Chapter 1: Welcome Freshmen!

180 19 4
                                    

ALLISON

"Welcome Freshmen..." Basa ko sa mga banner na nakapaligid sa kampus.

Hindi na ko freshman. Sa katotohanan, Ika-apat na taon ko na sa kolehiyo. Ibig sabihin rin noon ay malapit na ko kumuha ng LSAT.

Huminga ako nang malalim at nagsimulang maglakad.

Napuno ng bulungan at chismis ang pasilyo ng unibersidad. Dahil narin siguro sa pagtaas ng ranggo ng university.

Pribado at mataas naman talaga 'tong University. Pero noong nakaraang bakasyon lang ay naging usapin kami dahil nailista ang South Mountain University sa isa sa pinakamagaganda at magaling sa unibersidad, Ayon sa isang sikat at pinagkakatiwalaang international magazine.

Nahanap ko ang homeroom ko at umupo sa harapan. Hindi ako 'pala kaibigan' pero mas mapapansin ako ng mga propesor dito kung sakaling gusto ko magrecite.

Unti unting napuno ang classroom at nang magring ang bell sakto ring pagpasok ng guro namin.

"Good morning students." Nakangiti nitong bati.

"So! I checked our master list and all I can say is... Wow." Lalong lumawak ang pagkakaunat ng mga labi nito.

"Grabe! A lot of famous last names na hindi natin na-encounter last year. Kung last year we had the elites and the millionaires, this year we have the royalties and the billionaires."

"This classroom alone might have a net worth of 40 Billion pesos." Umikot ang mga mata niya sa paligid.

Napatingin ang lahat sa pinto nang kumatok ang isang gwapo at mestisong lalaki.

"Hi? Are you Professor Recto?" Tanong nito. Narinig kong nagbulungan ang mga kaklase kong babae.

Kahit sino naman siguro may masasabi sa kagwapuhan ng lalaking 'to. Sa totoo lang, masyado rin akong naligaw sa mga mata nito kaya't hindi ko na napagtuunan ang pansin na medyo pamilyar ang mukha nito.

"Oh. Yes, You're in the right class, Mr. Castel. Please take a seat." He smiled at the professor, Bago ngumiti sa amin.

Para namang nakakita ng anghel ang mga kaklase ko nang ngumiti ito. Dahil isa rin ako sa mga nahumaling, Hindi ko na naintindihan ang apelyidong binanggit ng guro.

"Remember how I said that this classroom has a net worth of forty billion pesos? We'll make that fifty,"

"With the addition of mr. Sebastian Castel." Nanlaki naman ang mga mata ko.

Putangina, Seryoso ba? Totoo ba iyong narinig ko?

Hindi ako makapaniwalang lumingon nang marinig kong may umupo sa likod ko. Nang ibaba niya ang bag niya tumingin ito sakin at ngumiti na parang wala siyang kasalanan sa mundo.

"Uhm... Hi?" Bulong nito. Napalunok ako at humarap ulit sa professor. Siya ba talaga iyon?

"Weird..." Narinig kong bulong niya. Napailing nalang ako.

Dumaan ang ilang oras, iba't ibang kaklase ang nagpakilala at kinilala ang isa't isa. Gamit ang lahat ng disiplinang mayroon ako sa katawan, Sinubukan kong huwag alalahaning nasa likod ko lamang si Sebastian Castel.

Putangina, Si Sebastian Castel.

Para akong mabubulunan sa bawat segundong nararamdaman ko ang presensya niya.

Buti nalang hindi pa importanteng diskurso ang sinasabi ng guro. Walang iba kung hindi pakilala at pagsalubong sa mga bagong lipat.

Love How You Hate Me (Castel #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora