Chapter 23: Friends

45 11 0
                                    

ALLISON

"Handa na ba ang lahat? Siguraduhin niyong kumpleto ang mga upuan at lahat ng bata ay may panulat." Utos ko sa mag-kasintahan. Tumango sila at pinagtuunan ng pansin ang mga bata.

"Magandang umaga, mga bata!" Nakangiti kong bati sa mga ito.

"Magandang umaga, Binibining Monteverde." Muntikan nang mag, sabay sabay na balik ng mga ito.

"Mukhang dumagdag pa tayo ngayong linggo ah. Mabuti iyan." Nakaramdam ako ng tuwa nang makitang halos dumoble ng dami ng mga bata sa harapan ko.

Buti nalang rin at pinayagan kami ngayon ng mga tiga-pamahala dito.

"Nung huli tayo nagkita-kita naturuan ko na kayong magsulat, Hindi ba?"

"Opo!" Ngumiti ako.

"Naalala niyo pa ba kung paano?" Natawa ako nang may iilang hesitanteng um-oo at mayroong hindi sumagot.

"Huwag kayong mag-alala. Mageensayo lang tayo magsulat ngayong araw. Sa susunod na ulit ang ibang aralin."

Tumingin ako sa likod ng mga bata nang makita ang isang pamilyar na sasakyan.

Nakasandal dito ay isa ring pamilyar na lalaking napapaligiran ng usok ng sigarilyo. 

Nang mapansing nakatingin ako sa kanya, Ngumiti ito at kumindat.

Itinaas nito ang palad at pinakita ang sigarilyo. Parang sumesenyas na mamaya na siya lalapit kapag ubos na ang bisyo. Minasahe ko ang sentido ko at tumingin sa mga bata.

"Kopyahin ninyo ang nakasulat dito sa pisara. Magsimula na kayo." Ngumiti ako bago lumapit kayla Rodel.

"Kayo muna ang bahala dito." Mahina kong sabi kay Rodel at Rowena.

"Ano namang ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Sebastian na hindi parin tapos.

"Uhm... Helping?" Nagsalubong ang mga kilay ko.

"Helping? Saan?"

"Sa iyo, Obviously." Bumunting hininga ako.

"Plus, We need to talk about our project-slash-research topic. It's two months till the deadline and we don't even have a title yet." Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nito ni Sebastian at bigla siyang dumidikit sa akin. Pero wala akong tiwala dito kahit na kaunti.

"Bakit mo ba pinipilit na ako ang maging partner mo? Madami pang iba dyan at madami tayong ibang kaklase."

"Well, I've heard from a little birdie you're the smartest in our batch. Also, It's not like you have a partner." Bumuntong hininga ako. Wala narin naman akong magagawa. Totoo naman ang sinasabi nito, Wala akong ibang makakasama sa thesis at wala akong kaibigan sa mga unibersidad. Kung meron man, Iba ang kursong kinuha ng mga ito. Kahit si Axe.

"Hindi na kita mapipigilan, Ano?" Walang pag-asa kong tanong.

Ngumiti ito at umiling.

"Nope." Tinapon niya ang sigarilyo kung saan man.

"Wala ka rin namang maitutulong. Kasi nag-eensayo lang silang magsulat." Sumimangot si Sebastian.

"Well, That's boring."

"They're learning."

"I didn't say they weren't." Nilampasan ako nito at dumiretso sa mga bata.

Pag lapit ko sa kanya nakasingkit ang mga mata nito at pinapaypay ang damit sa sarili.

"You let these kids stay in the heat for how ever long this class takes?" Tanong niya.

"Hindi naman... I mean, Wala naman kaming ibang magagawa." Tumingin si Sebastian sa paligid.

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon