Chapter 58: Didiretso Saan, Allison?

31 7 0
                                    

ALLISON

Tumakbo ako papunta kay Sebastian nang mamataan ko itong palabas ng sasakyan.

"Hey." Tinanggal nito ang face mask na tinatakpan ang kalahati ng mukha.

"Why are you crying?" Unang tanong nito. Mapait akong tumawa bago punasan ang mga luha sa pisnge.

"Para saan iyan? Ayos ka lang ba?" Tanong ko. Tumango ito.

"Yeah, I just don't want to get recognized as much." Tumango ako at tinitigan ito.

"And can you not change the topic? Why are you crying? Anong nangyari?"

"May alam ka bang pwedeng punatahan? Ayoko muna pag-usapan, Seb." Tanong ko kay Sebastian.

Sinarado niya ang pinto ng sasakyan at inayos ang salamin. Tinanggal niya ang face mask bago simulan ang makina.

"That depends," Binaling ni Seb ang ulo sa akin at ngumiti.

"Depends saan?" Tanong ko dito, Tinataasan siya ng kilay. Wala akong tiwala sa malokong ngiti nito.

"Do you drink?"

"Ano?"

Napangiwi ako sa sumalubong na napaka lakas na musika sa tenga namin pagbaba ng sasakyan.

"Nasaan tayo?" Pasigaw kong tanong kay Sebastian.

"Miniangeles! It's Los Angeles but you know," Tumawa si Sebastian.

"Mini!" Pasigaw niya ring sambit.

"Anong ginagawa natin dito?" Sa sobrang daming nangyayari sa paligid nang sabay sabay, Muntikan nang mawala sa isip ko ang nangyari kanina aa pagitan namin ni Axe.

Napailing ako. Ayokong isipin ito. Kung ayaw niyang sabihin sa akin ang rason, Bahala siya. Basta hindi rin ako susunod sa kaniya.

Hinila ako ni Sebastian at kinaladkad papasok ng establismento. Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses dahil sa ingay ng pinaghalo halong masasayang sigawan, tawanan at musika.

Umikot ang nga mata ko sa paligid. Medyo madilim ang lugar, Walang iba kundi iba't ibang kulay na kislap ang nagbibigay ilaw. Napapaligiran ng na mga slot machine, mga lamesang puno ng baraha at pera.

"There's a bar on the other side, Let's go." Napailing nalang ako nang hilahin niya ako muli.

"Castel, V.I.P." Walang ano ano ay agad kaming pinayagang pumasok ng nagbabantay.

Bumagsak ang mga balikat ko pagpasok namin sa purong itim na silid.

Tahimik na dito. Ang tanging ingay na lamang ay ang marahan na pagsilip ng musika sa labas at ang mga baso't boteng kumakalansing. Walang ibang tao maliban sa mga naghahanda ng inumin.

"Bourbon," Naglabas ng card si Sebastian mula sa wallet nito.

"On the rocks, Please." Pinadulas ni Sebastian ang card sa barista na agad namang tinanggap ito.

"And for the lady?" Tanong ng Barista habang pinapakita ang nakakasilaw nutong ngipin.

"For the lady daw, Al." Natatawang sambit ni Sebastian. Pabiro akong umirap.

"I'll have anything basta hindi alcoholic-"

"Al." Nagtama ang mga mata namin ni Sebastian nang pigilan ako nito.

"Ano?" Suminghal si Sebastian na sinabayan niya ng irap.

"Tequila sunrise for the lady." Wala na akong nagawa nang lumayo ang barista kasama ang mga inutos ni Sebastian.

Love How You Hate Me (Castel #1)Where stories live. Discover now