Chapter One

837K 13.3K 6.9K
                                    

Chapter 1

November 13 20xx | Tuesday

Matapos kong kopyahin ang mga photos at videos na kinakailangan ng revision, nagpaalam na ako sa mga co-trainees ko dito sa Media Editing Section. Kahit papaano ay nasasanay na ako sa pagbabago ng department. Inayos ko na ang gamit ko at bumababa sa lobby.

"Matt!" Nakita ko siya na pabalik sa office niya.

"Hey Gab!" He gave me a high five and even offered me his coffee. "How's media section? Okay naman?"

"Fortunately." I smiled.

Nagkwento lang si Matt sa current project niya at mga bagong pasok na trainees. Pero bigla nagkaroon ng pagkataranta sa mukha niya nang mabanggit niya ang about sa pagpasok niya ngayon.

"I need to go. I still have thesis to write. Graduating stuff is really a pain in the ass."

Actually, hindi lang ang pagiging graduating niya ang mahirap. Kung tutuusin, he is really busy for his age. Siya ang naghahandle ng isang department for Art Stuff's trainees tapos isinasabay niya 'yon sa pagaaral niya. Tapos nasisingit pa niya ako sa hectic schedule niya kapag kelangan ko ng kausap. Kaya bilib at saludo ako kay Matt. Napatunayan niya kasi na he's a good boss—and a friend.

 

Pagkapasok ni Matt sa elevator, nagswap na ako ng time card at dumiretso sa labas. Medyo maraming estudyante ngayon dahil tapos na ang semestral break. At ako, medyo nagiging busy na ulit. School + ArtStuff + I dont know stuff. Pumunta na ako sa side walk para mag-abang ng tricycle nang may napansin akong tumabi sa akin. I mumbled but made sure he could hear me, "Not again."

"Hindi mo naman kelangan maging ganung ka-obvious." I gave him a bored look and rolled my eyes. "Alam mo uso mag-thank you dahil sinusundo pa kita."

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala akong sinasabi na sunduin mo ako?"

"At pailang beses ko na din bang uulit ulitin sa'yo na mas susundin ko siya kesa sa'yo?"

I shrugged, "Now I know what pain in the ass means."

"Ang sama talaga ng ugali mo!" Pumara na kami ng tricycle. Wala na rin naman akong magagawa dahil nag-effort na din siya na pumunta ditto para sunduin ako. "And besides, konsensya ko na rin pag may nangyare sa'yo."

I glared at him. As if that was his real intention! I tried my best para iparamdam sa kanya na hindi ko gusto ang ginagawa niya pero isa't kalhating manhid din ata ito o inborn ng uto-uto.

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon