Chapter 52: Care

28 7 2
                                    

ALLISON

"Allison?" Bumagsak ang pang-ibabang labi nito.

"Sebastian..." Nanginginig kong tawag dito.

"Shit..." Rinig kong bulong niya bago bumalot ang mga braso nito sa akin.

"What happened? What did they do to you? Are you okay?" Mabilis at sunod sunod nitong tanong nang bumitaw ito sa akin. Pinanood ko si Sebastian habang hinihingal na hinawi ang buhok.

"Allison! Are you okay?" Inangat nito ang baba ko at tinitigan akong diretso sa mata.

Sa totoo lang, Walang maayos na tumatakbo sa isip ko sa ngayon. Sa sobrang bilis ng lahat ng pangyayari, Hindi pa ako natatapos sa pag-tawag sa akin ng mga pulis.

"What did they do, Al?!" Ang pagkataranta ni Sebastian at napalitan ng galit.

"Fucking hell..." Hindi ako nakapagsalita nang higitin ni Sebastian ang braso ko at kaladkarin papuntang sasakyan. Binuksan niya ang pintuan nito bago bitawan ang braso ko.

"Get in the car. Subukan mong umangal, Allison!" Kung ano ang taranta ni Sebastian, Ganoon rin ang pag-kalutang ko sa pangyayari.

Hindi na ako umangal pa at pumasok na lamang sa sasakyan.

Anong nangyari? Niligtas niya ba ako? Bakit siya nandito?

"Putangina..." Matapos ang ilang minutong pagmamaneho ni Sebastian, Saka lamang ako nakapagisip isip sa lahat ng nangyari. Narinig kong huminga nang malalim si Sebastian bago ito magsalita.

"Al, What did they do? Are you okay?" Pagulit nito sa tanong niya kanina. Tumango lamang ako habang diretso ang tingin sa kalsada.

"I'm sorry I didn't see you earlier." Rinig ko ang pagkadismaya at konsensiya sa boses nito.

"Salamat, Seb..." Mahina kong sabi dito.

"No, No," Tumingin ako dito. Tulad ko, Diretso ang tingin nito sa kalsada.

"No, Don't thank me! Anyone would've done the same, Al! Hindi iyon some kind of nice and respectful gesture!"

"That's what everyone is supposed to do!" Lumakas ang boses nito. Humigpit din ang hawak niya sa manibela. Mula sa anggulong ito, Kitang kita ko ang pag-igting ng panga ni Sebastian. Ilang minuto na kami sa loob ng malamig na sasakyan ngunit tagaktak parin ang pawis nito.

Bumagal ang pagmamaneho ni Sebastian. Gumaan rin ang hawak niya sa manibela. Saka lamang ito huminga nang malalim.

"Allison, Are you hurt?" Alalang tanong nito.

"Hindi..." Tumango si Sebastian. Kapansin pansin ang kontriladong paghinga nito.

"I knew something bad was gonna happen, I had a feeling about this..." Mahina nitong sambit.

"Ikaw iyong nasaktan, Sebastian..." Kumunot ang noo nito bago mabilis na sulyapan ang kamao. Mabilis rin niyang binalik ang mga mata sa kalsada.

"Don't worry about it." Hindi madaling huwag mag-alala kung tuloy tuloy ang pagtulo ng dugo mula rito at pumapatak hanggang pantalon niya.

"Sebastian-"

"Allison, Please. I'm fine. I'll take you home, Okay?" Malambing at maalaga nitong saad. Tumango na lamang ako.

Dahil sa nangyari, Hindi na rin ako nakatanggi sa takot na baka maulit na naman ito.

Kumunot ang noo ko nang pagliko namin ay bumungad ang komosyon sa harap mismo ng bahay namin.

"T-Teka lang, Sebastian. Huwag ka munang umalis. Aayusin ko muna iyang sugat mo." Mabilis kong sabi dito bago bumaba ng sasakyan.

"Aling Nena! Aling Eya!" Tumingin ako sa paligid. Lahat ng mata ng mga kapitbahay at dumapo sa akin. Sakto ring naiilawan kami ng sasakyan ni Sebastian.

Love How You Hate Me (Castel #1)Where stories live. Discover now