Chapter 4

1.2K 33 0
                                    

Bea's POV

"...Napakaarte mo! Hindi ka naman maganda! Ang baboy mo pa! Bwisit!"

Para akong nabingi sa narinig ko, paulit-ulit kong naririnig. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko.

Tumakbo ako paakyat ng kwarto habang umiiyak at nakayukom ang kamao ko.

Nanggagalaiti ako. Galit na galit ako, lalo na sa sarili ko. Bakit ba kasi ang pangit ko? Bakit ba kasi ang taba ko? Bakit ba kasi bwisit ako? BAKIIITTTTTTTTT?!

Pinagsusuntok ko yung pader, sunod sunod na suntok. Hanggang sa maramdaman kong may yumakap sa akin.

"Sorry." Bulong niya sa akin.

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sakin.

"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo! Alam mo ang sorry ay para sa mga hindi mo sinasadyang gawin, hindi para sa paulit-ulit mong ginagawang mali!" Nakayukom na naman ang mga kamao ko, gusto ko siyang suntukin.

Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko. "Sorry Bea, hindi na mauulit to. Yung mga nasabi ko kanina, nabigla lang ako. Sorry talaga. Tignan mo lalo tuloy nasaktan yung mga kamay mo."

Tinanggal ko yung kamay niya sa kamay ko. Nung tinignan ko yung kamay ko, kitang kita ko ang pangangatog pero wala akong maramdamang sakit sa kamay ko. Basta ang nararamdaman ko lang, parang dinudurog ang puso ko.

Itinayo ko si JP sa pagkakaluhod niya.

"Pinapatawad mo na ba ako?"

Ano yon? Pinapatawad ba yung narinig ko?

"Umalis ka na hanggat maayos pa akong nakikipag-usap sayo. Habang nakakapagpigil pa ako." Mahinahon kong sabi sa kanya.

Control your temper Bea. Inhale. Exhale.

"Hindi! Hindi ako aalis dito Bea!"

"UMALIS KA NAAAA!" Tinulak ko siya palabas ng kwarto, at ni-lock ko na ang pinto.

Narinig ko siyang nag-sorry bago tuluyang umalis.

Nagpatugtog ako ng kanta, isang kantang tagos sa puso ko.

Patch Quiwa - Simula Pa Nung Una

Simula palang nung una hindi na maintindihan nararamdaman
Naging magkaibigan ngunit di umabot ng magka-ibigan
Tanggap ko yun nuon, kampante na ganun nalang
Sapat na na kasama kita kahit hanggang dun nalang

(Pre-chorus)
Hindi nalang ako lalapit
'Di nalang titingin
para hindi na rin mahulog pa
sayo'ng mga mata

(Chorus1)
Siguro nga napamahal na ko sayo, oo
Di naman inaasahan
Di naman sinasadya
Pero alam ko rin naman
Hanggang dito nalang
Lilimutin ang damdamin
Isisigaw nalang sa hangin
Mahal kita...

(V2)
Sinubukan ko naman na pigilang ang nararamdaman
Kahit mahirap lumayo at umiwas sayo
pano ba naman
Isang ngiti, isang tingin, kahit boses mo na ring nakakatunaw
'Wag nang pansinin
Delikado na, delikado na

(Pre-chorus)
Hirap paring hindi lumapit di maiwasang tumingin
Mukha yatang ako'y nahulog na
Sayo'ng mga mata

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora