Chapter 11

468K 9.1K 3.2K
                                    

Chapter 11

[Alexa Gabrielle's POV]

"Sorry talaga." Nag-amen siya sa harap ko habang nakapikit. "Promise! I-total mo nalang lahat ng utang ko."

Utang. Oo, utang mula sa isang taong hindi ko kakilala—dahil akala siya si Gatorade. Mababatukan ako ni Alex dahil ang dami kong reklamo at itinuturing kong kidnapping ang ginagawa niya sa'kin tuwing pauwi na ako pero heto—sumama ako sa isang taong kamukha ni Gatorade... At hindi ko alam kung ito na ang pwedeng maging huling oras ko dito sa mundong ibabaw.

Pero leche!!! Para silang photocopy! At kung paghaharapin mo sila, para silang tumitingin sa salamin! Though itim ang buhok ni Lean at blue ang kay Gatorade. Pero kahit na! Lagyan niyo ng ice cream blue hair ang lalaking ito, pwede na siyang kakambal ni Gatorade!

Wait...

Twin...

Gatorade can lie.

But why would he?

Napailing nalang ako at napansing nakatingin sa akin si Lean. Tiningnan niya ako na para bang pinagdududahan niya ako at nagsama siya ng isang weirdo papunta sa apartment niya.

"Malapit na tayo." Lumingon siya sa bintana ng jeep. Hawak hawak niya ang leash ni Ice habang ako kalong si Laelle sa lap ko. Pinagtitinginan na nga kami ng tao.. Wait, no. Actually, they're looking at our dogs.

Kung tutuusin pwede namang hayaan ko na siyang wag bayaran ang utang niya. Para sa sampung pisong tubig? Nahihibang na talaga ako. But heck! Blame my freaking curiosity for killing my braincells!

"Para po!" Nagulat ako nung hawakan ni Lean ang wrist ko. "Tara."

Hinigit na niya ako pagkatigil nung jeep. Hinayaan ko lang siyang hawakan ang wrist ko kahit nung nakatawid na kami. Hindi niya siguro pansin dahil nabitawan na agad niya yun nang muntik na namang makaalpas si Ice.

"Pasok. Pasok." Nakadating kami sa isang pamilyar na apartment. Tumigil ako sa mismong tapat ng pintuan ng apartment niya kahit pinapapasok niya akoat hinayaan siyang pumasok sa isang kwarto. I want to spare my life, just in case.

Nilibot ng mata ko ang nakapresentang living room sa loob. Alam mong lalaki ang nakatira dito dahil sa nagkalat na panlalaking sapatos sa may gilid ng pintuan. May malaking sofa sa gitna na parang ginagawang kama dahil sa hindi nakatiklop na kumot at nakakalat na mga unan.

"Eto na!" Napaurong ako nung biglang lumabas si Lean. Napakunot ang noo niya nang hindi niya ako makita sa loob. Kumunot ang noo niya pero nagfocus nalang siya sa pagtingin sa wallet niya. "yung tubig, pamasahe papunta dito at pamasahe pabalik.."

"Ah, alam mo...wag nalang." Umiling ako. Ngayon ko naiintindihan ang ginawa ko. "Actually I better go. Forget everything." Hinanap ko si Laelle at nakita siya sa loob ng apartment, katabi ni Ice. "Laelle!"

Tumingin siya sakin like the always pero nagstay siya sa tabi ni Ice.

"Looks like he likes my Ice." Lean chuckled.

That's really strange. Laelle is fond of people but not to dogs.

Lumapit na ako para kunin si Laelle pero napatigil ako nung biglang dilaan ni Ice ang kamay ko. "And my dog likes you too."

Hindi ko na pinansin si Lean at diretso na kinuha si Laelle, "I really should go."

"Eh?" He frowned, dismayed. "You only got here. Sayang naman pinunta mo."

That's true. Which is a very stupid decision.

"Gabi na din kasi. Baka hinahanap na ako ng bestfriend ko."

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon