Chapter 30: Late Night Talks

49 11 0
                                    

ALLISON

"Sigurado ka na ayaw mong sa kwarto matulog?" Tanong ko.

Tumango ito.

"Yeah." Pinikit niya ang mga mata.

Tinitigan ko ang madumi at lumang sofa na tinapalan ko ng dalawang kumot.

"Pwede namang ako nalang ang matulog diyan. Doon ka na sa kwarto." Dinilat ni Sebastian ang isang mata at tinignan ako.

Tinaasan ko ito ng kilay nang tumawa siya.

"Do you want me to sleep next to you?" Natatawang tanong nito.

"Allison!" Lalo itong tumawa nang paghahampasin ko siya ng unan.

"Stop! I'm sorry! I'm sorry!" Natatawa itong umupo at tinakpan ang mukha.

"Inaantok ka na ba?" Tanong ni Sebastian. Umayos ito ng upo habang yakap parin ang unan.

"Hindi naman." Sagot ko at umupo sa tabi niya.

"It's quiet in here. Peaceful." Mahinang sabi nito.

"Kung alam mo lang ang pinagdaanan ng lugar na ito."

"Why? What happened?" Takang tanong niya. Para bang intrigang intriga ito sa kung ano mang chismis ang masasabi ko.

"Lahat ng bahay dito sa kalsadang ito ay nasunog noong 2010."

"What? Why? Seriously?" Tumango ako.

"Isang gabi nakita namin sila na binabato ang bawat bahay ng posporo habang binubuhusan ng gasul ang paligid." Umawang ang magandang mga labi ni Sebastian.

"Sino 'sila'?" Hindi ako naka-sagot.

Paano ko sasabihin kay Sebastian na ang mga taong nakita namin ay nakasuot ng puting damit kung saan naka-tatak ang mukha ng ama niya?

Paano ko sasabihin kay Sebastian na hindi ko rin alam kung bakit nila nagawa iyon?

"Hindi ko alam. Hindi na namin sila nakita ulit."

"That is messed up... None of you got the justice you deserved." Nagsindi ng sigarilyo si Sebastian habang umiiling.

"Wala naman kaming magagawa. Ganito lang ang buhay ng mahirap, Sebastian."

"That's impossible... My dad processed a whole justice system for the poor." Umiwas ako ng tingin.

"Hindi," Huminga ako ng malalim.

"Hindi kami nagsampa ng kaso."

Nang matahimik kaming dalawa, Hindi ko maiwasang tignan ang bawat parte ng mukha nito. Maamo naman pala kung hindi nang-aasar.

"Where are your parents?" Binasag ni Sebastian ang katahimikan.

Hindi ako agad nakasagot. Pinagisipan ko muna ng mabuti ang mga salitang pwede kong sabihin.

"Dead." Gulat akong tinignan ni Sebastian.

"You're not joking."

"Holy shit-"

"I am so sorry, Al." Kumunot ang noo ko habang pinapanood na mataranta si Sebastian.

"Ayos lang."

"Do you wanna talk about it?" Nag-tama na naman ang mga mata namin.

Maliban kay Axe, Wala na akong ibang napag-kwentuhan ng nangyari.

Mabigat akong bumuga ng hangin.

"Ang totoo, Si papa lang ang wala na sa mundong ibabaw." Tumango si Sebastian.

"Simula naman noong namatay si papa, Nawala narin ang nanay ko. Parang hindi na siya ina."

"Hindi ko nga alam kung nasaan siya ngayon. Siguro kasama ng mga kaibigan niya, Nagdo-droga. Nag-papakawala." Tahimik na nakinig si Sebastian.

Lumunok ito ng laway bago humithit ng sigarilyo. Naka-baba ang ulo nito.

"Huwag kang maawa sa akin." Umangat ang mga mata nito sa akin.

"How can I not? No offense, But look at this place." Mahina akong tumawa.

"You have to deal with your mother in this place and it's not even a decent looking place." Bumuntong hininga ng usok si Sebastian.

"You're strong, Doll." Umiling ako.

"Siguro. Masasanay ka nalang rin."

"No wonder you're brave as hell. If I did what I did to you to other people,"

"Baka they already gave up or transfered. I'm sorry."

"Pasensya ka na rin. Malaking parte ng pag-kasira ng buhay ko ang gobyerno, Sebastian."

"What did you think my family did, Allison? I'll try to help-"

"Si Emerson Monteverde ang nagsimula ng rebolusyon ng 1998." Kumunot ang noo ni Sebastian.

"Tatay ko siya, Simula doon hanggang sa mag-Sampung taon ako,"

"Tinuruan niya ako, Sinabi niya sa akin lahat ng alam niya. Lahat ng katotohanan."

"Hindi siya tumigil." Tumingin ako sa kisame, Pinipigilang tumulo ang mga luha.

"Hanggang sa sila na ang nag-patigil sa kanila." Nakita kong napalunok si Sebastian.

"Al, My family had nothing to do with his death..." Sabi nito.

"Siguro."

"Did he hate my family? Did he hate the Castels?" Hindi agad ako nakapag-salita.

"He hated the unjust and corrupt." Sagot ko.

"I'll take that as a no."

Ilang segundo ulit kaming nanahimik. Walang kahit anong ingay ang umabala sa amin.

"I'm sleepy, Al." Tinitigan ko si Sebastian habang niyayakap ang unan na pinahiram ko sa kaniya.

Hindi naman ito marumi, Ngunit may mga mantsa talagang Hindi matatanggal. Buti nalang hindi ito kasing arte ng iniisip ko.

"Then sleep. Goodnight, Sebastian." Mahina itong umungol.

" 'Kay... Goodnight."

Pumasok ako ng kwarto at tinignan ang telepono ko. Hindi pa nag-tetext si Axe buong araw. Nag-aalala na ako sa kanya.

Bumuntong hininga ako nang makita ang laman ng pitaka. Isang daan na hindi na tatagal ng isang linggo.

Sa susunod na Lunes pa ang sahod ko.

Wala na akong nagawa kung hindi mag-hintay ng araw para mabisita si Axe, O hintayin ang tawag nito.

Humaba ang nguso ko nang makita ang litrato namin ni Axe na naka-dikit sa pader.

Hindi rin nag-tagal ay nakatulog din ako.

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon