Chapter 31

341K 7.2K 1.5K
                                    

MAJOY GARCES, kung nababasa mo 'to ngayon, ito na siya! Love you pabs! Belated Happy Birthday! (Kahit late na ng 14 days. Haha!) Mwamwachupchup! >hug!<

Chapter 31

Friday

"I heard."

Walang imik siyang umupo sa tabi ko at kinuha ang yellow paper ko para kopyahin ang pinapagawa sa'ming seatwork ng prof namin dito sa library. Ayos lang naman sa'kin pero nalungkot ako sa tono ng boses niya. Minsan lang maging seryoso si Alex.

Dalawang salita at alam ko na agad ang ibig sabihin niya. Limang araw na ang nakakalipas at ineexpect ko na malalaman agad 'yon ni Alex pero mukhang hindi sinabi sa kanya ni Russ. Napaayos ako nang upo nang bigla niyang bitawan ang ballpen niya at sumandal siya sa upuan.

"You're doing it again, Gab. Alam kong childish pero ayoko na ulit magalit sa'yo." Kinontrol niya ang lakas ng boses niya. "Isa yan sa mga dahilan kung bakit galit na galit ako sa'yo. You like act like nothing's wrong. Wala kang pakielam."

Napatingin sa'min yung nasa kabilang table at mukhang napansin ni Alex 'yon kaya napatigil sya. Bigla niyang kinuha ang gamit namin sa lamesa at hinigit ako palabas ng library. Tumidil kami sa isang side stais ng building kung saan minsan lang dumaan ang mga estudyante.

"I hate you so much." Nalungkot ako dahil walang kasinungalingan ang sinabi niya. "You care less to things. You don't give a damn on anything pero ito! Kita ko na ang changes mo. You're becoming sensitive and I thought ayos na e. May posibilidad na pero.."

Umupo si Alex sa staircase at sinubukang pakalmahin ang sarili niya.

"Si Russ ang dahilan kung bakit ako nagalit ako sa'yo. 5th grade, masyado kang nainis kay Russ noon sa pagiging 'stalker niya', you and Dom called him that. Napuno ka sa kanya. Nainis ka sa mga balita na kinulam mo raw si Russ dahil napasunod mo siya." Mapait siyang tumawa. "Dahil dun, you just proclaimed to everyone that you hate him so much. Sinigawan mo siyang lumayo sayo, na lubayan ka niya."

Sinubukan kong alalahanin 'yon pero wala.

"Nagpapasalamat ako sa'yo dahil ikaw ang dahilan kung bakit naging kaibigan ko si Russ pero hindi. Naulit ulit yun nung 6th grade. Pero wala. I don't even know what you did to him. I was close to believing that you put a spell on him." Tumayo na si Alex at lumapit sa'kin. "I won't root for you and Russ dahil sa totoo lang, ayokong magkatuluyan kayong dalawa."

Tinapik niya ang balikat ko. Nilampasan niya ako pero rinig ko pa rin ang sinabi niya sa'kin.

"He's not worthy of those pain, Gab. Please, stop hurting him."

Narinig ko ang papalayong footsteps ni Alex hanggang sa hindi na yun marinig ng mga tenga ko. And there, I realized that I'm finding it hard to breathe. No, may masakit sa dibdib ko. Paulit ulit na nage-echo sa tenga ko ang mga huling sinabi sakin ni Alex.

"Alam ko naman eh." napasandal ako sa pader. Trying my best na pakalmahin ang sarili ko, "Kaya ako nahihirapan."

I don't want to hurt him.

But I'm unconsciously doing the other way around.

*****

Dumiretso na ako palabas ng room nang pina-dismiss na kami ng huling prof namin ngayong araw. Hindi na rin ako kinausap ni Alex matapos ng sinabi niya sa'kin. Ako na rin kasi ang umiwas. Pero sa iniisip ko na makakaiwas ako, nagkamali ako dahil pagkalabas ko ng classroom, kinuha niya agad ang bag at kamay ko saka ako hinigit palayo.

Akala ko palabas na kami ng SH building pero sumakay kami ng elevator at pumunta sa fourth floor. Dumiretso kami sa isang classroom at tumigil lang sa tapat ng isang bintana.

Gusto ko sana siyang pigilan noong buksan niya ang bintana pero mas hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko. Wala akong nagawa kundi sumunod sa gusto niya at lumabas sa bintana. Hindi ako makahindi dahil ramdam ko ang galit, inis at lungkot niya.

Sumunod siya sa'kin sa labas at hinawakan ulit ang kamay ko pagkaupo niya sa tabi ko.

"Russ."

"Wag, Gab. Gusto lang kitang makita, pero hindi pa ako makikipagusap."

This is his own way of saying he missed someone.

Sa totoo lang, halos lahat ng babae, kikiligin o makukuntento na dahil isang Russel Hyuuga ang gusto nila. Ano pa bang mahihiling mo? Ano pa bang kulang kung halos ibigay na niya lahat sa'yo? Pero hindi. Mas pinahirapan ko ang sarili ko. Pwede na akong mag-settle sa kanya pero hindi ko magawa.

Pero ang problema, hindi ko siya mapakawalan.

"Sorry na talaga sa aking nagawa, tanggap ko na mali ako. Wag sanang magtampo, sorry na." Naramdaman ko ang pagkagulat ni Russ sa pagkanta ko. "Sorry na, wag kang madadala. Alam kong medyo nahihirapan ka...na ibigin ang isang katulad kong parang timang."

Kinanta ko ang dapat niyang marinig.

"Na paulit ulit kang hindi sadyang nasa...saktan."

"Ang tigas ng ulo." Kinabahan ko sa sinabi ni Russ. Maya maya tumayo na siya at binitawan ang kamay ko. "Gusto kong matuwa sa ginawa mo ngayon pero..." umiling siya. "Tara, ihahatid na kita."

*****

Inayos ko na ang gamit ko dahil pinaaalalanan na ako ni Mama na paalis kami ngayong weekend. Ngayon na rin ako uuwi ng Quezon para hindi ako tanghaliin bukas. Para kay Gatorade, wala siyang confirmation simula kagabi o kaninang umaga. Hindi na rin naman ako umaasa.

Oo, gusto ko siyang sumama pero ayoko dahil mali na sumama siya. Mali para kay Russ, kay Lovely at para sa kanya. Gusto ko na ring i-grab ang opportunity na 'to para makapagpahinga. And the thought of having Gatorade around that trip isn't a good idea.

Magpapaalam na sana ako kay bebs nang natapos akong magimpake nang may kumatok sa pintuan. Kinuha ko ang bag ko para kasabay na rin paglabas ko nang apartmenr. Bubuksan ko na dapat ang pinto nang tumunog ang phone ko.

Unknown number.

"Hello?" binuksan ko ang pintuan at nakita ang isang taong hindi ko inaasahan ngayon.

"Alexa?" narinig ko ang boses ni Gatorade mula sa kabilang linya pero hindi ako makapagsalita dahil sa taong nasa harapan ko ngayon. "Alexa? Andyan ka ba? Please tell me you're okay!"

Rinig ko ang pagkataranta ng boses niya pero mas naging aware ako nang itapat niya sa harap ko ang isang familiar na phone. Phone ni Gatorade.

Nakita ko kung anong ibig sabihin niya sa screen ng phone. Naramdaman ko ang kaba at takot.

"I deserve an explanation."

Apat na salita pero ramdam ko ang pakakastrikto ng boses niya. Natahimik rin si Gatorade mula sa kabilang linya nang marinig niya ang boses ni Lovely.

Nakita ni Lovely ang picture naming dalawa ni Gatorade sa phone niya.

Ang mga panahong, boyfriend ko si Gatorade.


Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon