Chapter 10: News

60 12 0
                                    

ALLISON

"Allison! Yung order daw ng table fifteen!" Sigaw ng manager.

"Opo, Pasensya na po!" Sigaw ko habang inaayos sa tray ang mga pagkaing inorder nila.

Nagpunas ako ng pawis bago binuhat ito at binitbit palabas ng kusina.

"Ma'am sir, Sisig and chicken ala king with medium sized frappe, Tama po?" Tanong ko habang binababa ang order. Tinignan naman nila ako nang parang nagtataka.

"Tama yung order..." Sabi nito nang hindi tinatanggal ang tingin sa akin.

Pagtalikod ko, Saka lamang umikot ang mga mata ko.

"Allison, Get back here!" Rinig kong sigaw ng may ari ng café.

"Yes sir!" Bago ako pumasok ng kusina napasulyap ako sa sarili ko sa salamin.

Kahit sino naman siguro mapapatingin sa buhok kong hindi mo malaman kung sinadya bang magmukhang dalmatian na blonde. Napailing nalang ako bago pumasok ng kusina.

"Table number twenty five." Inabot sa akin ang tray.

Napagmasdan ko saglit ang buong kainan nang lumabas ako ng kusina. Hindi kataka-takang puno ito at mayroon pang naghihintay sa labas. Linggo ngayon at alas otso na ng gabi.

"Sir." Nakangiti kong inayos ang pagkain nila sa lamesa.

"Salamat." Babalik na sana ako sa kusina pero napatigil ako nang makita ang mukha ni Sebastian sa malaking telebisyon sa harap ng counter.

Napakunot ang noo ko nang ipakita nila ang video na inaabot niya sa akin ang cheque. 

"Makikita sa video na nakipag-cease fire ang anak ni Archangel Castel sa mga nagpo-protesta laban sa pamilya niya at nagabot pa ito ng tulong."

Pinanood kong lumipat ang video sa mukha ulit ni Sebastian na dinumog ng mga mikropono galing sa iba't ibang stasyon at channel. 

"Paano mo yun nagawa? No one has ever done that? Imagine, Negatively protesting against your family. No politician has ever talked their way out of something like that. Nagawa mo pa silang tulungan."

"Well, Nothing beats a good conversation. As you can see, Hindi ako pinayagang pumunta magisa so I was escorted. Those rally-goers were harsh and rough. Akala ko nga the moment they saw me, Susugurin na nila ko eh."

Tinitigan ko si Sebastian na diretso at natural ang pagsisinungaling.

"Pero, I talked to their representative- The association's leader. We compromised, We handled the situation. No one had to get hurt and I gave the people what they were rioting for."

"In terms of how I did that, I honestly dont know. I saw them on a live stream, I got out of my sofa and went straight to the riot. I didnt have a plan or a weapon but my mind and charms."

Ayan na naman ang ngiti niya na parang alam na alam niyang ang daming nahuhumaling dito.

Nagtaka naman ako kung paanong nangyari na ang sinasabing napaka-talinong si Sebastian Castel, Ay hindi alam ang pinagkaiba ng riot at rally sa peaceful protests. Gusto lang namin marinig ng nasa itaas ang boses namin pero hindi kami mananakit o manggugulo.

"Allison!" Napailing nalang ako at inis na pumasok ng kusina.

"Nak, Pwedeng ikaw muna magarrange ng pagkain? Linggong linggo understaffed tayo!" Napakamot ng ulo ang manager namin.

"Ikaw naman Rodel! Kumuha ka ng orders sa labas! Rowena!" Natawa naman ako nang sigawan ng manager ang mga kaibigan ko.

Sa kabila ng punong café, Apat lang kaming pumasok. Kasama na ang may ari na nagmamaneho ng cashier.

Huminga nang malalim ang boss namin nang marinig ang tuloy tuloy na ring na galing sa counter.

"Kayo muna ang bahala dito."

"Stress much si boss." Natatawang sabi ni Rodel.

Imbis na matawa, Napasimangot naman ako nang maalala ang interview ni Sebastian.

Hindi siya nagsinungaling. Nagabot siya ng tulong, Nakipagusap siya nang 'maayos'. Pero bakit parang hindi naman yun ang nangyari? Pinabango niya masyado ang katotohanan. Nanpara bang iba na ang gusto nitong iparating.

Bumuntong hininga nalang ako at nagpatuloy ang pagaayos ng pagkain.

"Lis, Rowena. Kukuha ako ng order sa labas." Paalam ni Rodel.

"Go mosh mosh ko, Ako muna dito sa kusina." Napairap ako sa sagot ni Rowena sa kasintahan.

"Gusto mo ba ikaw dito, Lis? Papainit nalang naman ito." Napangiwi naman ako nang maalala ang huling napagkatiwalaan ako sa pagkain.

"Nevermind rush hour nga pala, Hindi ka pwede magmadali sa kusina." Pabirong sabi ni Rowena. Natawa nalang ako.

Mabilis akong lumabas at nag-serve ng orders na nasa tray.

Di ko maiwasang makinig sa usapan ng ibang customer. Bukang bibig nila ang mga Castel, Lalo na si Sebastian. 

"Ang bait talaga niyang si Sebastian. Manang mana sa ama."

"Bali-Balita naman yang bata na iyan. Napaaway daw kailan lang. Kaya siguro bumabawi sa press."

Napaaway? Si Sebastian? Nahuhuli na ata ako sa balita dahil hindi ko manlang narinig ito, At partida, nakakasalamuha ko pa si Sebastian.

Nagpunas ako ng pawis. Lumapit sa akin si Rodel.

"Lis, Nabasa mo na ba 'to?"

Love How You Hate Me (Castel #1)Where stories live. Discover now