Chapter 59: The One Thing You Don't Do When Tou're Drunk

26 7 0
                                    

ALLISON

"Al, Al..." Inis akong umangal sa mahinang pagtulak ni Sebastian.

"Wake up!.." Pilit nitong sigaw kahit na rinig na rinig aa boses nito ang pagkahilo.

"Gising ako!" Irita kong sagot dito habang nakapatong ang ulo sa lamesa.

"Al, We have more drinks, Oh! Look!" Para namang umakyat lahat ng pinasok ko sa tiyan ko nang alugin ako ni Sebastian.

"Don't waste the night laying there! Drink some more! Let's have fun!" Hindi man tagalog ang salita niya ngayon, Nabubulol parin ito.

Hindi ko na ito pinansin at pinikit ang mga mata ko. Kahit na halos walang ingay sa paligid, Hindi ko parin narinig ang binulong ni Sebastian sa bartender. Matapos ang ilang segundo, naramdaman ko na naman ang palad ni Sebastian na bumagsak sa likod ko, Dahan dahan akong tinatapik.

"Al, Al, Al." Dahil narin sa kakulitan ni Sebastian, Inangat ko ang ulo ko. Napapikit ako nang parang baliktad ang paningin ko sa kapaligiran.

"Stand up," Nakangiting bulong ni Sebastian.

"Ano?" Iritableng tanong ko. Alam naman nitong hilong hilo na ako, Pipilitin niya pa akong tumayo?

"Get up, Bilis na!" Marahan niya akong hinila patayo.

"Ano ba yun, Seb?" Tanong ko, Kalahating nakapikit ang mga mata. Tinitigan ko siya nang marinig ko ang mahinang tawa niya.

"I'm so drunk, Al..." Natatawang bulong nito nang gabayan niya ako papunta sa gitna ng bar.

"Ako din. Kaya pwede ba, Pabayaan mo muna ak-" Napatigil ako nang marinig ang tugtog na nagsisimula. Pamilyar at mabagal ang tono ng kantang ito.

Nagsalubong ang mga mata namin ni Sebastian. Hindi ko na napigilang magpakawala ng tawa nang makita ang itsura nito. Bagsak na ang mga talukap ng mga mata at hindi mawawalang ang malokong nguti sa kaniyang mga labi.

"Let's dance, Shall we?" Lumawak ang ngiti ni Sebastian habang ipinapatong niya ang palad ko sa kaniyang balikat. Saglit akong napapikit nang maramdaman ang mga braso nitong bumalot sa beywang at likod ko.

Dahil sa hilo, Hindi ko na napigilang sumandal sa dibdib niya.

"This is nice..." Bulong ni Sebastian.

"Yeah..." Mahina kong sang-ayon. Sumabay ako sa mabagal na galaw ng mga paa ni Sebastian. Pumasok sa ilong ko ang malambing na amoy ng pabango ni Sebastian. Hindi ito iyong tipikal na pabango ng mga lalaki na matapang. Amoy prutas lamang ito. Pinabayaan ko ang katawan kong maging komportable sa mga kamay ni Sebastian habang ginagabayan niya ako sa pagsayaw.

"Are you comfortable there?" Mahinang tanong ni Sebastian. Marahan akong tumango.

Diniin ko ang ulo ko sa dibdib niya nang maramdaman ko ang kamay nito paakyat sa ulo ko. Pinaikot ni Sebastian ang mga daliri sa buhok ko, Dahan dahan itong nilalaro.

"This is nice..." Kumawala ang mahinang tawa sa mga labi ko.

"Sinabi mo na iyan..."

"Did I? I dont care, This is nice." Natatawang sambit ni Sebastian habang patuloy na iniikot ang buhok ko sa mga daliri niya.

"We should do this more often..." Tama naman si Sebastian, This is nice. Pero hindi mawawala ang isang parte ng utak ko na hinihiling na sana, Sana si Axe itong nasa harapan ko.

Natapos ang kanta at bumitaw sa pagkakahawak sa akin si Sebastian, Sinundan ko naman ito nang pagangat ng tingin. Hindi na ako masyadong nahihilo pero parang dalawa parin si Seb sa paningin ko.

"You look like the northern lights," Pinatong ni Sebastian ang ulo niya sa noo ko.

"You know how pretty those things are? I've seen them with my own eyes," Bulong ni Sebastian. Parang gustong kumawala ng puso ko sa dibdin ko nang maramdaman ko ang mainit na hininga nito na tumama sa mukha ko.

"It was the most beautiful thing I've ever seen,"

"I saw it when I was on Christmas break, First year college," Nanatili ang mga mata ko kay Sebastian nang ilipat niya sa likod nang tenga ko ang buhok na bumabagsak sa harap ng mukha ko. 

Napalingon si Sebastian kung nasaan ang bartender. Nagkasalubong ang mga kilay ni Sebastian kaya't dumako narin ang paningin ko dito. Kahit doble ang nakikita ko, Naaaninag ko parin ang teleponong nakasandal sa isang bote ng alak. Nakatitig sa amin si Ron.

"You son of a bitch..." Hindi agad nagproseso sa utak ko ang nangyayari kaya't ganoon nalang ang gulat ko nang biglang sugurin ni Sebastian ang barista mula sa kabilang dako ng counter.

"Seb!" Sinubukan kong tumakbo papalapit dito kahit na madapa dapa ako. Napahawak ako sa ulo ko habang nakatingin kay Sebastian na hinahatak ang kwelyo ng uniporme ni Ron.

"Al, Get the phone." Madiin na utos Sebastian.

"Ano?" Nauutal na tanong ko. Hindi nawala ang tingin ko kay Sebastian na hawak sa leeg si Ron.

"Sir, What-" Napatigil ang isa pang kasamahan nito nang nakita ang sitwasyon.

"Sir!" Sinubukang pigilan ng kasamahan ni Ron si Sebastian. Hindi ko alam kung ganito ba talaga ang alak pero parang hindi na lamang doble ang paningin ko. Triple, Apat... Lima. Paiba iba.

Sa gitna ng nangyayari napalingon ako sa telepono.

"Video... May video..." Nanlaki ang nga mata ko. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at mabilis na hinablot ang telepono. Itinigil ko ang pag-kuha nito.

"Who sent you?!" Bumaling muli ang mga mata ko kay Sebastian.

"Seb, Tama na-"

"Destroy the phone, Al! Delete the video!" Galit na sigaw ni Sebastian. Ibinagsak ni Sebastian ang walang laban na si Ron sa lamesa.

"Who do you work for?!"

"Sir, Tama na po-" Sinubukang ikalma ng baristang hindi ko nakuha ang pangalan si Sebastian.

"Security!" Doon na ako nataranta. Dahil sa kaguluhan, Naging mabilis ang kilos ko. Sa sobrang bilis hindi ko na ito pinagisipan. Binato ko ang telepono sa sahig at ilang beses itong inapakan. Halos bumagsak ako sa ginawa ko ngunit hindi ako nakampante nang hindi nahahati sa ilang piraso ang telepono.

"Security!" Sa huling paghingi ni Ron ng tulong, Napaupo ako sa sahig. Sa labo ng paningin ko, Naaninag ko pa ang malaking pigura ng guwardya na sumalubong sa amin kanina sa labas.

Love How You Hate Me (Castel #1)Where stories live. Discover now