Chapter 19: Critical

70 13 0
                                    

ALLISON

"This isn't working."

"It's not scratching off!"

"Tangina naman, Hindi naman lumilinis."

"Can this get any worse?" Madiin kong kinuskos ang maruming pader.

"Kung tumatahimik ka sana diyan at inaayos ang paglilinis, Edi sana kanina pa tayo tapos." Inis kong sabi kay Sebastian na walang ibang ginawa kung hindi ang magreklamo.

"What?" Huminga ako nang malalim at hinarap siya.

"Sabi ko, Kung hindi ka puro reklamo. Sana kanina pa tayong may araw tapos." Suminghal ito.

Inis siyang humarap sa pader at nagsimulang maglinis ulit.

"Samantala sanay kang taga-linis..." Huminga ako ng malalim. Tangina naman, Sebastian. Alam na alam mo talaga kung paano paakyatin ang dugo ko.

"Alam mo kasalanan mo naman ito eh! Kaya huwag ka nang magreklamo, Pwede?!" Inis kong sigaw.

Padabog niyang binaba ang pangkuskos at tabo.

"My fault? How is this my fault?"

"Bakit? Sino bang nagumpisa? Hindi ba, Ikaw?!" Sigaw ko pabalik.

"You were annoying me in class!"

"Dahil pinahamak mo ko!"

"Well, How did that work out for us? Edi sana tahimik ka ngayon kung hindi mo ako dinamay!" 

"Hindi naman pwedeng ako lang ang maparusahan sa bagay na hindi ko naman ginawa!" Napatigil ito.

"What? Why is it that everytime we argue, You bring in your issues? Eh, Wala naman akong alam dyan." Umiling ako at tinalikuran siya.

"Everything is so personal with you."

"Allison, What the hell is up with you?"

"Allison!"

"What did I tell you about talking to me? Face me!"

"Manigas ka!" Inis kong hinampas ang pamunas sa pader.

"Puro ka kasi reklamo!" Tumigil ako sa pagkuskos nang batuhin niya ako nang kung ano man.

"Ako pa yung puro reklamo? You have no idea, Seba-" Napatigil ako nang malakas na tumunog ang telepono ko.

"Manahimik ka muna kung hindi, Ibubuhos ko sayo ito." Tinitigan ko nang masama si Sebastian habang tinuturo ang timba na mayroong maruming tubig.

Umirap si Sebastian at tumlikod.

"Hello, Axe? Napatawag ka?"

"Where are you?" Napakunot ang noo ko nang marinig ang seryosong boses ni Axe.

"Nasa campus parin, Naglilinis." Marahang tumingin sa akin si Sebastian.

"Nasa hospital si daddy." Napaawang ang mga labi ko.

"Ano? Bakit?"

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon