Chapter 65: Traitor

33 7 0
                                    

ALLISON

"May problema ba dito?" Naalerto ang buong katawan ko nang palibutan kami ng mga pulis, lalo na ako. Nakita kong bumuntong hininga ang dalawang kasama ko.

"Wala, Naguusap lang kami."

"Excuse me, Sir. Ginugulo niya ba kayo?" Umiling ang dalawa.

"No, We don't need you here." Seryosong sambit ni Sebastian.

"This is all a misunderstanding, No need for you to get involved." Sinubukan naming magpaliwanag pero parang nabingi ang mga ito.

"Nakita naming pinagbuhatan mo ng kamay ni sir Castel, Kilala mo ba yan?" Napailing nalang ako.

"Malamang kilala ko siya!"

"Ma'am kumalma kayo."

"Kalmado ako!" Malakas na bumuntong hininga si Sebastian.

"Is this seriously happening?" Hinawakan ng dalawang kamay ni Sebastian ang beywang niya.

"Just go, Please? Naguusap lang kami. Mali kayo ng akala." Paliwanag ni Axe.

"Sumama kayo sa amin sa police station." Parang walang narinig ang mga ito.

"What the hell is wrong with you?! Didnt you hear us?!"

"Wala nga sabing problema, Hindi nga dapat kayo nangangaelam dito eh!" Napabuga nalang ako ng hangin dahil mukhang hindi parin makikinig ang mga ito.

"Pasensya na po, Sir. Nakita po kasi naming sinaktan niya kayo. Nabigyan din kami ng instructions na protektahan kayo, Lalo na at threat si Monteverde."

"Threat?! Ako?! Kanino?! Nakikita niyo ba si Sebastian?!" Sarkastiko akong natawa nang 'napaurong' ang mga ito nang tumaas ang boses ko na para bang napakadelikado kong tao sa kanila.

"Pwede ba, Umalis nalang kayo? Ayaw namin ng gulo." Kalmadong sabi ni Axe.

"He's right and trust me, You wouldn't want to mess with us either." Segunda naman ni Sebastian. Saglit na natahimik ang paligid bago lumapit ang isang opisyales sa kasamahan nito at bulungan siya.

"Pasensya na talaga, Sir." Sabi nito matapos ang bulong ng kasama. Sabay sabay na nagkasalubong ang mga kilay namin.

"May warrant of arrest po kami para kay Allison Monteverde." Sabay na humarang ang dalawa sa harapan ko.

"Hindi ba kayo nakikinig? We said we're fine, Ano bang problema niyo?" Inis na tanong ni Axe.

"Wait, A warrant? For what?" Tanong naman ni Sebastian. Inabutan ng papel ang kausap naming pulis.

"Ang nakalagay dito, Sir, Suspicious act, terrorism at libel." Napailing ako.

"Ano? Kelan ba 'to?" Takang tanong ko. Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginagawang masama.

"No, You are not taking her with you."

"Pasensya na talaga, Sir. Lumabag po siya sa batas."

"Anong batas? Wala akong ginagawang masama." Inis kong sagot.

"Sumama ka nalang, Sa estasyon ka na magpaliwanag para wala nang gulo-"

"I said no." Umiling si Ace at minasahe ang sentido.

"Lis, Sumama ka na nga." Gulat akong napatingin dito.

"Ano? Hindi!"

"I am not letting her go with them." Sabay na protesta namin ni Sebastian sa sinabi ni Axe.

"Just go, Lis," tinignan nito si Sebastian.

"And we're going with her. Para matapos na 'to. Kapag hindi siya sumama ngayon, Lalaki ang ang gulo. Hindi nila titigilan si Allison." Bumalik ang tingin niya sa akin.

"Mas mabuti nang kasama mo kami doon kaysa arestuhin ka nila magisa."

"Miss Monteverde, Alam mo ba kung bakit ka nandito?" Umiling ako.

"Hindi ko nga alam na may warrant ako. Bigla nalang silang nakialam sa paguusap naming tatlo tapos bihlang may warrant? Parang hindi naman na kapani paniwala iyan." Sarkastikong singhal ko. Tumango nalang ang pulis sa harapan ko.

Kilala ko na ang mga ito. Matagal nang mainit ang mga mata nila sa akin. Matagal na nilang inaantay ang pagkakataong ito.

"Higit sa may warrant of arrest ka, Sinaktan mo daw si mr. Castel. Ngayon kung gustong magsampa ng kaso ni-"

"No." Mabilis na sagot ni Sebastian.

Umangat ang tingin ko kay Axe at Sebastian na nakaupo sa harapan ko, parehong hindi maganda ang timpla ng mukha.

"I still don't understand why we're here, I already told you. She didn't do anything wrong." Halos desperado nang sabi ni Sebastian. Wala itong tiyagang intindihin ang nangyayari, Gusto lamang nitong matapos na ang usapan.

"Siya," May inabot sa ilalim ng lamesa ang pulis bago ito ibagsak sa kahoy na lamesa.

Ilang beses ang kumurap bago mapagtanto kung ano ito.

"Itong libro na 'to. Sayo to diba? May pangalan mo, Ayan." Naramdaman kong saglit na tumigil ang tibok ng puso ko.

"Alam mo ba kung anong laman ng librong 'to? Maliban sa classified  at confidential information mayroon din ditong claims na napakalalim at delikado. Alam mo ba kung gaano kalaking sala ang magbintang ng pagpatay?"

"Lalo na sa mga Castel?"

"Lumalabag ito sa anti terrorism act, Monteverde. Alam mo ba iyon?"

"Ano? Teka, Naguusap lang kami kanina. Terrorism?" Tanong ni Axe. Napatulala ako sa librong nasa lamesa. Ang berdeng pabalat at napaka pamilyar na titulo nito. Kilalang kilala ko ang librong iyon, Halos kabisado mula umpisa hanggang katapusan.

"Saan niyo nakuha iyan?" Nanginginig na tanong ko. Napalunok ako ng laway.

"Hindi na importante iyo-"

"Saan niyo nakuha iyan?!" Mabilis na naalerto ang mga pulis sa paligid ng tumayo ako at ihampas ang palad sa lamesa.

"Allison..." Napatayo narin ang dalawa, Hinawakan ni Axe ang braso ko.

"Saan niyo-" Napatigil ako bago lumingon kay Sebastian na ngayon ay nakatayo lamang at nakatitig din sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang mukha nito. Halong takot, konsensya at paghingi ng tawad.

"Walang hiya ka!" Bago pa ako makalapit kay Sebastian upang masaktan ito, Niyakap na ako ni Axe. Panigurado akong kung hindi ay sinugod na ako ng mga pulis.

"Lis! Tama na!" Pagpigil ni Axe habang mahigpit akong yakap mula sa likod.

"Iyan ba?! 'Yan ba dahilan kung bakit bigla kang dumidikit sa akin?!" Nanigas si Sebastian sa posisyon niya, Hindi gumagalaw at hindi rin tumitingin sa akin.

"Don't touch her!" Sita ni Axe sa mga pulis na akmang lalapit sa amin.

"Putangina mo, Sebastian!" Atungal ko. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha sa mata ko.

"Lahat nalang..."

"Lahat nalang ninakaw mo!"

"Lis..." Bulong ni Axe sa tenga ko, Marahang pinipigilan ako ngunit hindi ako nagpatigil.

"Magsalita ka! Hayop!" Hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ang ginagawa niya.

"I'm sorry..." Mahinang sambit nito.

"Iyan lang ang nagiisang iniwan sa akin ng tatay ko, Sebastian. Alam mo ba iyon?" Naiiyak kong tanong sa kaniya.

"I'm sorry..." Pagulit niya sa mahinang salita.

"Bitawan mo ko..." Umiiyak na sabi ko kay Axe. Dahan dahang lumuwag ang pagkakayakap nito sa akin bago tuluyang bumitaw. Gusto ko mang bumagsak sa sahig, Hindi ko nagawa dahil agad akong nilapitan ng iba pang mga pulis upang paniguradong dalhin sa selda.

Mula sa gilid ng aking mga mata nakita ko si Axe na awang pinapanood ako habang kinakaladkad palayo.

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon