Chapter 46

311K 7.6K 3.7K
                                    

Chapter 46

February 28, 20xx

Thursday



Pinailaw ko yung phone ko for the--I lost my count--times. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko at dumodoble yun habang mas tumatagal pa ang paghihintay ko. It's scary. I never thought na dadating ako sa point na 'to kung kelan kelangan kong gawin 'to. Yes, I did think of it but it never thought na maiisip ko at gagawin ko ang sinasabi nating: "the time has come".

Natauhan ako nung naramdaman kong may yumakap sa akin.

"No!" napapikit ako sa lakas ng sigaw ni Papa. "Shoo! Shoo!"

"Oh, Gabriel. Stop that."

Mas humigpit ang yakap sa'kin ni Papa. At ito na nga, naging living emoticon na nga siya. Lumapit na sa amin si Mama at hinigit si Papa sa collar para makalayo sa akin.

"But honeeey, he's taking my baby away from me~"

Pero hindi pinansin ni Mama si Papa at humarap siya kay Gatorade, "I really don't know how we can help but we'll try. Alexa is our only child, you know."

Tipid na ngumiti si Gatorade kay na Mama at Papa. Iniwan na nila kami dito sa living room. Nandito kami ngayon sa Quezon. Pagkatapos ng exam ko sa Accounting kanina, dito na agad kami dumiretso. Wala akong exams bukas kaya okay lang.

Pinailaw ko ulit yung phone ko, expecting for a reply...pero wala pa din. Damn, waiting is really frustrating. Sa pagtagal ng paghihintay, mas lalong namumuo yung doubt kung kelangan ko bang ituloy 'to.

"Anong iniisip mo?"

Natigilan ako nang narinig ko yung boses ni Gatorade. Dahan dahan akong lumingon sa kanya at nahanap agad ng mata ko ang mga mata niya. Umiling ako at ngumiti. Ayoko munang malaman ni Gatorade dahil alam kong sasama siya at sasabihin na siya nalang ang gagawa.

"Ikaw, anong iniisip mo?"

"Ikaw. Ang future. At ang mga future baby monsters."

Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. Tumawa siya sa single sofa at lumipat sa tabi ko. Hinawakan niya yung kamay ko at saka pinaglaruan ang mga daliri ko.

"Kaya mo pa?"

Tumango ako. Kinausap ni Gatorade kahapon si Tito Anthony pero katulad nung nangyare noon, binigay pa rin niya ang kondisyon na pumayag dapat kami sa business merger. Dahil dun, hindi rin naming nagawang kausapin si Madam. Wala kaming "back-up". Alam kong madali sa parents ko pero pareho naming ayaw i-risk ang mga bagay na di naman dapat.

"Tara na kay na Dom?"

*****

Napangiti ako nung nakita ko yung set up sa loob ng kwarto ni bebs. It looks familiar. Ganito rin kasi yung itsure nung unang beses pumunta dito sina Gatorade at Marcus. Hindi talaga mawawala ang alcohol. Kids, di kami magandang impluwensya.

"What? We're teenagers!"

"Wala naman akong sinasabi ah?"

"Eh, but don't look at me like that!" she pouted, "Pumayag din naman sina Mommy."

Hindi naman ako nagtatanong di ba? Pero hinayaan ko nalang. Dominique Veena will always be Dominique Veena. Umupo ako sa kama niya habang siya humiga. Nasa labas pa sina Gatorade at Marcus, kinakausap ang parents ni Dominique.

"Nakausap ko si Rinrin."

Naalarma ako nung narinig ko ang pangalan ni Rinrin. Come to think of it, nag-usap nga din pala sila ni Marcus noon. Nakita kong umupo si bebs at sinandal ang side ng ulo niya sa balikat ko.

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon