ka na papasok?" Ayunnnn, high blood si madir.

"Ma, hindi na po ako papasok sa school na yon. Tsaka hindi na po pala ako uuwi dito."

"ANO?! DI KA NA NGA PAPASOK, DI KA PA UUWI NG BAHAY? ABA! ANONG NANGYAYARI SAYO BEA? NALOLOKA KA NA ATA!" Ayun inulit na naman.

"Ma, patapusin niyo po kasi muna ako." Mahinahon kong sabi.

"Ganito kasi yon Ma. Remember yung in-applyan kong school malapit kay Papa?" Nag-apply ako last year, ewan ko ba kung bakit ngayon lang nagreply.

"Oh?" O diba ang tipid ng mama ko. Hahaha.

"May natanggap akong email galing sa school na yon. Pwede raw akong pumasok don after this Christmas break. Ma, tinanggap ko yon para makaiwas na rin sa issueng nangyari. Come with me, Ma. Hindi na tayo mapapalayo kay Papa." Gusto ko na talagang makasama si Papa. Since birth kasi di ko pa siya nakikita personally. Puro video call lang.

"Sakin ayos lang, pero ikaw? Paano ang buhay mo rito bea?" Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. Paano nga ba ang buhay ko dito?

"Buo na po ang desisyon ko Ma." Bahala na, wala na rin naman akong mukhang maihaharap sa mga tao.

Di na umimik si Mama, tinapos ko na rin ang pagkain ko. Pagkatapos ay nag-ayos na ako ng sarili ko. Naka ripped jeans, black shirt, black cap. Yah! Parang nagluluksa lang. Nagluluksa sa namatay kong feelings para sa kanya. Napahugot tuloy. Hahaha.

Todo baba ako ng sumbrero ko, baka may makakilala sakin e. Mahirap na baka di na lang nila ako pagtawanan, baka mas malala pa. Hindi naman sa naduduwag ako, umiiwas lang talaga ako sa gulo.

Agad akong nagtungo sa admin office para kuhanin yung mga school papers. Luckily, nakuha ko kagad. Hindi na ako nagtagal, umalis na rin ako agad-agad.

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Where stories live. Discover now