MTJAB-Season 2: Chapter 34

359K 7K 2.1K
                                    

MTJAB-Season 2: Chapter 34

Hindi ko alam kung paano ako naihatid nila Ms. Jheann sa condo ko. Hanggang ngayon, lutang pa rin ang isip ko dahil sa kanya. Pakiramdam ko, hindi ko kakayanin kung araw araw ko siyang makikita dahil alam kong mahihirapan ako sa bawat kilos ko. Ayokong isipin pero pakiramdam ko, bawat pananalita at kilos ko ay babantayan niya.

May binabantayan.

Alam kong hindi dapat ako mag-assume sa mga salita niya.

Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-ring iyon. Kaagad kong sinagot iyon nang makita kong si Kevin ang tumatawag.

"Online na sila Eris. Kumain ka ha?" Paalala niya sa akin. Tumango tango ako na para bang nakikita niya ako. Narinig ko ang mahabang paghugot niya ng hininga niya.

"I know it's him, Ara." Napalundag ang puso ko sa narinig ko. Bakit ganito? Bakit kahit alam kong wala namang binanggit na pangalan si Kevin, pakiramdam ko ay mamamatay ako sa sobrang kalabog ng puso ko?

"K-Kevin..." Nauutal na tawag ko sa kanya.

"I already saw him bago ka sumikat bilang singer. Siya yung hindi mo magawang takbuhan, right?" Narinig ko ang mapait na tawa mula sa kanya. Nakaramdam ako ng kaunting pagkirot sa puso ko. Kaibigan ko si Kevin kaya naman masakit din para sa akin na masaktan siya. Alam kong hindi pa tuluyang hilom yung sugat na iniwan ni Diane simula nang maghiwalay sila pero kapag kasama niya ako, alam kong masaya siya.

"Kevin, you're not in love with me." Bulong ko.

"I am, Ara." Mariin na pahayag niya. Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko nang marinig ko ang iritasyon sa boses niya.

"Pero wala na akong magagawa dahil alam kong yung taong tinatakbuhan mo noon, nandito na para habulin ka ulit." Ramdam ko ang panghihinayang sa boses niya. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at ikinuyom ko ang kamao ko. Habulin ako? Pero bakit kasama si Olive? Para ipamukha sa akin na hindi niya kayang iwanan ito? Heto na naman ako. Nagsisimula na naman akong maghinala kahit na alam kong wala nang salitang kami.

"But I'll make sure na mahihirapan siya. Being your friend, sisiguraduhin kong magseselos siya hanggang sa sumabog na lahat ng nararamdaman niya para sa'yo. Shit, anything for you, Ara. Alam kong sa kanya ka sasaya at kahit masakit, ipapaubaya kita sa kanya. Pero marami pa siyang dapat patunayan. Mahal ka niya? Let's see kung hanggang saan ang pagmamahal niya sa'yo." Ramdam na ramdam ko yung sakit sa pananalita niya. Maging yung nanginginig niyang boses, tumatagos sa kalamnan ko.

"Anything for you, Ara..." Bulong niya bago niya tuluyang pinutol ang tawag. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napaka-abnormal na nito at hindi ko magawang pakalmahin. Tumayo ako para kumuha ng maiinom sa mini-kitchen ko. Nanginginig pa ang kamay ko habang inuubos ko ang isang baso ng tubig.

"Damn it!" Sigaw ko at hinampas hampas ko ang gitnang parte ng dibdib ko. Hindi ko mapakalma ang sarili ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman kong maging ang labi ko, nanginginig na rin sa sobrang kaba.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko para makausap nang maayos sila Nanay sa Skype. Nasa bahay na sila sa America at wala na sa ospital. Huminga ako nang malalim nang makita kong mahimbing na natutulog ang tatay ko habang nakayakap sa kanya ang bunsong kapatid kong si Angelo.

"K-kumusta ang Tatay?" Tanong ko kay Eris. Ngumiti nang marahan ang kapatid ko.

"Maayos na ang Tatay, Ate. Kailangan lang ituloy ang weekly therapy para bumalik na ang dating sigla niya. Hindi rin ako pumapalya na paalalahanan si Nanay sa pagpapainom ng gamot kay Tatay." Masayang balita niya sa akin. Nakita kong kinawayan ako ni Nanay mula sa may gilid ng kama kung saan pinupunasan niya ang braso ng tatay ko. Titig na titig sa akin si Eris kaya naman napakunot ang noo ko.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon