Chapter 72: Who Knew It Would End This Way?

37 6 0
                                    

ALLISON

Putangina, Hindi ako makatulog.

Sa hindi ko mabulang na pagkakataon lumipat na na naman ako ng posisyon sa kama. Muli kong nilabas ang telepono ko,

3:35 A.M.

Saktong tatlong oras na akong nakatulala sa iba't ibang parte ng kwarto ko pero sa di malamang dahilan, Hindi ako makatulog. Kahit antukin manlang.

Marahan akong huminga nang malalim at dahan dahang pinikit ang mga nata ko nang marinig ko ang mahinang pagbagsak ng ulan sa yerong bubong.

"Siguro naman makakatulog na ako nito..." Bulong ko nang maramdaman ang malakas na simoy ng hangin na dumadaan sa aking bukas na bintana.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ng antok nang unti unti akong malawan ng malay.

Bago pa ako tuluyang makatulog, Napabalikwas ako sa tunog ng malakas na pagkalabog ng yerong pintuan sa labas ng aking kwarto.

Kumunot ang aking noo nang mapagtantong tuloy tuloy ang marahas na pagkatok at mukhang walang balak na tumigil. Inis akong tumayo sa kama. Hindi ko mapigilan mapakamot sa aking ulo, Anong oras na namang umuwi si mama at ang masama pa ay nagiingay ito.

"Papunta na po!-"napatigil ang iritable kong singhal nang mamataan si mama na nakabulagta sa sala, lasing at nakahiga sa sariling suka.

Saglit akong napatingin sa pintuan na patuloy ang pagkatok, nakataas ang kilay habang nagtataka kung sini ang nasa kabilang dulo nito.

"Al! Open the door!" Nanlaki ang mga mata ko nang mabosesan ang kumakatok.

"Al! Al! Open the door, Wawasakin ko 'to!"

"Sebastian..." Nagmadali akong tumakbo sa pinto at binuksan ito, bago pa magising ang nanay ko.

Bumungad sa akin ang desperadong mukha ni Sebastian na basang basa sa ulan at hinihingal. Napansin ko sa likuran nito ang mamahalin na sasakyan.

"Anong ginagawa mo?!" Galit kong tanong dito.

"Let's go." Tinitigan ko lang siya.

"Ano?! Ano bang problema mo?!"

"Let's go. Just say yes. Please." Sabi ni Sebastian na basang basa sa ulan.

"Let's go!"

"Anong let's go, Baliw ka ba?!" Sigaw ko dito kasabay ng lalong paglakas ng buhos ng ulan.

"Please. We have to get out of here. There's no time to explain. Sumama ka nalang... Please." Hindi ko alam kung yung ulan ba yon o luha na talaga na bumabagsak galing sa mga mata niya.

"Seb-"

"They killed you father." Parang saglit na tumigil ang tibok ng puso ko sa narinig kong sinabi nito.

"Ano..?" Nauutal kong tanong. Huminga nang malalim si Sebastian, bawat segundo ay parang nauubusan na ito nang pagasa.

"Pinatay nila si tito Emmy, your dad was Archangel's secretary before you were born." Hindi ako nakapagsalita. Gusto kong patunayang mali ito, na sabihin kay Sebastian Aktibista si papa. Hindi maaaring dati siyang nagtatrabaho sa mga Castel.

"You don't believe me, do you?" Mahinang tanong nito, bagsak ang mga balikat.

"How did you think that your dad knew everything he wrote in that book? Please, Al," tama si Sebastian. Kahit kailan hindi ko naisip kung saan nga ba nakuha ni papa ang lahat ng impormasyon na nakalahad sa librong sinulat nito.

"I desperately need you to believe me." Pagmamakaawa nito.

"Kung..." Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ng utak ko sa impormasyong biglaang pumapasok dito. Hindi ko din alam kung bakit ngunit hindi na ako ganoon ka gulat na ayon ang nangyari. Kahit papaano, sa ilang taong nawala ni papa, Inaasahan ko na ito.

Kumuyom ang aking palad, handang saktan si Sebastian.

"Kung totoo nga ang sinasabi mo," dumiin ang mga ngipin ko sa isa't isa.

"Bakit naman ako sasama sa iyo?"

"Archangel killed your dad to shut him up,"

"He's planning on doing the same thing to both you and me." Nanginginig akong huminga nang malalim nang maramdaman ang biglaang paglakas ng tibok ng puso ko. Sa tindi ng ulan at halong hangin nito, nababasa narin ako sa kinatatayuan ko.

"Paano kita mapagkakatiwalaan, Sebastian? Paano ako maniniwalang hindi ka nagsisinungaling ulit?" Matapos ang ilang segundo kong pananahimik, hindi ko hinayaang pangunahan ng matinding emosyon ang pagiisip ko.

"I-" Umiwas ito ng tingin.

"I don't know. Ang alam ko lang, If you don't believe me, Both of us will get killed."

"I can go without you, Al. But I didn't. This is all my fault,"

"I'm sorry... But I'm trying to fix what I can." Saglit akong natahimik.

"Hindi pwede... Hindi ako pwedeng sumama sayo." Nanginginig ko paring saad.

"Al naman... Look at this! Look at where you are! I know it's selfish pero leave this life behind. Bumuo tayo ng sarili nating buhay, Al." Napatigil ako sa sinabi nito at tinitigan lamang siya.

Tumingin naman ako kay mama na nakabagsak na naman sa semento at lasing, Ni hindi manlang na-aalimpungatan sa sigawan namin ni Sebastian.

"We can go anywhere you want. Just not here."

Naisip ko si papa. Lahat ng pinaglaban niya bago siya mamatay. Lahat ng dahilan kung bakit siya namatay.

"Al, Please... Castel is just my last name now." Pagmamakaawa niya. Tinitigan ko lang siya.

"Seb, Ano ba?... Hindi pwede..." Hindi ko pwedeng iwan ang buhay ko dito. Ngunit kung totoo nga ang sinasabi ni Sebastian, wala naman akong ibang choice kung hindi ang sumama sa akin.

"Mahal kita, Allison!" Napaurong ako sa sinabi nito. Hindi ko alam kung ganito na ba talaga siya ka-desperadong sumama ako sa kanya kaya niya ito sinabi o kung... Mahal niya talaga ako.

"Ano?" Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa lahat ng sinasabi ngayon ni Sebastian.

"Everything you said is true, About my family. I can't stay with them. You can't stay in a place where they know you're in. We can't stay here!" Halos sumigaw na si Sebastian para lang mangibabaw ang boses niya sa malakas na pagbuhos ng ulan.

"I'm begging you, Al. Please..." Humina ang boses nito sa bandang dulo. Tinitigan kong mabuti si Sebastian na parang babagsak na sa sahig ano mang segundo.

Kung hindi ako sasama sa kanya, papatayin nila ako? Ayon ba ang nangyayari? Ibig sabihin ba nito wala na akong pwedeng gawin?

"I know I haven't properly apologized for what I've done, Archangel set me up to do it. Everything I did, I did for his approval,"

"Umpisa palang he was already doing everything in his power to shut you up. When he realized he couldn't do that, he resorted to the worse thing he could do,"

"And I know," huminga ito nang malalim sa gitna ng mahabang litanya at paliwanag.

"I know I made mistakes but I genuinely cared about-"

"I still do! And this isn't me being desperate but I love you," nagsimulang mabuo ang luha sa gilid ng aking mga mata. Halo halong emosyon, gulat, galit, pag-aalala at higit sa lahat, takot. Takot na iwan ang buhay na pinaghirapan kong buoin dito. Takot na mamatay at mabalewala ang lahat ng pinaghirapan ko.

"So, Al, I'm begging you..."

"I don't want to do this either and I'd rather die than to leave you here. If I could do something else, I would,"

"But we don't have a choice."

Love How You Hate Me (Castel #1)Where stories live. Discover now