Chapter 43

355K 7.2K 3.3K
                                    

Kung may mga grammar or spelling correction, wag niyo nalang pansinin. hehe. Ieedit ko nalang ng buo pag tapos ko na yung story. :>'

Anyway, this is a long update. Enjoy!

Chapter 43

February 23, 20xx

Tinitigan ko yung notes sa temporary cubicle ko dito sa Art Stuff. I can still remember asking for an extra load of work dahil gusto kong ma-occupy ang utak ko sa mga ganitong bagay pero I didn't expect na ganito kadami ang ibibgay nila sa akin. Puro revisions pa!

Halos eight months na akong naging trainee dito sa Art Stuff, next year nasa aming mga trainees at kung nagustuhan ni Matt ang performance namin kung pwede nila kaming gawin 'tong part time job. Then after graduation, God knows right? But on my case, possibleng hindi ito ang trabaho ko. Unfortunately pero lulubusin ko nalang.

Malapit ng mag-five kaya kinuha ko nalang yung pwede kong gawin sa bahay over the weekend. Wala naman akong plans umuwi ngayon ng Quezon at kelangan ko din mag-aral for next week's exam. Semi-finals na din kasi

Kinuha ko na yung bag ko at shinut down yung computer nung tumunog yung telephone sa kabilang cubicle. I don't think it's Matt again this time. Pumunta ako dun at sinagot yun, "D. Department."

"Hello, Ms." there was a pause. "Gabby Delos Reyes?"

"Uhh, yes.?" Ohkay, she called me Gabby. That's weird.

"Meron pong client dito sa lobby. Sabi po nung team leader niyo, you'll be incharged of his concerns and project."

Napakunot ang noo ko. Meron pa? Pinilit kong wag bumuntong hininga. Trainee palang ako. Hindi pa ako regular dito. Not even a chance. Jeez. Tumango ako, as if nakikita niya, "Sige po. Thank you. Bababa na ako."

Kinausap ko si Matt kahapon kung pwede niya akong bigyan pa ng extra work at hindi ko na keelangan pang ipaliwanag sa kanya kung bakit dahil alam na naman niya. He agreed pero hindi ko alam na ganito pala kadami ang "extra work" sa kanya.

Lumabas na ako ng elevator. Tiningnan ko kung may ibang tao na malapit sa may reception area, wala. Lumapit ako dun sa babaeng paalis na nung pwesto niya. Tapos na din kasi ang shift.

"Excuse me, I'm Gab-" Napatungo ako sa pwesto ko at naramdaman ang bigat ng balikat ko.

"Gabby!"

Pinilit kong tumunghay at nakita ko yung nagulat na expresson nung receptionist. Ilang segundo siya bago nakarecover at ngumiti. "He's your client."

I want to tell her na taboo word ang client and dI don't reeally want to call Art Stuff "clients" as clients daahil ibang bagay ang tumatakbo sa utak ko. Pero let me set aside that at kelangan kong tanungin yung unggoy na halos sumabit na naman sa leeg ko.

"Rin,"

Buti naman tinanggal na niya sakin yung nakasabit niyang braso sa akin. Hinahanap ko pa ang balance ko nung bigla niya akong hinila papunta dun sa isang long sofa sa may lobby. Naaapailing nalang akao nung tinulak niya ako para makaupo ako. Hindi ko alam kung anong pino-portray niya pagka-upo niya, sumeryoso ang mukha niya at may pa-de quatro pang nalalaman. Humarap siya sa akin ng seryoso at pinigilan kong mapatawa nung kinuha niya yung bag niya at may kinuha dun saka sinabing,

"I need designs for our next costume, Gabby."

The way he calls me Gabby can't be on a serious tone. Hindi bagay! Kinuha ko yung pictures ng mga naging costumes nila dati at tiningnan yun. Hindi ako aware sa costumes nila kaya buti nalang dinala niya 'to.

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon