Chapter 45

308K 8K 4K
                                    

Chapter 45

"That's possible. Anytime pupunta na sila dito."

"Then hide! I can help you, L.A."

Mabigat ang mata ko pero hindi ko matiis na hindi mumulat. Ang kati at ang bigat ng mga mata ko. Ilang segundo at kurap pa ang ginawa ko para lang makapagadjust ako. Madilim na.

"It's not easy, Lean. After hiding then what? Magtatago ulit ako?"

"For the mean time lang naman eh. Then we'll know."

Dahan dahan akong umupo sa kama at napatingin sa bukas na pintuan ng kwarto ko. Nanggaling yung conversation sa may living room. Gusto kong lumabas para makasigurado kung tama ba yung mga boses na naririnig ko pero there's something na ayaw magpalabas sa akin.

"Alam ni Mama na dito ako unang pupunta."

"Where else would you rather be?"

Saan nga ba?

Inayos ko ang kumot sa paanan ko at niyakap ang tuhod ko. So I wasn't dreaming. I can really hear his voice right now. Hindi ko na kelangan saktan o kurutin ang sarili ko dahil alam kong fully awake na ako. Napahawak ako sa pisngi ko at inalala yung nangyare kanina.

She slapped me and I don't think she even gave a damn on hesitating to do that. Maraming tao pero nakontrol na ng emosyon ang lahat. Tapos si Andrei. Kelangan ba talagang mangyare ang mga bagay bagay na 'to? Hindi ko na alam. It's too painful...and tiring.

Nahagip ng mata ko yung isang bagay sa may side table ko. Agad kong kinuha yung phone ko. Pinadaan ko yung daliri ko sa sira na screen. Sinubukan kong buhayin yun pero wala na.

"I did this.." I can feel the dryness of my throat. Must be the side effect of crying and not crying for a long time. Not only that, nakasira pa ako ng phone at hindi man lang ako nanghinayang dun.

Muntik ko ng mabitawan yung phone ko nung may narinig akong nanggaling mula sa pintuan ko. Pero hindi ako makatunghay para tumingin kung sino man ang pumasok sa kwarto ko. Kung sino man...

Inilagay ko yung phone pabalik sa side table at itinaas ang kumot papunta sa dibdib ko saka sumandal sa headboard ng kama ko. I cleared my throat para mabawasan ang dryness ng lalamunan ko. And still, ayokong tumunghay.

Narinig ko yung ingay ng mga plastic bags nung ibinaba niya yun sa sahig, "Binalikan ni Lean sa mall kanina."

Naiwanan ko yung mga pinamili ko kanina... after what happened at kahit ngayon, hindi ko na yun naalala.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang biglang gumalaw ang kama. No.. kinabahan na agad ako nung tumungtong ang paa niya dito sa loob ng kwarto ko. I know it's him. Even without looking, alam ko nang siya yun.

"Alexa," napatungo ako nang tinawag niya ako at lumapit pa siya. Niyakap ko ang mga tuhod ko nung narinig ko siyang bumuntong hininga. Napatingin ako sa kamay niya... "Noong tumawag ka..." Nakita ko yung mabilis na pagtikom ng kamay niya, "Narinig ko lahat. Wrong timing pero..."

Oo nga pala. Nag-ring nga pala ang phone niya nung siya ang inasahan ko nung hindi ko alam ang gagawin ko dahil kay Andrei. Gusto kong mainis dahil nag-ring yun noong si Andrei ang may kelangan. Not even a day within those weeks of waiting na tumunog yun...

"Sinubukan kitang tawagan nung naputol pero hindi mo sinagot. Paulit ulit hanggang sa hindi na kita matawagan..." mahina siyang tumawa, "Sinira mo pala ang phone mo."

I did. And I don't care.

Ang bigat ng mata ko at dumoble yun nung dahan dahang nanlabo ang mga mata ko. Nilulubos lubos ng mata ko ang pagkakataon para umiyak pa ako. They missed crying...but I don't. I'd rather be emotionless than showing off my tears and be weak. Pero hindi ko na makontrol.

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon