Chapter 46: This Is The Part Where It Gets Too Real

28 7 0
                                    

ALLISON

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang sitwasyon sa harap ng unibersidad. Ilang segundo akong nanigas sa kinatatayuan at hindi gumalaw. Napuno ng ingay ang mga tenga ko, Iba't ibang iyak at sigaw, Iba't ibang boses ang namumuno.

Dumako ang tingin ko mga taong nasa loob ng campus, Mga hipokritang hinuhusgahan ang mga tao sa labas. Mga nagbubulungan at iniinsulto ang mga nagpoprotesta.

"Ilabas niyo si Castel!" Halos sabay sabay nilang sigaw. Doon na ako natauhan, Si Sebastian.

Siya ba ang dahilan kung bakit sila nandito? Ano na naman kaya ang katangahang ginawa ng lalaking ito?

Dali dali akong tumakbo papalapit sa mga mukhang pamilyar na sa akin. Si Brandon, Si Rowena, Si Rodel. Mayroon ding mukha lang ang kilala ko at sa protesta ko lang nakikita. Maliban sa iilang hindi ko mamukhaan, Lahat ng nandito ngayon ay mga kasamahan namin sa Kampo Resistencia.

"Anong nangyari? Bakit kayo nandito? Ano ito?" Tarantanong tanong ko sa mga kaibigan. Umikot ang nga mata ko sa paligid. May bata, May matanda. Lalaki at babae. Puno ng desperasyon at luha ang mga mukha.

"Allison, Hindi ka ba nasabihan?" Tanong ni Rodel.

"Sebastian Castel is our responsibility as a student of the university!" Saglit na nanahimik ang mga nag-poprotesta sa sinabi ng principal.

"Huwag kayo dito!" Lalong lumakas ang sigaw ng mga tao.

"Ano bang nangyari?" Inis na tanong ko sa mga kaibigan. Nagkatinginan ang magkasintahan.

"Ano nga?" Umiwas sila ng tingin sa akin at bumuntong hininga.

"Naglabas ng anunsyo sa balita kagabi," Naramdaman kong nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit pero inaaasahan ko na kung ano ang maaaring sabihin ng mga ito.

"Patay na si Richard Cruz." Bumaling ako sa kanan nang maramdaman ko ang malakas at masakit na tibok ng puso ko, Na para bang tumigil ito saglit.

"Ano pang sinabi ni Axe?" Tanong ko, Nangingilid ang luha sa mga mata. Bakit naunang sabihan ni Axe ang balita kaysa sa akin?

"Wala. Hindi pa nagsasalita si Axe tungkol sa nangyari." Nagkasalubong ang mga kilay ko.

"Paano niyo nasiguradong," Lumunok ako ng laway at tumingin sa langit.

"Wala na si tito?" Pagtuloy ko sa tanong.

"Panoorin mo." Hinatak ko palayo si Rodel at Rowena sa mga nag-rarally. Inabot nila sa akin ang teleponong may kopya ng balita kagabi.

"Matapos ilabas ng hindi nakikilang tauhan ang video ng anak ni Mayor Richard Cruz na si Axe Cruz, Nakumpirma na patay na ang mayor."

Pinalabas ang video ni Axe na humagulgol habang kinakausap ng doktor. Niyakap ito ni tito Dale habang tuluyan na bumagsak si Axe. Napatakip ako ng bibig sa nakita, Hindi narin napigilan ang mga luha ko na bumagsak.

"Ayon sa mga trabahador ng Hospital, Ilang linggo na naka-confine si Richard Cruz at hindi ito nagpakita ng signs of improvement,"

"Tumigil daw ang puso nito kagabing pasado alas siete matapos ang ilang linggo comatose nang dalawang beses itong tamaan ng ligaw na bala."

Hindi ako naniniwalang ligaw na bala lang ito. Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para kay Axe. Napangunahan na ito ng media, Hindi manlang pinabayaang magluksa ng tahimik si Axe bago ito ipa-alam sa publiko.

"Bakit kayo nandito? Ano ang kinalaman ni Sebastian sa nangyari?" Umiling si Rodel.

"Pati ba naman ikaw nabilog na ng mga Castel?" Kumunot ang noo ko.

"Ano ang kinalaman ni Sebastian sa nangyari?" Madiin kong ulit sa tanong.

"Sino pa ba ang magpapapatay kay Richard Cruz? Maraming tao ang nawalan ng trabaho, kinabukasan at buhay dahil sa ginawa nila, Lis." Umiling ako.

"Kung may kinalaman ang mga Castel dito, Labas si Sebastian doon." Depensa ko dito. Sa totoo lang hindi ko din alam kung bakit ko pinagtatanggol si Sebastian.

"Ilabas niyo si Castel! Ilabas niyo si Castel!" Napalunok ako ng makitang pinaligiran na kami ng mga sasakyang umiilaw mg asul at pula. Kasunod ng mga ito ang mamahaling kotse na paulit ulit kong nakakasalamuha.

"Hindi talaga nag-iisip itong si Sebastian," Mahina kong sambit. Lalapit na sana ako dito nang harangin kami ng mga pulis.

"Kailangan kong makausap si Sebastian, Kilala niya ako. Allison Monteverde." Tinaasan ako ng kilay ng lalaking nakasuot ng asul na uniporme. Nagtama ang mga mata namin ni Sebastian nang marinig niya ako.

"Monteverde? Ikaw na naman?" Bumuntong hininga ito at sinenyasan ang mga kasamahan.

Nanlaki ang nga mata ko nang lumapit ang mga ito sa akin at pinulupot ang mga kamay sa magkabilang braso ko.

"Teka! Teka! Kilala ako ni Sebastian! Kailangan naming magusap! Hindi ako ang nagpa-simuno nito!" Pagpupumiglas ko.

"Sa estasyon ka na magpaliwanag, Monteverde." Marahas nilang hinila ang dalawang braso ko at kinandado ang posas sa likod.

"Lis!" Huli kong narinig na tinawag nina Rodel ang pangalan ko bago ako sapilitang pinasok sa sasakyan.

"Makinig nga kayo! Hindi ako ang nag-pasimuno nito, Ni hindi nga ako kasali dito!" Pilit kong depensa sa sarili nang umandar ang sasakyan. Mayroon pang nakasunod sa amin na mga sasakyan, Sigurado akong nandoon din sina Rodel at ang iba pang nasa protesta kanina.

"Babae talaga," Natatawang sabi ng isa.

"Hindi mapigil ang bunganga." Parang naginit ang dugo at umuusok ang tenga ko.

"Putangina-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mahigpit na takpan ng pulis ang mga labi ko.

"Manahimik ka nalang, Allison. Mga babaeng tulad mo, Hindi dapat nagsasalita. Dapat sa kama nalang." Para akong binuhusan ng malamig na tubig, Nagtaasan ang buhok sa katawan ko. Hindi ko maipaliwanag ang pandidiring naramdaman ko sa sinabi nito.

"Manahimik ka na. Masasaktan ka lang." Halos ihampas ako nito sa bintana ng sasakyan. Wala na akong nagawa kundi ang isara ang bibig.

Nabiningi ako sa malademonyong halakhak nila. Gustuhin ko mang lumaban, Hindi pwede.

Mahirap na.

Love How You Hate Me (Castel #1)Where stories live. Discover now