Chapter 18: Face Me

62 12 1
                                    

ALLISON

Hindi ko na napigilan ang pag-ngiti habang naglalakad sa hallway. Halos mapunit na nga ang labi ko dahil sa ngiting nasa labi.

Sino ba naman ang hindi mapapangiti?

Naka-kandado lang naman sa mga kamay ko ang kamay ni Axe Cruz.

"Tell me if he messes with you again, Okay?" Mahinang sabi ni Axe nang tumigil kami sa harap ng homeroom ko.

Tumango ako kahit alam kong gaganti rin naman ako kung may gagawin si Sebastian. Tumango ako kahit kaya ko naman ang sarili ko.

"Huwag lang silang magkakamali." Tumawa si Axe at tumingin sa paligid.

"Kaklase mo ba lahat ito?" Tanong niya. Tinignan ko rin naman ang mga ito.

"Oo."

Nanlaki ang mga mata ko at parang umakyat lahat ng dugo sa utak ko nang bigla niya akong halikan sa noo.

Ngumiti ito at ginulo ang buhok ko.

"Mabuti nang alam nila."

"I have to go, Lis... Bye." Hindi ako nakapagsalita at kumaway nalang habang paalis ito.

Bumuga ako ng hangin bago pumasok sa silid-aralan.

Hindi ko man sinasadya, Nakangiti akong umupo sa bangko.

Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ko nang maramdaman kong may humila sa buhok ko.

Inis akong tumingin sa likod ko. Nakita ko si Sebastian na naka-de kwatro. Nagtama ang mga mata namin at tumaas ang kilay nito.


Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko hahayaang sirain niya ang araw ko.

Huminga ako nang malalim bago humarap muli sa whiteboard. Hindi ko na sana ito papansin pero hinila na naman niya ang buhok ko.


"Ano ba?" Inis kong hinarap ito.

Hindi siya nagsalita subalit inirapan lang ako. Nagdalawang isip naman ako dahil nakakailang din ito tumitig. Parang pinapahiya niya ako, Sa tingin palang.

Napabaling naman ang ulo ko sa likod nang ulitin niya ito, Mas malakas nga lang ngayon.

"Ano ba, Sebastian?!" Inis kong singhal.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at hindi nagsalita.

"Ano? Hindi ka sasagot?" Tumaas ang boses ko. Lalo akong napikon sa pagmumukha nito. Sino ba naman ang hindi?


Yung reaksyon ng mukha niya para bang sinasabing;

'Sino ba itong babaeng ito, Bakit ang papansin?'

"Pag hindi mo ako tinigilan, Malalagot ka talaga sa akin!"

"Miss Monteverde? Mind explaining why you're threatening Sebastian?" Napatigil ako nang marinig ang boses ni Professor Trisha.

Love How You Hate Me (Castel #1)Where stories live. Discover now