Chapter 44: Maniac

32 9 0
                                    

ALLISON

Diretso ang tingin ko sa dinadaanan habang naglalakad papunta sa homeroom. Hindi pa ako tinatawagan ni Axe tungkol sa nangyari kay tito kagabi, Hindi rin naman ako makapunta at kinakapos na ako sa pamasahe.

"Seb..." Umangat ang tingin nito sa akin. Hindi manlang nagpakita ng kahit na anong emosyon ang mukha nito. Kahit ang mga mata niya. Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan kung paano niya nagagawang magpabago bago ng ugali at isip.

"I-Ito na iyong parte ko." Bumuga ito ng hangin at bumaba muli ang tingin sa lamesa.

"Sige, Salamat." Mabilis kong binaba sa harapan niya ang ilang mga kabanatang pinagawa niya sa akin na nabubuo ng ilang pahina.

"Al, Sit down." Bago pa kami makapagsalita narinig ko na ang boses ni Professor Trisha sa likod ko kaya dali dali naman akong umupo.

Buong klase sinusubukan kong pakiramdaman si Sebastian. Ngunit habang sinusubukan ko ay lalong parang walang nasa likod ko. Kahit anong galaw o tunog galing sa kaniya, Wala akong narinig. Pero parang ang kapal ng hangin sa paligid namin. Kilala ko si Sebastian bilang kaaway. Alam kong hindi nila kakayanin kung ano man ang binabalak niyang ganti sa mga ito.

Natapos ang diskusyon at dumiretso kami sa mga susunod naming klase. Habang naglalakad papunta rito, Lumingon ako upang saglit na makita si Sebastian na nakasunod sa akin. Hindi ko ito masyadong nakita pero alam kong seryoso at masungit ang ekspresyon nito.

Kung mabibigyan ako ng pagkakataon mabasa ang nasa isip nito ni Sebastian, Gagawin ko. Ang gulo ng utak at ugali. Paiba-iba. Nagtatampo kaya ito sa akin dahil sa hindi ko pag-sagot sa tanong niya noong nakaraang gabi?

Mahina akong natawa sa iniisip ko.

Bakit naman siya magtatampo, Mukhang masaya at bagay na bagay naman sila noong babaeng kasama niya habang nangangampanya.

"Mister Castel. It's so good for you to finally join us in class again." Sarkastikong bati ng guro namin sa kaniya. 

"Apologies, Prof. I had to accompany my parents on their campaign." Nagkasalubong ang mga kilay ko nang marinig ang tono ng boses nito. Hindi ko napigilang lingunin siya.

Labas ang magandang ngipin nito at halos mapunit na ang mga labi sa lawak ng ngiti nitong nakakaakit.

"Ah. Like I've heard. You're trending on the news again, Sebastian." Tumango ang guro at ngumiti rin sa kaniya.

"Keep up the good work."

"Putanginang iyan..." Bulong ko nang mapanood ang mabilis na pagbalik ng masungit na ekspresyon sa mukha nito nang tumalikod sa kaniya ang propesor.

"Sabagay ang Castel,"

"Magaling umarte." Bulong ko sa sarili. Napailing na lamang ako at tahimik na nakinig sa aral ng propesor.

Kahit na hindi ko ako masyadong naka-pokus dahil sa pag-iisip kay tito Richard at Axe. Ano na kaya ang nangyari sa hospital? Na-revive naman siguro si tito. Bumuntong hininga ako nang maalala kung gaano kaaktibo ang kampanya ng mga Castel habang ang mga Cruz ay nagluluksa sa hospital.

"Miss Monteverde," Mabilis na umangat ang tingin ko sa propesor ng tawagin ako nito.

"What was so worth sighing about? Nabuburyo ka ba sa lesson natin?" Mataray na tanong nito. Taranta akong umiling.

"Hindi po, Pasensya na po."

"Stand up." Lumunok ako ng laway at tumayo.

"Are you pro-choice or pro-life? Tingin mo ba dapat maging legal ang abortion sa Pilipinas?" Binasa ko ang mga labi ko sa tanong nito. 

"Opo, Prof. I'm pro-choice."

"Why is that?"

"Sa tingin ko, Women should have the choice to keep or not to keep their unborn children,"

"But only if, They are deemed worthy to not keep the baby. For example, If a woman is not ready to have a family. If they are mentally and financially unstable, If the baby is a product of sexual abuse, If they do not have the capability to raise a living, breathing, Child or even give birth."

"Marami din po kasing pregnancies that are risking the mother. Mayroong mga pagbubuntis na umpisa palang ay sinasabi na ng doktor na pwedeng ikamatay ng ina kung hindi ito ipapalaglag." Tumango ang guro.

"Castel." Umangat ang tingin ni Sebastian sa propesor.

"Defend the pro-life perception." Tumayo si Sebastian at umubo.

"Just to be clear, I support the pro-choice movement. I agree with Allison, Completely." Dinilaan nito ang mga labi at hinanda ang sarili sa paglalahad ng opinyon na mukhang maraming marami ito.

"I think people disagree with abortion because of morality. They think that killing this fetus who doesn't even have consciousness yet, Is murder."

"They think that it isn't right that this, so-called human being, Shouldn't be robed of the right to chose if it should live or not."

"Which is complete bullshit-" Napatigil si Sebastian nang taasan ito ng kilay ng propesor namin.

"I mean, It doesnt make sense. Cause no one really gets to chose whether they should live or die."

"But I," Bumuga ito ng hangin at mahinang tumawa.

"I really agree with Allison here. I don't think you should bring a child into this world without the proper care and life ready for it." Tinitigan ko lang ito. Hindi ko na alam kung ano ba ang totoong ugali ni Sebastian. Ngayon ay para lamang itong nakikipagbiruan at malakas ang kompiyansa sa sarili. Samantala kanina para itong mangangain ng buhay kapag nilapitan mo manlang siya.

Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang mga Castel.

Love How You Hate Me (Castel #1)Where stories live. Discover now