Chapter 55: Spider-Man Three

31 7 1
                                    

ALLISON

Napalunok ako nang pagpiyestahan ako ng mapanghusgang titig ng mga tao sa loob ng cafeteria. Pangatlong beses na itong nangyari ngayong araw at hindi ako umaasang mabilis itong titigil.

Ngunit pinaka malala ngayon. Kung kanina mayroong nakatatanda o guro na naglilimita ng ingay at bulungan, Dito wala. Kaya't sinamantala nila ang pagkakataong pagsalit salitan ang pangalan ko.

"Are you okay?" Hindi ko na tinignan pa si Sebastian na umupo sa tabi ko.

"Oo naman." Tsaka ko lamang ito pinagtuunan ng pansin nang marinig ko siyang bumuntong hininga.

"Al, I'm so sorry-"

"Hindi, Seb. Wala kang dapat ipagpatawad. Wala kang ginawang mali." Bumagsak ang magkabilang dulo ng mga labi niya at seryoso akong tinignan.

"Al-" Napigil ang sasabihin nito nang sabay naming mapansin na sadyang nilalakasan ng katabing lamesa ang mga boses nila. Napailing na lamang ako.

"Oh my god, Have you heard of that girl na pineperahan na nga daw si Axe Cruz, Nilalandi pa si Sebastian Castel!" Halos isigaw nito ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Sa kabila nito, Hindi umalis ang tingin ni Sebastian sa akin. Hindi ko maintindihan ang emosyong dinadala nito ngunit alam kong hindi ito mabuti.

"Mabilis kumalat ang news, Babe. We all know about her."

"Like, Who does she think she is? It's honestly embarassing." Maliban sa mga sinasabi ng grupong ito, Naririnig ko rin ang tsismisan ng iba't ibang mag-aaral. Sinubukan kong huwag silang pansinin ngunit anong magagawa ko? Maingay ang kasinungalingang pinagtatakpan ang katotohanan.

"Siya din iyong nag-cause ng commotion last weak right?"

"I heard she's a leader of an anti-government group..." Hindi ko na napigilan ang mapait na tawa.

Iba pang keywords na paulit ulit kong naririnig buong araw ay ang mga salitang terorista, malandi, gold-digger at higit sa lahat, Pangit.

Kung papasok ka sa unibersidad na eksklusibo sa anak ng mga kilalamg artista at pulitiko, Hindi magandang makilala ka na lumalaban sa mga ito.

"Honestly, I don't know what Axe sees in her. Hindi naman maganda, Ang itim!" Halos isigaw ng babaeng nasa kabilang lamesa sa mga kaibigan na ito habang binibigyang diin ang bawat salita.

Nagkasalubong ang mga mata namin ni Sebastian. Huminga ako ng malalim at umiling. Wala pang sinasabi o ginagawa si Sebastian, Ngunit alam kong hindi maganda ang tumatakbo sa isip nito. Bahagyang yumuko si Sebastian, Mukhang pinipigilan ang sarili na gumawa na naman ng gulo.

"Kababaeng tao, Manggagamit. Who ever believes her is such an idiot. Buti nalang tayo we can see her true dirty and poor colors. Such a bitch-"

"What the fuck is that supposed to mean?!" Nanlaki ang mga mata ko nang biglaang tumayo si Sebastian. Parang tumigil ang paligid at nagpigil ng hininga ang bawat tao sa loob ng cafeteria. Nawala ang lahat ng boses kasabay ng malakas na pagdabog ni Sebastian sa bakal na lamesa.

"Seb-"

"Say that again! I fucking dare you!" Napatingin ako sa nag-iisang lalaki sa lamesa ng mga babae. Sa pagkakarinig ko, Kasintahan ito ng isa sa kanila.

Hindi ito gumagalaw o humihinga manlang.

"What? Why aren't you running that ass of a mouth like you were earlier?!" Nang inambahan ito ni Sebastian, Doon lamang ako pumagitna.

"Seb, Tama na." Tumingin ako sa paligid. Walang gumagalaw, walang nagsasalita. Lahat ng atensyon at nakuha ni Sebastian.

"Castel, What are you doing na kasi?!" Tinalikuran ko si Sebastian at hinatap ang babaeng nagsalita. Ito itong nagpaparinig kanina at siya lang ang may kapal ng mukhang magsalita.

"Listen, You know nothing about what's happening you superficial,"

"Overrated,"

"Self entitled,"

"Cunts!" Mabilis kong binaba ang kamay ni Sebastian nang duruin niya ang mga ito. Suminghal ang babae at umirap.

"Look at her! So cheap! Walang wala na ba Bastian? We know na Mae rejected you but-"

"What did you just say?" Bumaba ang tono ng boses ni Sebastian. Kahit hindi na ako tumingin pa sa kaniya alam kong andyan na naman ang mga mata nitong parang ililibing ka ng buhay.

"What the hell did you just say?" Umirap muli ang babae.

"Mae went live last night, Sinabi niya ang lahat," Napaurong si Sebastian sa sinabi nito.

"And I'm sorry sa nangyari, Bastian. We," Tinuro niya ang sarili at ang mga kasama sa lamesa.

"Are your real friend. You talk to us, Not to her! Pinagsasamantalahan niya ang vulnerability mo!" Humigpit ang pagkakasara ng parehong palad ko sa sinabi nito.

"We are not friends. You have no idea what friends are." Madiin na sambit ni Sebastian. Suminghal ulit ang babae at pekeng tumawa.

"Look around you, Bastian. She!" Umigting ang panga ko nang halos isaksak na niya sa mukha ko ang daliri niya. Dinuduro ako nito na parang nandidiri siya sa akin.

"Doesn't belong here!"

"The only reason why you're with her kasi Mae rejected you and you think she's actually there for you. When in reality, Ginagamit ka lang niya para magpapansin. Like how she's using Axe for money!" Umikot ang mga mata ko sa paligid. Alam kong walang totoo sa mga sinasabi nito ngunit kung makipagsigawan pa ako sa harap ng mga taong nanonood sa amin, Mapapatunayan ko lang ang sinasabi nila.

Hindi ko alam kung ano ang problema nitong babae na ito sa akin na para bang personal ko siyang naaapektuhan. Kahit isang beses nga ay hindi ko nakitang lapitan manlang nito si Sebastian.

"Sebastian naman-" Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang talikuran ito ni Sebastian at padabog na lumabas ng cafeteria.

Love How You Hate Me (Castel #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن