Chapter 3

1.3K 36 0
                                    

Bea's Pov

Pagkatapos gamutin yung sugat ko ay pinauwi na ako ng doctor.

Hayy juskoooo, napakatraffic talaga sa Pilipinas e.

Habang  nasa jeep ako, hindi ko maiwasang hindi isipin yung nangyari kanina. Bakit kaya galit na galit siya pagdating kay Margaux?

Nung napatigil saglit yung jeep, paglingon ko, lumampas na pala ako sa may samin.

"Para po."

Hindi tumigil yung jeep, nilakasan ko ang boses ko. "Ma, para po!"

Aba, hindi pa rin tumigil yung jeep. Naiinis na ako ha, anlayo na nito. "MAMA PARA POOOOOO!"

Buti naman at tumigil na yung jeep. Kainis. Ang layo tuloy ng lalakarin ko.

Paano ko kaya ipapaliwanag kay mama to?

Kalahating oras pa ang lumipas bago ako makarating sa bahay. Itinago ko ang kamay ko sa bulsa ko. Pero bago pa ako makapasok ng bahay, narinig kong may kausap si mama. Dahan-dahan kong binuksan ng kaunti ang pinto.

Silip dito, silip doon. Hanggang sa makita ko si JP. Siya pala yung kausap ni Mama. Napaatras ako don. Anong gagawin ko? Papasok na ba ako ng bahay? Kung papasok ako, kakausapin niya lang ako. Ayoko muna siyang makausap. Gusto ko munang mapag-isa.

Naglakad-lakad muna ako hanggang sa makarating ako sa playground. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang akong napaiyak ng makita ko yung swing.

Napapagod na ako, gusto ko ng magpahinga kaya napagdesisyunan ko ng umuwi. Bahala na mamaya.

Itinago ko ulit yung kamay ko sa bulsa at saka pumasok ng bahay.

"San ka galing? Anong oras na ah! Uwi ba yan ng matinong anak?" Ayan na nga ba sinasabi ko e, paano pa kaya kung makita niya kamay ko?

"Ma, pwede bang bukas na lang? Gusto ko ng magpahinga. Sorry."

"Galing dito si JP kanina, naikwento na niya yung nangyari sa kamay mo. Kaya wag mo ng itago sa bulsa mo. Kung gusto mo na talagang magpahinga, sige. Pero kumain ka muna."

"Busog pa po a..." hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng biglang tumunog yung tiyan ko.

"Busog pala ha. Hahaha. Halika na, ihahain ko na kakainin mo."

Napakamot na lang ako ng ulo at sumunod kay mama.

"Wooowww mukhang masarap yan Mama ah." Ambango ng amoy.

Sinandukan ako ni Mama ng kanin sa plato ko. Nung kukuha na ako ng ulam, napasigaw ako ng "aray".

Napatayo naman si Mama, "Bakit anong nangyari?"

"Maaa." Mangiyak-ngiyak na ako. "Anong gagawin ko maaaa? May pasok pa ako bukas."

Niyakap lang ako ni mama habang sinasabing "Bukas pupunta muna tayo sa ospital, pagkatapos ay pupunta ako sa school mo para ipaexcuse ka. Sa ngayon, susubuan muna kita ng pagkain."

Pagkatapos kong kumain ay dumaretso na akong higa. Napakahaba ng araw na to para sakin.

*kring* *kring*

*kring* *kring*

Hinanap ko ang cellphone ko, sino kaya to. Natutulog ang tao e.

"Hello?" Panimula ko.

"Hello? Hello? Sino to? Hindi ka ba magsasalita? Papatayin ko na t..."

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon