Chapter 45: Yikes

33 9 0
                                    

ALLISON

Tahimik ang resto dahil wala namang masyadong tao. Wala rin kaming gawain kaya napagpasyahan naming manood na lamang ng balita sa telebisyon habang naghihintay ng customer.

"Si Sebastian, Oh!" Turo ni Rowena sa mga litratong pinakita sa balita.

"Sebastian Castel attends election campaigns with rumored girlfriend, Mae Riveria!"

"Si Mae Riveria ay kilalang model sa Paris, France. Even landing gigs such as Gucci and louis vuitton. Hindi lang iyon, May sarili ding cosmetics company ang dalaga!"

Kumumot ang noo ko nang ipakita nila ang litrato ng dalawa na magkahawak ang mga kamay habang nagkakampanya. Sunod na ipinakita ang nag-gagandahang litrato ni Mae Riveria na nasa runway ng iba't ibang sikat na brands.

Totoo kayang kasintahan ito ni Castel o isa lang itong paraan upang makuha ang atensyon ng mga tao?

"Hindi kinumpirma ng dalawa kung sila ba ay mag-karelasyon. Pero kilig overload naman ang mag-'kaibigan' habang magkasama sa campaign ng amang si Archangel Castel at inang si Maliari."

Ayon. Ayon ang dahilan. Kung sila nga naman talaga hindi ako magtataka. Pero kung titignang mabuti bakit ngayon lamang nagkaroon ng kahit anong balita o koneksyon tungkol sa dalawang ito?

"Wow, He looks hot." Nanigas ako sa pwesto nang marinig ang pamilyar na boses sa likuran ko.

"Lis, Pasok na kami sa kusina." Pinanood kong iwan ako ni Rowena at Rodel.

"Anong nangyari sa 'I'll never bother you, Again'?" Inis na tanong ko dito.

"Allison, You told me you only work here on Friday's." Inis ko itong tinignan nang pitikin niya ang noo ko.

"Putangina naman." Padabog kong pinunasan ang pintuan.

"It's not Friday. I had no idea you were here." Umirap ako.

"Siya, Um-order ka nalang."

"But I was actually hoping you were." Inis ko itong tinitigan.

"Bakit na naman? Akala ko ba hindi mo na ako guguluhin?" Irita kong tanong dito.

"Wala, I was just gonna ask you something." Umiling ako at tinalikuran ito. Akmang maglalakad na ako papasok ng kusina nang may sabihin ito.

"Allison Monteverde, Twenty years old. Charged with vandalism for destroying public property and spray painting on plaza statues." Napalunok ako at natulala dito.

"Allison Monteverde, Twenty One years old. Charged with libel towards the Castel family after she read pages of an anti-Castel book in front of thousands of people during a 'peaceful protest'."

Humarap ako sa kaniya. Naramdaman kong nagiinit ang kamao at umiigting ang panga ko. May binabasa ito sa telepono.

"Allison, Why are you so mad-"

"Kasi magnanakaw kayo! Imbis na tumulong kayo sa mahihirap, Binubulsa niyo ang kaban ng bayan!" Sigaw ko dito. Parang nagusok ang ilong at tenga ko sa mga salitang lumabas sa bibig ko.

Bumagsak ang emosyon ni Sebastian. Napalitan ang pang-aasar ng galit. Ito na naman ang dating siya. Gulong gulo na ako sayo, Castel.

"Allison Monteverde, Fifteen years old." Napatigil ako sa sunod na sinabi nito. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto kung ano ang sasabihin niya. Dumiretso ang titig nito sa akin, Tulad ng mga tingin niya noong mag-kaaway kami.

"Charged with multiple counts of theft after stealing from, And mugging multiple citizens in two weeks. It is unknown who else she victimized but-" Hindi nito napigilang tumawa.

"Fifteen years old! You're lucky you were a minor!"

"Saan mo nakuha iyan?" Madiin kong tanong dito.

"Ano ba ito Sebastian? Bayad doon sa 'tulong' mo noong may klase ang mga bata?!" Malakas na sambit ko dito.

"Putangina mo!" Marahas itong tumayo at hinampas ang mga palad sa lamesa.

"What?!"

"Ito ba ang kapalit ng pag-tulong mo?! Ito ba kapalit ng lahat ng ginastos mo sa pakikipag-kaibigan- Kung iyon talaga ang intensyon mo?!" Dumilim ang nga mata nito habang magkasalubong ang mga kilay.

Buti nalang at walang tao sa lugar na ito maliban sa amin nila Rowena. Kung hindi baka marami na ang naka-kita ng gulo namin ni Sebastian.

"Excuse me? For your information, I just found these when I was paying for the tents! Nung sinabi ko kay ninong full name mo!"

"Then why do you have to rub it in my face?!" Galit kong tanong dito. Napatigil ito.

"I,"

"Ano, Sebastian?! Ano ito? Blackmail para patawarin kita? Puwes, Umalis ka nalang!" Tinalikuran ko ito.

"Allison, Alam mo. You always think the worse of me."

"Wow! Pupunta ka dito para sabihin sa akin lahat ng krimen na nagawa ko, Ano sa tingin mo ang iisipin ko? Napaka-walang hiya mo!" Huminga ito ng malalim.

"You keep calling my family a thief! If you're such a saint, Then what is this?"

"That," Tumingin ako sa kisame nang maramdaman kong nangingilid ang mga luha sa mata ko.

"Was the only way we could survive. Iyang pag-nanakaw ang tanging paraan para magkaroon kami ng kakainin ng nanay ko ng isang beses sa isang araw." Mabilis na nagbago ang emosyon sa mukha nito. Bumagsak ang mga kilay niya at kumurba pababa ang mga labi nito.

"Pasensya ka na kung kinailangan kong magnakaw, Sebastian. Pasensya na at hindi ako santo. Ninanakawan niyo ang wala nang pagkain. Ako nagnakaw ako para may makain." Nakita kong mabigat na lumunok ito.

"Iyang pagpo-protesta ang nagiisang paraan para lumingon ang mga katulad niyong nasa itaas sa paghihirap naming mga nasa ibaba."

"Bakit? Tumutulong ba kayo kapag hindi ninyo kailangan ang boto namin?"

"Yes..." Para namang nabasag ang puso ko sa narinig.

"Buksan mo iyang isip mo, Sebastian. Hindi ka bulag at hindi ka rin tanga. Alam mo iyang nangyayari." Tumingin ito sa sahig at umiling.

"None of what you're saying are true, Al. We aren't thieves and we aren't bad people." Mapait akong tumawa.

"Kailan mo ba tatanggapin ang pag-kakamali niyo? Kailan mo titignan ang katotohanan?"

"This is the truth. You know who I am,"

"So stop acting like you only see me in tabloids and negative press." May bahid ng sakit ang boses nito. Dito ko napagtanto na mukhang kahit na kailan hindi kami magkakasundo ni Sebastian.

"Umalis ka nalang, Sebastian."

Love How You Hate Me (Castel #1)Where stories live. Discover now