Chapter 49

278K 7.1K 1.8K
                                    

Chapter 49

March 6, 20xx

Wednesday

Nagmadali akong isuot ang damit ko. Lumabas na agad ako sa CR pagkatapos ko at nakita si Gatorade na nakaupo sa gilid ng kama ko at pinaglalaruan yung leash ni Laelle sa kamay niya.

Now that I think about it, it's been a long time since I saw my—I mean our—pup. Pina-stay ko muna kasi siya kay na Papa dahil patapos na din naman ang semester at hindi ko na siya masyadong nababantayan sa dami ng nangyayare stress—mapaschool, bahay at romantic bone. Kahit na sabi ni Gatorade na si Laelle ang dapat ang babantay sa akin.

Napatingin sa akin si Gatorade noong nagmadali na akong inayos ang gamit ko. I slept late dahil sa quiz ko ngayon at ang resulta? Either late kang magigising or mahihirapan kang gumising ng maaga. And I was the former. Tumingin ako sa relo ko at nakitang may 15 minutes pa ako before the first bell. Now I'm grateful na nasa likod lang ng campus ang apartment namin.

Pinanuod lang ako ni Gatorade na magpauli uli at natataranta sa kwarto ko. Buti siya gwapong tambay lang na may blue na buhok (according to him). Eh ako? Kelangan ko pang idagdag sa mga resposibilities ko na maging huwaran at mabuting estudyante. Well, most of us do.

"Ang init,"

March na kasi at excited na siguro ang Batangas sa Summer kaya minamadali. Lumapit ako sa kama, sa tabi ni Gatorade, para kunin ang ibang gamit ko. Nung nailagay ko na yun sa bag ko, nakakapagtakang kinuha ni Gatorade ang wrist ko at kinuha yung pamuyod ko.

Tumayo siya at pinaikot ako para nakatalikod ako sa kanya, "Curiosity,"

I tried to look at him and questioned him pero pinabalik niya lang ang mukha ko para sa harap ako nakatingin. Maya maya, naramdaman ko ng iniipon niya ang buhok ko. Dahan dahan niyang ginawa yun, maingat na para bang natatakot siya na masaktan ako. Nung naramdaman kong nakalagay na yung pamuyod at tapos na, humarap ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa buhok ko na para bang pinapantay pa niya yung pagkakatali ng buhok ko.

Sumilip ako sa salamin at oh, okay naman. Messy ponytail.

"Alis na ko, late na eh." Tumango siya, "Ikaw?"

"Bahala si Marcus." he shrugged. Sila lang kasi ang maiiwan dito sa bahay. "Date tayo?"

"Date?"

Tumango siya, "Please?"

He crooked his head to his right and there was a please. And how can you say no to that? Well, I don't have plan of saying no anyway. Tumango ako sa kanya.

Date? Ang tagal na rin.

****

Tumayo na agad ako at pinasa ang papel ko. God thing nasa bahay si Gatorade para turuan ako at nagawa ko pang makapagaral kahapon. Baka wala akong naisagot kung nagkataon. Bumalik na ako sa upuan ko at tiningnan agad ang phone ko. Kanina pa kasi nagvi-vibrate yun at hindi ko magawang matingnan dahil ng quiz.

I was suprised to see Gatorade's number. Puro missed calls. Tatlong subjects palang ang nakakalipas. That's weird. Muntik ko ng mabitawan yung phone ko nung nagvibrate ulit yun. Tumingin ako sa prof ko at nagpaalam lumabas. I was about to swipe the accept button nung napatingin ako dun sa taong nasa may hallway.

Saktong saktong lumabas din si Russ dun sa kabilang room. Napatingin ako dun sa babaeng nasa labas na mukhang iniintay siya. May hawak siyang papel at nakita ko yung nakasulat dun: Labas na kasi, malamig na tao!!

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractWhere stories live. Discover now