Chapter 17

456K 7.8K 4.4K
                                    

Chapter 17

December 30, 20xx

Sunday | 2:03 am

[Alexa Gabrielle's POV]

Chapter 17

December 30, 20xx

Sunday | 2:03 am

Alexa Gabrielle's POV

"Are you sure you're okay bebs?" Tumango ako. Nakakatamad at nakakapagod magsalita. "Russ, ang pula ni bebs."

"Lakas kasing uminom." sabi nung nagmamaneho, si Alex.

"Sabin g lalaking nalasing na kahit hindi pa lumulubog ang araw." Inirapan ko siya dahil alam kong kita niya ako sa rear mirror.

Gusto ko sanang sumandal sa bintana, but unfortunately, pinaggitnaan ako ni bebs at Russ. Ayaw nila akong pagkatiwalaan, kasi nagtatransform daw ako pagnaka-inom. And thanks to bebs, alam na nila lahat yun.

"Gabby," tumingin sa'min si Rinrin, nakapout at nakakunot ang noo. "You look like an apple."

Meh.

"Andito na tayo." Alex pulled over. I looked outside, bahay nina Russ.

"Hatid natin sina Gab."

"Pare, hindi ko na kaya." sumandal si Alex sa manibela at... *BEEEEP!!!!* "Fuck!"

"Hatid natin sina Gab." ulit niya, parang hindi man lang siya nagulat sa busina kanina.

"Di ko na kayang magmaneho. Pagod na ko, pare. Let them stay over. Please?"

"I'll drive." Nagpresenta ako. At bakit hindi? Kami lang ni Alex ang marunong magmaneho sa'ming lahat. Motor lang kaya ni Russ at hindi naman ako naniniwala sa driving skills ng bestfriend ko—at si Rinrin? I doubt it.

"Are you stupid or just plain stupid, bebs?"

"May masama ba? Si Alex—"

"Sabihin mo yan kung hindi mo halos inubos yung fruit punch kanina."

That freaking fruit punch! I swear, tubig nalang talaga ang iinumin ko sa mga party na yan. I was innocent when I drank the juice. Malay ko bang hinaluan nila ng alcohol yun

"Tara." Nagulat ako nung buksan ni Russ ang pintuan. Napalabas na rin ang iba sa kotse. Kinuha ni Russ ang kamay ko. Ang lamig. Wala yan, Gab. Malamig lang.

Stop brain. Tumigil kang mag-function, please.

Don't think about the ki—ah, leche.

Pumasok kami sa gate at pumunta kung saan nakaparada ang motor niya. Napatalon ako nang hampasin niya yung upuan at nang bigla siyang tumalikod at tumingin sakin, "Kaya mo pa bang maglakad?"

"Ghad man. Just let them stay over."

Nakita ko sina Alex at Rinrin papasok ng bahay nina Russ. Si bebs hindi alam kung susunod kay na Alex or titigil para sa'min.

"Hindi pwede. I respect her that much." He murmured na parang hindi niya sinasabi kay Alex kundi sa sarili niya. Humigpit ang hawak niya sa wrist ko. Mabagal kaming naglakad palabas, "Tara, ihahatid ko kaya."

Hindi naman ganun kalayo ang bahay namin sa bahay nina Russ. Ilang kanto lang pero dahil sa bagal ng paglalakad namin, pakiramdam ko ang layo. Nakakailang pa. Tuwing titingin ako sa kaliwa ko, lalabas ang nakakaasar na mukha ni bebs. Bakit? Hindi pa rin binibitawan ni Russ ang wrist ko. At asa pa akong makakatingin ako ng ayos sa kanan ko.

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon