Chapter 27: Good Friends/Bad Enemies

37 11 0
                                    

ALLISON

"Bilisan mo na! Stop complaining!" Inis na sigaw ni Sebastian habang hinihila ang braso ko.

"Ayoko nga! Hindi ako pwedeng tumakas!" Pilit kong dinidiinan ang mga paa ko sa sahig.

"Allison, I swear to God!" Kung hindi pa siguro tapos ang klase, Baka pinag-piyestahan na naman kami ng mga matang mapanghusga.

"Allison!"

"Sebastian!"

"I can't go alone! I have no idea what to get!" Pumikit ito at sinubukang higpitan pa ang pag-hila nito.

"Bakit hindi ko nalang i-lista ang mga pwedeng bilhin?"

"Oh. Right."

"Sebastian!" Sigaw ko nang bigla niya ang bitawan.

Tulad ng inaasahan, Bumagsak ako dahil sa pwersa. Umirap ako nang marinig ang malakas na halakhak nito.

"I'm sorry. Get up." Sabi nito, Habang nagpipigil ng tawa.

Inangat ko ang ulo ko nang ilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.

"Bwisit ka." Inabot ko ang kamay nito at tumayo.

"You're welcome."

"Are you sure you'd rather stay here instead of go with me?" Tanong ni Sebastian bago isara ang pinto ng kotse niya.

"Oo. Mag-ingat ka." Umikot ang mga mata nito habang nagsisindi ng sigarilyo.

"Are you sure? What are you gonna do here anyway?"

"Mag-aayos kami ng unibersidad. Kailangan matapos ang lahat ng gagawin bago mag-kinabukasan."

"Seems like a lot of work, Allison." Bumuga ito ng usok.

"Why dont you just ditch the student council commitee and come with me?" Ako naman ang umirap.

"Why don't you just help?" Tanong ko. Ngumiwi ito.

"No, Thank you." Humithit ito ulit.

"Sigurado ka ba? Pwede naman ako mag-ambag ng pangbili."

"No, No. It's for our project anyway. Ang pwede mo lang i-ambag ay sumama sa akin." Umirap ako nang mag-taas baba ang mga kilay nito.

"Lumayas ka na nga."

"Text me what I need to get, Al."

Para namang nanlamig ang katawan ko sa tinawag nito sa akin. Parang binuhusan ako ng malamig o kumukulong tubig, Hindi ko alam kung alin sa dalawa. Kung ani man ang mas makakagulat at nakaka-basag puso.

Hindi na ako nakapag-salita dahil mabilis nag-maneho paalis si Sebastian.

"Magandang hapon." Bati ko sa mga estudyanteng kasama ko sa SCC.

"Hi, Lis." Umupo ako at naglabas ng kwaderno ko.

"Anong plano natin? Mayroon na bang may ideya?" Tanong ko.

Nagtaas ng kamay si Arnel.

"Baka pwedeng rainbow themed. Since ilang taon na tayong paulit ukit with the dark themes."  Tumango ako habang tinitipa ang numero ni Sebastian sa telepono ko.

"It's not a bad idea." Komento ni Mara. Pag-tapos kong i-send ang kailagan bilhin ni Sebastian, Saka lamang ako nakinig ng maayos sa mga kasamahan ko.

"Siguro naman kabisado na natin ito, Ano? Taon taon iisa lang naman ang palaro at event natin." Sabi ko.

Siguro tama nga si Sebastian, Sana sumama na ako sa kanya.

"Oo, Lis. Yung wedding booth, Photobooth, Jailbooth, Lahat ng booth. Iisa lang naman kada taon. Dekorasyon at pag-aasemble nalang ang problema natin." Sabi ni Arnel.

Love How You Hate Me (Castel #1)Where stories live. Discover now