Chapter 20: Danger

62 12 0
                                    

ALLISON

Tahimik ang establismento dahil hindi gaano karami ang taong kumakain dito. Mabibilang lamang sa mga daliri ang mga tao.

Kaya bakante rin ang oras naming magkakaibigan.

"Sa tingin mo ba Castel talaga ang may pakana noon?" Tanong ni Rodel.

Nagkibit balikat ako habang nagpupunas ng lamesa.

"Hindi malabo." Umiling si Rodel.

"Hindi talaga. Hindi naman tumitigil yang mga Castel na yan hangga't hindi napupuno ang itaas ng mga ka alyansa nila." Umupo ako sa tabi ng mga ito.

"Kung hindi magiingat si Axe, Baka si Sebastian ang pumatay sa kanya." Tinignan ko si Rowena dahil sa sinabi nito.

Naalala kong wala nga palang alam ang dalawang ito sa pangyayari sa unibersidad at sa relasyon namin ni Axe.

Napaisip ako.

"Hindi naman siguro." Tinaasan ako ng kilay ng dalawa.

"Bakit hindi? Nako, Allison. Hindi mo rin masisigurado. Kaya sabihan mo si Axe na mag-iingat siya." Tinignan ko lang ang dalawa.

"Nasa iisang university pa kayo." Sabi ni Rowena.

"Oo nga pala 'no? Nakikita mo ba si Sebastian?" Tanong ni Rodel.

Umiling ako. Kahit na hindi ko lamang nakikita ang bwisit na pagmumukha ni Sebastian. Araw araw pa akong ginagambala ng napaka sama niyang kaluluwa-

"Ang alam ko pareho kayo ng kurso at taon." Sabi naman ni Rodel.

"Hindi ko iyon alam. Pero..."

"Mukha namang hindi ugali ni Sebastian iyon." Tumawa ang dalawa kong kasama.

"Paano mo naman nasabi iyan?" Napaisip akong muli.

Oo nga naman. Hindi rin naman kami magkaibigan ni Sebastian. Hindi iyon masasabi.

"Wala namang kaso ang mga Castel na pumatay, Hindi ba?" Tanong ko.

"Wala. Wala sa kaalaman natin, As of now. Pero ang taong gahaman sa pera at kapangyarihan, Gagawin lahat para makuha ang mga bagay na ito." Sabi ni Rodel. Bumuntong hininga ako.

"Totoo." Sang ayon ni Rowena.

"Hindi lang iyon, May mga kaso laban sa kanila ng pangaabuso sa karapatang pantao." Sabi ni Rowena.

"Na hindi naman napatunayan." Sagot ko. Tumaas ang kilay ng dalawa.

"Bakit mo sila pinagtatanggol, Lis?" Tanong nito. Tumawa ako.

"Hindi ko sila pinagtatanggol. Ayoko lang maniwala sa mga paratang na hindi napatunayan. Kahit pa laban ako sa mga ito."

"Sus, Nakita mo na si Sebastian, 'no? Crush mo?" Makangiting biro ni Rodel.

Napangiwi naman ako sa naisip nito. Sa dinami rami ng pwedeng sabihin, Iyon pa ang naisip niyang ipasok sa utak ko;

Ang imahe ni Sebastian na ngumingiti sa akin.

Love How You Hate Me (Castel #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora