Chapter 57: An Act Of Political Sacrifice

30 6 0
                                    

ALLISON

Huminga ako nang malalim bago pekeng umubo. Napatigil ang matangkad na lalaki sa pag-aayos ng mga bulaklak.

"Took you long enough." Malamig na sambit nito, Hindi manlang humarap sa akin.

"Axe, I'm sorry."

"If you're not here to visit dad, Umalis ka nalang. Ayoko ng gulo." Naninibago ako sa tono ng boses nito. Ibang iba sa Axe na kilala ko.

"Syempre nandito rin ako para dumalaw. Hindi naman ako papayag na hindi ako makapunta sa huling lamay,"

"Pero gusto sana kita makausap, Axe." 

"I'm sorry, Pero I don't have time for what ever you want to say." Ilang segundong nag-proseso sa utak ko ang sinabi niya at kung paano niya sinabi nito.

"Ano?" Gulat kong tanong.

"Didn't you hear me? I don't have time to listen to your lies."

Sa sobrang gulat at pagtataka sa kung paano nagagawa ni Axe na umarte ng ganoon, Hindi ko mapigilang mapatanong,

"Sino ka?" Sumama ang tingin niya sa akin. Kung hindi ko kilala ang lalakjng nasa harapan ko, Iisipin kong pareho sila ni Sebastian.

"Ano?" Tumingin si Axe sa paligid bago marahang lumapit sa akin.

"How dare you question how I'm acting towards you?"

"Ano ba ang gusto mo, Lis? Gusto mo yakapin kita ng mahigpit? Halikan kita? Sabihin ko sayong mahal na mahal kita?" Mahina, madiin at tuloy tuloy na sabi nito. Bawat salita ay parang dinuduro ako.

"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihi-"

"Ano bang dapat kong gawin?- No."

"I know exactly what I should do." Kumalma ang boses nito, Dahan dahang lumalayo sa akin.

"We should break up-"

"Hindi." Pag-pigil ko dito. Ramdam kong nangingilid ang luha sa kanang mata ko pero hindi ako papayag na makita niya ito. Dahil wala akong dapat iyakan, Hindi ako iiwan ni Axe.

"I'm sorry. I can't do this anymore."

"Axe naman, Dahil ba 'to kay Sebastian? Ilang beses ko ba ipapaliwanag sa iyo na walang namamagitan sa amin-"

"I know. But it doesn't matter kung ano ba ang rason ko. Ang importante, Tapos na tayo." Bumuga ako ng hangin.

"Ano? Of course it matters! Karapatan kong malaman kung bakit-"

"Lis," Preno ni Axe nang mapansing napapatingin sa amin ang iba pang dumalaw kay tito.

"Karapatan kong malaman kung bakit gusto mo 'tong tapusin. Hindi biro ang relasyon natin, Axe." Hindi ko na napigilan ang sarili.

"Seriously, Lis? Ikaw pa ang may ganang mag-sabi niyan? You hypocrite." Kahit na galit na galit na ito, Kalmado parin si Axe. Propesyonal.

"Where were you when I was mourning? Nung kailangan kita?" Dito ako natauhan, Nakonsensya sa mga nasabi ko sa kaniya kanina. Gusto ko mang sabihin ang lahat ng nangyari nitong nakaraang araw, Hindi na dapat. Hindi kompetisyon ang kamalasan namin.

"Umamin ka nga,"

"Were you with him?" Tumahimik ang paligid. Umiwas ako ng tingin bago umiling.

"Alam mo, It doesn't matter. I'm sorry, Lis. My decision is final." Ang dami kong gustong sabihin, Isumbat sa kaniya.

Tulad ng wala ba akong karapatan magdesisyon din para sa relasyon namin? Wala ba akong karapatang malaman kung bakit iyon ang naging desisyon niya? Hanggang dito nalang ba talaga iyon?

"Salamat." Iyon nalang ang nasabi ko bago ko siya talikuran. Akala ko tapos na ang usapan pero pinigilan niya ako, Hinawakan sa braso.

"Pwede ba akong makiusap?" Humarap ako sa kaniya.

"They're already preparing for my campaign as mayor." Saglit akong natahimik.

"Ano? Hindi pa nga tayo nakakapagtapos ng kolehiyo-"

"Alam ko. Pero I'm twenty two, By election I'll be twenty three. And..."

"Pasok iyon..." Mahinang pagtuloy ko sa sinasabi niya. Hindi parin binibitawan ni Axe ang pulso ko kaya nagtanong na ako, Hindi ko na matiis na makita siya ngayon.

"Ano iyong ipapakiusap mo?"

"I don't want any more drama or issues to come out of this. Of us,"

"We can't afford another mishap. Kaya please, Lis,"

"It would be great kung hindi magiging kayo ni Sebastian, Mas maganda kung walang makakakita sa inyo na mag-kasama."

"I can't have my ex girlfriend date Sebastian Castel."

"Anyone but Sebastian." Madiin ngunit nanunuyong sabi nito. Sinubukan kong ngumiti.

"Huwag kang mag-alala, Hjndi ko rin naman pina-plano."

"Sana naiintindihan mo ako, Lis." Mabilis kong binawi ang kamay ko at tinalikuran siya. Nang maka layo layo ako sa lugar, Saka lamang bumagsak ang mga luha ko.

Kahit na ilang buwan lang naging kami ni Axe, Siya ang una kong naging kasintahan, Una kong minahal at mahal ko parin. Hindi ko alam kung ano ang nangunguna sa loob ko, Sakit? Galit?

Isa lang ang alam ko,

Isang tao lamang sa telepono ko ang sasagot ng tawag.

Love How You Hate Me (Castel #1)Where stories live. Discover now