Chapter 48: Sh-

26 7 0
                                    

ALLISON

"Anong nangyari?" Lumunok ako ng laway. Umiwas ako ng tingin kay Sebastian na malalim at seryoso ang mga matang nakatingin sa akin nang marinig kong mahinang humikbi si Axe.

"I don't know who..." Mahinang aambit nito sa gitna ng pag daing at pagsinghot.

"Axe, Kumalma ka. Papunta na ako."

"Lis, I don't know what happened. I don't know how it got in the news. Wala namang ibang nandito sa hospital, Kami lang ni tito." Patuloy nitong saad nang hindi tumitigil sa pagiyak.

"Nag-kakagulo sila kanina pa, Hindi ako makapagsalita." Rinig ko ang kakulanhan sa hangin ng bawat salita nito.

"Saka na tayo mag-usap. I," Naputol ang sasabihin nito nang huminga siya ng malalim.

"Huminga ka muna," Napalunok akong muli ng laway.

"Papunta na ako, Axe. Hintayin mo ko diyan. Nagkaroon lang ng maliit na problema." Inipon ko ang lahat ng lakas sa katawan ko upang masabi iyon nang hindi rin bumabagsak ang mga luha.

Dumako ang tingin ko kay Sebastian na nakakunot ang noo at nakabuhol ang mga braso.

"Lis, " Ilang segundo rin ito nanahimik bago magsalita.

"Magingat ka."

"Oo naman. Ikaw rin, Axe." Binaba ko na ang tawag at binalik ang telepono sa bulsa.

"Seb, Kailangan ko nang umalis. Salamat sa ginawa mo kanina pero sa susunod nalang ako babawi." Diretso kong saad dito bago dali daling tumalikod.

"Hey," Halos bumagsak ako patalinokd nang bigla nitong hilahin ang kwelyo ng damit ko.

"Bakit? Nagmamadali ako, Sebastian. Pangako, Pag tapos nito pwede mo na ulit akong asarin." Mabilis kong singhal dito. Umikot ang mga mata ni Sebastian at patuloy akong kinaladkad mula sa likod.

"Sebastian, Seryoso ako."

"I know." Sumusunod ako sa mga hakbang nito kahit na patalikod ang naglalakad.

"Kailangan ko nang magmadali, Hinihintay na ako ni Axe."

"Uh-huh." Mahigpit ang hawak nito sa damit ko. Kaya kung magpupumiglas ako, Baka mapunit lamang ang tela.

"Sebastian, Kailangan ko nang mapuntahan si Axe-"

"I know, Get in." Napadaing ako nang halos ihampas niya na ako sa pintuan ng sasakyan.

"Nahihibang ka na ba? Mag-kakainitan lang kayo ni Axe kapag nag-abot kayo." Muling umikot ang mga mata nito bago abutin ang pintuan sa likod ko. Narinig ko itong pumalatak bago bumukas.

"Just get in, I won't park near the hospital. Just near enough so you can walk from there."

"Kaya ko na mula dito-"

"Allison, The hospital is at least twenty miles away. Just get in the damn car." Inis na saad nito. Tinitigan ko lamang siya, Nagiisip ng paraan para makatakas sa sitwasyon.

Ngunit makulit si Sebastian. Kahit anong maisip ko, Maaari niyang salagin.

"Seb, Please. Mag-kakagulo lang kayo ni Axe." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Allison, I promise with all my heart, That I won't let him see me. Even if he does, I'll explain to him what happened. What's so hard about that?" Diretsong sambit nito.

"Bakit ba desperadong desperado kang ihatid ako? Pwede naman akong mamasahe, Sebastian."

"Do you have money?" Tanong nito. Segundo akong hindi nakapagsalita. Ayoko namang bigyan pa ako nito ng pamasahe. Nakakahiya.

"Mayroon." Pagsisinungaling ko.

"Really, Allison? Your ego is that high?" Bumagsak ang mga mata nito na para bang gumihit ng mga linya sa mukha niya.

"Just get in the car, Al. If you would've just gotten in, We would've already been at the hospital." Huminga ako ng malalim bago malakas na ibuga ito.

"Salamat." Mahina kong sabi dito bago nanlulumong pumasok sa sasakyan niya.

"Now, Was that so hard to do?" Nang-aasar nitong tanong bago isara ang pintuan ng sasakyan.

"Kapag nakita ka talaga ni Axe, Sinasabi ko sayo-"

"Blah, Blah, Blah." Pagputol nito sa sinasabi ko. Pinanood ko ang mahahabang daliri ni Sebastian habang inaayos ang salamin sa loob ng kotse.

"You like what you're seeing?" Mabilis akong tumingin dito nang marinig ang kanyang sinabi.

"Bakit ko naman magugustuhan iyang mga daliri mo?" Mataray kong tanong. Nagpakawala ito ng mahina at malalim na tawa bago buksan ang makina ng sasakyan.

"I was talking about the car's interior." Nanlaki ang mga mata ko bago umiwas ng tingin. Nilibot naman ng mga mata ko ang sasakyan dahil sa sinabi nito.

"Bago ba ito?" Tanong ko. Umiling si Sebastian at sininulang magmaneho.

"It's not. It's just not the car I used nung hinatid kita last time." Tumango ako.

"Ilang kotse ba ang mayroon ka?" Saglit na nagkasalubong ang nga kilay nito. Mula sa anggulo kung saan ko siya tinitignan, Matalas ang panga nito. Mula sa gilid ay lalong kapansin pansin ang matangos at magandang guhit ng ilong niya.

"I have no idea if I'm being honest." Umirap ako bago nilibot muli ng tingin ang sasakyan.

Itim. Itim ang halos lahat ng bagay sa loob ng sasakyan maliban sa mga upuan na mayroong pulang linya. Malamig sa loob ng sasakyan, Malinis at mukhang mamahalin ang lahat ng nasa loob nito. Dumako ang mga mata ko sa harapan ng sadakyan. Dito, Mayroong nakadikit na litrato ng isang babae. Kitang kita parin ang kagandahan nito kahit na medyo kupas na ang litrato.

"That's my sister, Al." Tumaas ang dalawang kilay ko bago siya tignan.

"Hindi ko alam na may kapatid ka pala." Saad ko.

"Well, Not a lot of people do. She's older than me. Serenity Castel." Dahan dahan akong tumango. Sa tagal kong sinusubaybayan ang mga Castel, Kahit minsan wala akong nabasa o napanood na kahit tungkol kay Serenity. Ang katotohanan nga ay laging pinapalabas na nag-iisang anak at taga-pagmana ang prinsepeng si Sebastian Castel.

"She left when I was fifteen. I don't know where she is but," Ngumiti ito bago saglit na sumulyap sa akin.

"You remind me so much of her." Mahina akong tumawa.

"Ang ganda nito, Sebastian." Tinaasan niya ako ng kilay kahit diretso sa kalsada ang tingin nito.

"I didn't say that she wasn't, Al."

"Ano ba ang ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Well," Niliko niya ang sasakyan.

"She was a rebel, Like you."

"Hindi ako-" Huminga ako ng malalim nang mapansing tumataas ang boses ko.

"Hindi ako rebelde."

"Alright, Fine. Let's just say that the government isn't her cup of tea either. She hated how my dad ran things around. She didn't like how dad was..." Ilang segundo siyang tumigil muli.

"Focused."

"Well, We're here." Mabilis na binuksan ni Sebastian ang pinto ng kotse. Pinanood ko itong tumawid sa harap ng sasakyan, Papunta sa akin.

"Will you be okay?" Tanong nito nang isara ang pintuan sa likod ko. Literal na umangat ako ng tingin para magsalubong ang mga mata namin.

"Oo naman. Salamat, Sebastian." Ngumiti ito.

"Of course. Anytime, Al-" Hindi nito natapos ang sasabihin nang mayroong humila sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko nang humampas si Sebastian sa kotse niya.

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon