Chapter 35

367K 7.2K 2.5K
                                    

Chapter 35

February 5, 20xx

Tuesday

I'm definitely not a morning person.

Dahan dahan akong umupo sa kama ko at dinimiss yung alarm. Napatingin ako sa kabilang side ng kama, I was expecting a blue-haired guy over a convertible slumber bed, pero wala. There's no sign of him.

'Asan yun?' Tinitigan ko yung nakaayos na unan at kumot sa ibabaw nung slumber bed. May sulat. Inayos ko ang upo sa kama para maabot yun,

Good morning baby! Don't get mad, okay? x

Don't get mad for what? Tiningnan ko yung likod nung papel dahil nagkaroon ako ng instinct na may nakasulaat dun. May naka-PS dun na 'Check phone.' Ramdam ko pa ang pagka-bangag ko mula sa pagiging bagong gising pero ginawa ko din yung nakasulat sa papel. I grabbed my phone and... shit.

Napatayo ako sa kama at tumakbo papunta sa CR. Hindi na ako nagulat nung nakitang may traces ng ginawa niyang krimen. I shook my head with disbelief. "That bipolar..."

Binasa ko yung sinulat niya sa salamin, 'Phone. Gallery. Second Picture :P' Napailing ako nung nakita ko yung homescreen photo ko ngayon pero sinunod pa rin yung instructions niya. At ulit, hindi ako makapaniwala. Ang alam ko may sakit siya ng pamamahay pero hindi ko aakalain na aabot siya ng ganitong level.

It took me long enough para i-sink in na ginamit niya yung hindi ko nagagamit na bold red lipstick to make writings on my bathroom's mirror at para i-sabotage ang mukha ko with red kiss marks. Take note, all over my face!

Binura ko yung nakasulat sa salamin para makita ang sarili ko. The same face na nasa picture na homescreen ko na ngayon. Picture ko na tadtad ng red kiss marks! Tiningnan ko ulit yung second pic sa gallery at tinitigan ang mukha ni Gatorade na nakapout.

How can he look so cute and not gay with red lipsticks?

Sinubukan ko ng tanggalin yung lipstick marks nung may naramdaman akong nakatayo sa may pintuan ng CR. Automatic na sinamaan ko siya ng tingin, nakikipaglaban sa all smiles niyang morning greeting. Inosente niyang sinabi, "What? Anong ginawa ko?"

Kitang kita pa yung stains sa labi niya, "Ang hirap tanggalin."

"Hindi ah. Natanggal mo nga yung sakin dati." Naalala ko yung naglaro sila ng Pusoy Dos nina bebs dati at lipstick marks sa mukha ang consequence pag natalo. "Akin na nga."

Kinuha niya yung towel sa kamay ko at hinawakan ako sa may baba.

"Sayang effort ko, tatanggalin ko lang din pala." Sinamaan ko siya ng tingin pero nawala agad yun nung kelangan kong pumikit. Pinunasan niya yung side ng labi ko. Napakurap ako nung tumama yung daliri niya sa gilid ng labi ko. "Pero kinilig ka?"

"Tatanggalin mo ba o hindi?"

Call me "kilig"-pooper but I really don't know how to react with these mushy mushy whatevs. Kukunin ko na sana yung towel pero nilayo niya, "Your cute and annoying way of saying: Yes, kinikilig ako."

I mocked him and made face pero tinawanan niya lang ako. Akala ko tapos na siya nung tumigil na siya sa pagpupunas pero mabilis niyang dinikit ang labi niya sa labi ko.

"Good morning."

His cute and annoying way of greeting good morning.

*****

Kahit tinatamad ako, nagawa ko pa ding pumasok on time at makinig sa klase. It's not like I want to pero I have to. College is really not easy, definitely not a piece of cake. Kaya kahit boring o ano man, wala kang gagawin kundi makinig or face the consequences na walang maintindihan sa lesson. Lalo na kung major.

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon