Chapter 43

492 9 0
                                    

Margaux's POV

Napasigaw ako sa nabasa ko.

"KARMA IS A BITCH.
                       -XoxoBe"

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, nabitawan ko yung phone ko.

Oo nag-email ako sa dati kong bestfriend, but I didn't expect na may magrereply sakin. Anong kalokohan to?

Pero okay na rin na may nagreply sa email ko, atleast nalaman ko na may gumagamit nga ng email niya. Ang kailangan ko na lang gawin, alamin kung sinong nasa likod ng lahat ng to.

*tok* *tok*

Tumayo ako at binuksan yung pinto. Nabigla ako nang makita ko si JP. "Ikaw na naman? Anong ginagawa mo dito?" Pagsusungit ko.

Nginitian niya lang ako ng pagkalawak-lawak, abot hanggang tainga at sinabing "Gising ka na pala, halika na, kakain na."

Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Sino ba namang makakatanggi kung abot hanggang tainga ang ngiti? I mean, sino ba naman ako para tumanggi? And besides, it's still my birthday. I should enjoy my day, once and for all.

Pagbaba ako, nakita ko na madaming handa. "Dad ano to? Bakit madaming handa? Dapat kumain na lang tayo sa labas, naabala ka pa tuloy."

Tumatawa si Daddy habang papalapit sa akin at pagkatapos ay binulungan ako, "Hindi ako ang naghanda nyan, kundi si JP. Hindi siya umalis kanina. Habang natutulog ka, nagluto siya ng nagluto."

Hindi ako makapaniwala, hinanda talaga ni JP to lahat? Siya talaga nagluto? Nilapitan ko siya at niyakap. "Thank you JP. Hindi mo naman kailangan gawin ang lahat ng ito, pero thank you pa rin."

"Masaya ka naman ba?" Tanong niya sa akin. Nginitian ko siya bago ako sumagot, "Oo" at pagkatapos ay niyakap ko ulit siya.

Sobrang saya ko ngayon, parang ayaw ko ng matapos ang araw na ito.

"Oh siya tama na yan. Halika na, kumain na tayo." Pag-aaya ni Daddy kaya napabitaw ako sa pagkakayakap ko kay JP.

Inalalayan ako ni JP hanggang sa makaupo ako, napaka-gentleman pa rin niya hanggang ngayon. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain namin nung may biglang kumatok. "Sino yon? May inaasahan ba kayong darating pa?" Pagtatanong ko.

"Wala." Sabay nilang sagot.

"Sige, tignan ko na lang." Bago pa ako makatayo ay hinawakan ako ni JP at sinabing "Samahan na kita."

Ano ba yan JP, kanina pa mabilis ang tibok ng puso ko. Akala mo namang napakalayo ng pupuntahan ko.

Nung makarating kami sa may pintuan, binuksan ko yun at ang bumungad sa amin ay isang delivery boy.

"Ano pong kailangan nila?" Pagtatanong ko.

"Kayo po ba si Ms. Margaux Lim?" Balik na tanong sa akin nung delivery boy.

Nagtaka ako kaya bumulong ako kay JP, "May inorder ka ba?" Pagkatapos ay umiling lang siya.

"Ah, opo ako po yun. Ano pong maitutulong ko sa inyo?"

Inabot sa akin nung delivery boy ang isang box at sa tingin ko cake ang laman ng box. "Kanino po ito galing?"

"Hindi po binigay yung pangalan pero bestfriend niyo daw po siya. Tsaka eto po, ipinabibigay niya rin po. Happy birthday po Ma'am." Pagkatapos iabot sa akin ang isang envelope ay umalis na rin yung delivery boy.

Dali-dali kaming bumalik sa may dining area para doon ko na bubuksan yung cake para kaharap si Daddy. Nang makarating kami sa dining area, "Dy tignan mo oh, binigyan ako ng cake ni Charla. Ang saya-saya ko ngayon. Tapos inabot pa tong envelope, birthday card ata. Ito na ang pinakamasayang birthday ko."  Feeling ko maiiyak na ako sa sobrang saya. Wala na akong ibang mahihiling pa.

"Oh, ano pang hinihintay mo? Buksan mo na." Sabi sa akin ni Daddy.

Dahan-dahan kong binuksan yung box at nung makita ko yung cake, bigla akong napaluha. Nabitawan ko yung cake kaya bumagsak ito sa lamesa. "Bakit anak, anong problema?" Hindi ako nakasagot.

Ramdam kong tinignan ni Daddy yung cake at pagkatapos nagtanong siya, "Kanino galing to? Akala ko ba kay Charla?"

"Bakit, hindi ba kay Charla galing?" Pagtatanong ni JP, hindi pa rin ako sumagot. Kahit si Daddy ay hindi rin sinagot ang tanong ni JP. Tinignan ni JP yung cake at binasa ang nakasulat, "Happy Birthday Mars. -XoxoBe... XoxoBe? Sino yun? May iba ka pa bang bestfriend bukod kay Charla?" Sunud-sunod na tanong JP, hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumakbo na lang ako papunta sa kwarto ko at ni-lock yung pinto.

Hindi ko magawang magsaya, hindi ko magawang ngumiti, natulala lang ako. Kumakatok sila pero hindi ko sila pinagbubuksan.

Walang pumapasok sa utak ko, hindi ako makapag-isip ng ayos. Hindi mawala sa isip ko yung tungkol sa cake.

*kring* *kring*

Natauhan ako nung may biglang may tumawag sa phone ko. Unknown number, sino naman kaya to? Hindi ko sana sasagutin pero sinagot ko pa rin.

"Hello? Sino to?" Panimula ko.

"Happy Birthday Mars, nagustuhan mo ba yung cake? Diba favorite natin yung Red Velvet Cake nung mga bata pa tayo?" Naka-voice changer yung nagsasalita kaya di ko matukoy kung sino yung kausap ko ngayon.

"SINO KA BA TALAGA HA?! Tsaka bakit mo alam yung tungkol sa Red Velvet Cake at signature na XoxoBe?" Medyo napapalakas na ang boses ko.

"Bakit Mars? Nakalimutan mo na ba na ikaw ang nag-suggest ng signature na XoxoBe tapos sa iyo yung XoxoMars?"

Napaiyak na lang ako nung sinabi niya yung XoxoMars, "S-sino k-ka b-ba t-talaga? B-bakit pati yung XoxoMars alam mo? Bakit mo ba ako pinaglalaruan ng ganito?" Utal-utal kong sabi habang umiiyak.

"Kung gusto mo talagang malaman kung sino ako, buksan mo yung envelope na kasama nung cake. Invitation yan para sa birthday party ko, nakalagay dyan kung saan gaganapin, at tanda mo pa naman siguro kung kailan ang birthday ko diba Mars? Oo nga pala, isama mo rin si Jan... Paul... Ramirez."

"Anong pinagsasasa—"

*tut* *tut* *tut*

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil pinatayan niya ako. Anong pinagsasasabi niyang birthday party, kalokohan. Kinuha ko sa bulsa ko yung envelope at dali-daling binuksan. Ano to? Masquerade Birthday Party?

Pinag-isipan kong mabuti, pupunta ako sa party pero hindi ko isasama si JP. Okay lang na paglaruan niya ako ngayon, pero wag na wag niyang idadamay si JP. Malaman ko lang kung sino ang nasa likod ng lahat ng to, sisiguraduhin kong magbabayad siya.

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Where stories live. Discover now