Chapter 47

443 13 0
                                    

Rafael's POV

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala, totoo ba talaga siya? Ikaw nga ba talaga yun, Bea? Buhay ka ba talaga? Pero bakit ngayon ka lang nagpakita? Bakit bigla kang nawala ngayon? Nama-malikmata lang ba kami?

"Bakit sa tuwing may ganitong event, laging nagba-black out?" Pagtatanong ni JP.

"Hindi ko rin maisip kung ba—" natigilan ako sa pagsasalita nung may biglang pumasok sa isip ko.

Nagkatitigan kami ni JP, kahit siya ay wala ring kibo.  "Don't tell me, pareho tayo ng naiisip? We both know na imposibleng mangyari yung iniisip natin."

"Sa tingin ko kailangan na natin siyang puntahan para ma-confirm natin kung si Eureka ba at si Bea ay iisa." Suggestion niya.

"Pero coma si Eureka, paano naman siya makakapunta dito kung siya nga si Bea?" Pagtatanong ko.

"I think we should go now." At pagkatapos ay nagmamadali siyang umalis kaya sinundan ko rin siya.

Habang nasa biyahe kami, ang daming tumatakbo sa isip ko. Lalo akong naguluhan. Ano ba tong nangyayari? Hindi ko na alam kung ano yung totoo o hindi. Hindi ko na alam kung ano pang paniniwalaan ko.

Nalagpasan ko na yung pagdududa ko kay Eureka noon na baka siya si Bea. Ngayong nangyari to, pinagdududahan ko na naman siya.

Sino ka ba talaga Eureka? Ikaw nga ba si Bea? Pero paano? Coma si Eureka, imposible namang siya si Bea. Nakabantay ako kay Eureka 24/7, ni minsan hindi ko siya nakitang nagising o gumalaw man lang.

Nang makarating kami sa ospital, pinigilan ko si JP. "Bakit?" Pagtatanong niya.

"Nagmumukha na tayong tanga. Paano naman mabubuhay ang isang patay? Paano makakapunta sa party ang isang coma?"

"Ano bang nangyayari sayo? The fact na pumunta ka sa party kanina, alam kong umaasa ka pa rin na baka nagkamali lang sila noon. Na baka buhay pa rin si Bea."

Totoo, nung nakita ko yung invitation, nagkaroon ulit ako ng pag-asa. "Pero nandon tayo sa burol ni Bea. Nakita natin siyang nakahiga sa kabaong niya."

"Nakita nga natin siya, pero ano? Wasak ang mukha kaya hindi makilala."

Natahimik ako sa sinabi niya, biglang bumalik sakin yung sakit habang tinitignan ko si Bea noon na nakahiga sa kabaong niya.

Oo, wasak nga ang mukha niya pero...

"Pero nasa kanya lahat ng gamit ni Bea, kaya nga siya na-identify diba?"

"Halika na, mamaya na natin pag-usapan to." At pagkatapos ay hinatak na niya ako.

Bago pa kami makapasok sa elevator ay may biglang tumawag sa akin... "Louisssssss!"

Paglingon ko, si Margaux. "Anong ginagawa mo dito?"

"Tinawagan ko siya pero bakit ka naka-gown? Wag mong sabihing..."

"Nasa party rin siya." Pagputol ko sa pagsasalita ni JP.

"T-teka JP, bakit naka-tuxedo ka? Ibig sabihin... Pero... paano? Hindi ko naman sinabi sayo. So... Nakita mo rin si Bea?" Tanong ni Margaux kay Bea.

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Where stories live. Discover now