Chapter 20

457K 7.6K 7.1K
                                    

PS. Medyo madrama

Chapter 20

January 6, 20xx

Sunday

"Oh no, bebs. Not again." Pinigilan ko si bebs ng kumuha ng kung ano ano dito sa supermarket. Ito na naman kami e. Ito na naman yung hindi niya mapigilan na pagkuha ng kung ano ano, basta nagsho-shpping kami.

"Bebs naman, you're so KJ."

"Ayoko nalang ulit mapagalitan."

Nag-pout siya pero nung naalala niya yung nangyare sa bahay kanina, nawala yun at nagkibit balikat nalang siya. Pano ba nama kasi kasama namin si Tita, yung mama ni bebs. Nakita niya yung mga natira at nabulk na pagkain. Ayun, napagalitan kami.

"Bakit kasi niyaya ko pa si Mama dito sa Batangas e?"

"Ikaw kasi e." Natawa ako at tinulak yung cart para makalarga ka na kami.

Sinubukan ni bebs na wag kumuha ng kumuha. Good thing, she managed. alam kong hirap na hirap siya. Kahit naman ako. Mapapa-weekly shopping siguro kami dahil sa ginagawa namin. Grabe si Tita manermon.

Balik na ang regular class bukas. Masakit man, kelangang tanggapin. Besides, madami na din akong tambak na projects sa ArtStuff. Buti na nga lang at pede yung mataglan kasi nga trainee palang ako. Yun nga lang, pressure kasi kelangang tapusin yun. Wala ng excuses.

"Sige na oh."

Napatigil kami ni bebs sa pamimili nung nakita namin ang isang lalaki sa harapan namin na may kausap na babae. Take note, sobrang lapit nila. Napailing nalang ako at napangiti sa nangyayare.

"Kuya!!" Naalarma naman si Kuya Viniel sa tawag ni bebs. Nagmartsa si bebs papalapit sa kapatid niya, "Ikaw talaga!"

"Veena naman."

Nagulat yung babaeng kausap ni Kuya Viniel. Syempre, agad agad kasi si bebs na sumugod sa kanila. Well, hindi naman protective si bebs sa kuya niya... Hindi din yan nagseselos sa atensyon sa kapatid niya. Ewan ko ba kung bakit ganyan yang dalawa.

"Nako kuya, kaya ayaw kitang isama dito sa Batangas e!" Hinila na ni bebs si Kuya Viniel kaya no choice at sumunod nalang ako sa dalawa. "Maghahanap ka lang ng bagong target mo e!"

Agad na tinakpan ni Kuya Viniel ang bibig ni bebs. Pinagtitinginan na din kasi kami ng tao, "Shh!"

Pero mukhang inis si bebs at bigla niyang hi-nead lock si Kuya Viniel. Muntikan ko ng mabitawan yung push cart dahil nasipa ni bebs yung mga de lata. Dito pa nila ginawa ang wrestling sibling love nila. Jeez.

Lumapit ako dun sa mga nahulog na de lata at inayos yun. Nagbangayan pa rin yung magkapatid kaya pinabayaan ko na. Sanay na naman ako e. May lumapit din naman at tinulungan ako.

Pero laking gulat ko nung...

"Sabi na e!"

"Ha?"

"Pare! Sabi ko sa inyo e!" Napaurong ako nung sumigaw yung lalaking tumutulong sakin. Inayos ko na yung tayo ko nung may lumapit na saming helper dito sa mall, "Hi Alexa!"

Napatingala ako kasi mas matangkad siya sakin. Teka lang.. Teka lang, "Excuse me?"

Bakit nya alam ang pangalan ko? Wait. First name ko pa! Mas nataranta ako nung may lumapit pa yung mga kasama niya. Oh jeez. I think I just entered paradise... There are good looking guys in front of me. O_O

"Mga ayaw kasing maniwala!"

I suddenlt felt conscious about my height. Pano ba naman kasi... lahat sila nakatungo sakin! Jeez!

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon