Chapter 38

735 23 5
                                    

Margaux's POV

"Ano, totoo ba?" Tanong ulit sakin ni Charla.

"H-hindi ah." Pagsisinungaling ko.

"Bakit nauutal ka kung hindi totoo?"

"Hindi naman ako nauutal, wala talaga akong alam dyan. Maniwala ka. Patay sakin yung gumawa nyan." Pinilit kong hindi mautal sa pagsasalita.

Nakita ko siyang ngumisi bago magsalita, "Oh come on Margaux. Alam kong alam mo na si JP ang may gawa nyan."

"Paano mo nasabi?"

"Si JP ang may pakana nung nangyari kay Bea four years ago. Kaya sigurado akong sa kanya rin nanggaling yan!" Medyo tumataas na ang boses niya sakin.

"Sabihin na nating kay JP nanggaling, paano ka nakakasiguro na totoo lahat ng yan?" Pagtatanong ko. Hindi pwedeng may makaalam nung nangyari.

"Bakit naman magsisinungaling si JP?" Balik na tanong sakin.

"Nice. Imbis na sagutin, ako pa ang tinanong." Sarkastiko kong sabi. "Ibig sabihin, naniniwala ka kay JP?"

"Compared sayo? Oo naniniwala ako kay JP. Hindi ka kasi pwedeng pagkatiwalaan, masama kang tao!" Taas noo niyang sinabi sa akin yun.

Aba ang babaeng to! Kung hindi dahil sakin, hindi ka naman sisikat sa school ah? Nakilala ka lang naman sa pagiging bestfriend ko.

"Wow ha! Akala mong kung sinong anghel kung makapagsalita! Baka nakakalimutan mong kasama kita sa mga pinaggagagawa ko?"

"Alam mo, siguro oras na para malaman mo ang totoo!"

Anong ibig niyang sabihin?

"Anong totoo ang pinagsasabi mo dyan?"

"A-YO-KO SA-YO!" Dahan-dahan niyang sinabi na para bang kinder lang ang kausap niya.

"Paanong ayaw mo sakin, bestfriend tayo ah!"

"Alam mo kung bakit kita kinaibigan?"

"Bakit?" Pagtatanong ko na may halong kuryosidad.

"Kasi kinausap ako ng Daddy mo!"

Ano namang kinalaman ni Daddy dito?

"Bakit naman gagawin ni Daddy yun? Sinungaling ka!"

"Sabi niya kung hindi kita kakaibiganin, gigipitin niya ang pamilya ko! Kahit ayaw ko, wala akong nagawa! Kahit ayaw kong maging kaibigan ka, wala eh. Kailangan kong gawin to kaya naging sunud-sunuran ako sa mga gusto mo!"

Hindi ko maintindihan yung sinasabi niya. Hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Hindi na kita kaibigan."

Rinig na rinig ko, damang dama ko yung sinabi niyang yon. "W-wag k-ka namang magbiro ng ganyan oh."

"Hindi ako nagbibiro. Ayokong magkaroon ng kaibigan na mamamatay tao." Pagkatapos ay siniringan niya ako.

Ang sarap dukutin ng mga mata nito, kung hindi lang kita kaibigan eh. "Mag-ingat ka sa mga salitang binibitawan mo! Wala akong pinatay! Wala!"

"Pero ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng taong yon. Pareho lang yon!"

Tumalikod na siya sakin, "Sana hindi matulad si Eureka kay Bea." at pagkatapos ay tuluyan na siyang umalis.

Naiwan akong mag-isa dito. Anong ibig sabihin non? Na tinatakot siya ni Daddy kaya niya ako kinaibigan? Ibig bang sabihin non, ayaw niya talaga sakin simula palang nung una? Pero masaya kami kapag magkasama kami. Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Matchy-matchy nga lagi kami sa lahat ng bagay na ginagamit namin.

Sa ilang taon naming pagiging magkaibigan, hindi siya totoo sakin? Lahat ng pinakita niya sakin, puro peke? Kahit minsan kaya hindi niya ako itinuring na kaibigan?

Hindi ako naniniwalang magagawa ni Daddy yung sinasabi ni Charla. Baka sinisiraan lang ni Charla si Daddy sakin. O kaya baka naman naghahanap lang ng palusot si Charla para iwanan ako lalo na ngayon na may lumabas na ganitong issue.

Pero alam niyo sa totoo lang, hindi ko kayang mawala si Charla. Siya lang ang nag-iisa kong kaibigan at pinagkakatiwalaan except kay Daddy at kay JP.

Naglakad na ako pabalik sa classroom namin, sakto ang dating ko, nasa pintuan si JP.

"JP!" Sigaw ko habang nananakbo papunta sa kanya.

"Ikaw na naman? Ano bang kailangan mo?" Pagsusungit niya sakin.

"Can we talk?"

Tumingin siya sa kanyang relo at sinabing, "Mayroon ka lang 10 minutes para sabihin ang gusto mong sabihin sa akin."

Di na ako nag-apila pa, mas okay na yung 10 minutes kaysa sa wala. Pumunta kami sa cafeteria. Umorder muna kami ng maiinom at pagkatapos ay saka kami umupo.

Magkatapatan kami ngayon, kinuha ko ang cellphone at hinanap yung post about dun sa open letter para kay Bea.

Nang mahanap ko yung post, iniabot ko kay JP yung phone ko at kinuha naman niya ito.

"Ikaw yan diba? Bakit mo ginawa to Jan Paul?" Daretso kong tanong sa kanya. Wala ng paligoy-ligoy.

"Hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag sayo." Wala akong nakitang expression sa mukha niya habang sinasabi niya ang mga ito.

"Paanong hindi mo alam?!" Pagtatanong ko, gusto ko ng matinong sagot.

"Basta hindi ko alam!" Medyo tumataas at lumalakas na ang boses niya.

"Pwede ba yon? Naipost mo nga eh!" Sinabayan ko na rin siya. Hinayaan ko na ang sarili ko na tumaas at lumakas ang boses kahit na pinagtitinginan na kami dito.

Tumungo lang siya at hindi na nagsalita. "Alam mo ba naging epekto ng ginawa mo? Kung tignan nila ako parang gusto na nila akong patayin, pero okay lang. Alam mo kung ano yung hindi ko matanggap? Hindi ko matanggap na ayaw na sakin ni Charla, ang nag-iisa kong bestfriend!" Para akong bombang sasabog habang sinasabi ko ito sa harapan niya.

"Sorry." Tipid niyang sagot sa mga tanong na binato ko sa kanya.

Napatayo ako sa kinauupuan ko sa sinabi niyang yon, "SORRY?! Sorry? Sorry lang ang masasabi mo? Hindi biro ang ginawa mo Jan Paul! Sinira mo ang reputasyon ko, ang pangalan ko, pati bestfriend ko iniwan ako!"

"Nasira, hindi sinira! Magkaiba yon!" Balik na tugon niya sa akin.

"Nasira, sinira, para sakin pareho lang yon! Nawalan pa rin ako ng bestfriend! Iniwan mo na nga ako, pati bestfriend ko iniwan na rin ako! Wala ng natira sakin JP. Maawa ka naman." Dahan-dahan akong umupo at ramdam kong dahan-dahan na ring tumutulo ang mga luha ko.

Tinitigan ko siya, nakatungo pa rin siya habang hinawakan niya ang buhok niya at ginugulo-gulo ito. "I'm very sorry Margaux. I swear! Hindi ko talaga alam kung paano lumabas yung open letter na yun. Tsaka hindi naman talaga open letter yun, sinend ko lang yung sa e-mail ni Bea!" Kahit ako napahawak ako sa ulo ko nang marinig ko ang sinabi niya. Malinaw na malinaw sa utak ko.

Kung sa e-mail ni Bea niya lang sinend yun at na ipost sa page ng Mason, isa lang ang ibig sabihin kung bakit nangyayari lahat ng to. May gumagamit ng e-mail ni Bea.

Ang tanong, Sino ang gumagamit ng e-mail ni Bea?

-

Sorry talaga, mabagal ang update. Bukod sa magpapasukan na, may sakit po ako. Thankyou sa nagti-tiyagang bumasa ng story ko. 💕

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Where stories live. Discover now