Chapter 52

410 6 0
                                    

Margaux's POV

"Ako si Bea Bianca, Sean Rafael!"

Nabitawan ko yung dala kong cake dahil sa narinig ko. Kakarating ko lang sa bahay na to. Totoo ba talaga to? Si Eureka, buhay? Siya si Bea? Tinawag niyang Sean Rafael si Louis? Si Louis si Sean? Kung siya nga si Sean, ibig sabihin... nakakaalala na siya?

Ibig sabihin, iisang tao lang yung minahal ko sa magkaibang panahon? Pero bakit naging Louis ang pangalan ni Sean?

Flashback

Nasa ospital kami ngayon, lahat kami galing sa party. Unfortunately, di na namin inabot si Eureka.

Nag-decide ako na ikwento na ang lahat sa kanila. Kailangan kong gawin to. Matagal ko ring tinago to sa lahat.

"Remember nung birthday ko? Diba may nagpadala ng cake na may nakalagay na XoxoBe? Kasama non ay isang invitation para sa birthday party ni Bea. Gusto kong malaman kung sino ba talaga yung nagpadala non, hindi ko na rin sinabi sa inyo dahil ayokong madamay."

"Sino ba si XoxoBe?" Tanong ni JP habang nakakunot ang noo.

"XoxoBe is Bea." Maikli kong sagot.

"What?!" Sabay na reaksyon nina JP at Louis. 

"Ano ba yung XoxoBe? Tsaka anong kinalaman ni Bea don?" Pagtatanong ni Louis. I guess, hindi nakwento ni Bea sa kanya.

"No, Margaux! You don't have to do this." Pag-awat sa akin ni Daddy.

Nginitian ko siya bago ako magsalita ulit, "It's about time, Dad. Don't worry, I'll be fine..." Lumipat yung tingin ko kala JP "As I was saying, Bea is my first bestfriend."

"WHAT!?" Sabay na namang sigaw nina JP at Louis.

"She was my childhood bestfriend. Halos hindi kami mapaghiwalay noon, lahat ng gamit namin pareho palagi. Matchy-matchy kumbaga. Lagi kaming nagkukwentuhan, gusto niya kasi yun. Lagi rin kaming nagmo-movie marathon, ang hilig niya kasi sa mga pelikula kaya pati ako nahawaan niya. Para kaming kambal, lahat ng mayroon siya, mayroon din ako. Ang pagkakaiba lang namin ay ang school na pinasukan namin. Nag-private ako, siya naman ay public. Hindi na kami masyadong nakakapagkita non dahil nga magkaiba kami ng school na pinasukan. One day, nagkita kami sa playground. Nag-kwentuhan kami hanggang sa may tumawag sa kanyang Bianca, that was Sean pero hindi ako kilala ni Sean. Hindi siya nag-dalawang isip, sumama siya kay Sean at iniwan ako. Palagi na silang magkasama, pakiramdam ko nakalimutan niya na ang bestfriend niya. Alam ni Bea na nagtatampo na ako sa kanya pero ang hindi niya alam ay may gusto ako kay Sean. Umabot pa kami sa point na pinag-awayan namin si Sean, pinapili ko siya kung ako ba o si Sean. Hindi siya sumagot, galit na galit ako non kaya tinulak ko siya. Hindi ko alam na may kotseng paparating non. Takot na takot ako nung makita ko siyang duguan kaya tumakbo ako pauwi sa amin. Nung magising si Bea sa ospital, wala na siyang maalala kaya ang sabi sa akin ni Daddy, itago na lang ang totoong nangyari. Mas lalo akong nainis, nagalit ako sa kanya kasi hindi niya ako maalala. Nawalan ako ng bestfriend, para akong nawalan ng kapatid."

End of Flashback

"BIANCAAAAA!"

Nakita kong tumakbo si Louis papunta kay Bea pero may humarang na babae. Teka, siya yung laging ka-date sa party ni Louis ah? Anong ginagawa niya dito?

"Umalis na kayo." Ang sabi nung babae.

"Ano?" Tanong ni Louis.

"UMALIS NA KAYO!" Aba, attitude tong si ate girl. Sino ba siya para sigawan si Louis tsaka si J-JP? A-andito rin siya?

"Bakit kami aalis? Ngayon pa na nawalan siya ng malay!?"

"Kaya nga umalis na kayo! Hindi niyo ba nakikita?! JP, iuwi mo na si kuya..."

Kuya?! Kapatid ni ate girl si Louis? Pero nag-iisang anak lang si Louis.

Hinawakan ni JP si Louis "Halika na bro, bumalik na lang tayo bukas o sa ibang araw. Baka lalo lang lumala ang kalagayan niya. Masyado ng marami ang nangyari satin ngayong araw."

"Please lang, wag na kayong babalik." Dagdag na sabi ni ate girl.

Kita ko ang gulat sa mga mukha nila nung makita nila ako.

"Margaux? Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba dyan?" Pagtatanong sa akin ni JP.

"Kakarating ko lang din. Pero totoo ba na buhay si Eureka at siya si Bea?"

"Mamaya na namin ikukwento sayo. Paano ka nakarating dito?" Nakakunot ang noo ni JP habang tinatanong ako.

"May nag-email kasi sa akin gamit yung email ni Bea. Ang sabi may dadating daw na package sa akin, suotin ko daw pag pumunta ako sa address na kasama nung package. Huwag ko raw kalimutan magdala ng Red Velvet Cake. Naisip ko, baka si Bea nga yung nag-email kaya andito ako ngayon."

"Teka, asan si Bianca?"

Napalingon kami ni JP kung saan naka-pwesto si Bea kanina nang magsalita si Louis. Wala na sila doon. "Baka dinala na sa kwarto." Tama naman ako diba?

Nahirapan kami sa paghahanap ng kwarto niya, napakalaki ng bahay. Nung makita namin yung kwarto, hindi kami pinayagang pumasok kaya sa labas lang ng kwarto kami nag-antay.

Siguro isang oras pa ang lumipas bago lumabas si ate girl na kapatid daw ni Louis.

"Rosey anong nangyari? Okay lang ba siya? Pwede ba namin siyang makita at makausap?" Natataranta na si Louis.

"Okay na siya, nagka-malay na siya. Sorry kuya, kaya ako lumabas para sabihin na ayaw niya kayong makita. Umuwi na raw kayo."

"Kahit si Louis na lang ang makausap ni Bea, baka magawaan ng paraan?" Yan ang sabi ni JP, hindi na ako umimik parang di nga ako napansin ni ate girl.

"Sorry talaga, wala na akong magagawa."

Naglakad na siya pabalik ng kwarto, nabigla ako nung tumigil siya sa harapan ko at nagsalita. "Andyan ka na pala. Pumasok ka na, kanina ka pa niya inaantay."

"Bakit siya pwede, kami hindi?" Pag-aapila ni Louis.

"Kayo ba si Margaux?" Bigla akong natauhan nung marinig ko ang pangalan ko. Kilala pala niya ako? "Oh ano pang tinatayo-tayo mo dyan?" Attitude talaga tong Rosey na to.

Hindi na ako nagsalita, sinundan ko na lang siya papasok ng kwarto.

"Be?" bungad ko nung makita ko siyang nakahiga sa kama niya, "Ikaw ba talaga yan?"

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon