Chapter 34

344K 7.9K 4K
                                    

Chapter 34

[Alexa Gabrielle's POV]

Naramdaman ko ang bigat ng palad ni Gatorade sa balikat ko nung pinaupo niya ako sa isang upuan dito sa food court.

'Will you fight with me?'

Naalala ko yung tanong niya sakin kanina. Tiningnan ko ang paligid ko, the usual food court. Wala naman akong nakikitang familiar faces o faces na dapat kong katakutan. Umupo si Gatoade sa kabilang side ng table at inikot ang paningin niya sa paligid.

Napaurong ako nung iniabot niya sakin ang phone niya. I looked at him, questioning. "Kunin mo."

Kinuha ko yung at in-unlock yung screen.

Isang candid shot. Isang picture na habang inaayos niya yung bag niya, may kagat kagat siyang plush at may suot siyang familiar na shirt.

Yung plush na may blue hair na binigay ko sa kanya nung second month nung contract at yung shirt na may print sa likod na I like y—, "Palitan mo home screen photo mo, makita yan ni Lovel-"

"Tapos?" This time, napatingin ako sa kanya. Hindi blank ang expression niya, parang may relief sa mata niya. One of those simple expression na madalas kong makita noon.

"Gatorade,"

"Alexa," naalarma ako nung hinawakan niya ang kamay ko, "Whether you like it or not, You're. Fighting. With. Me."

Ngumiti siya. A smile that gives relief and asssurance. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko bago niya yun bitawan. Tumayo na siya at inabot niya ulit sa akin ang phone niya. Umikot siya papunta sa gilid ko, "Mission #1, I need to be different."

Napapikit ako nung biglang lumapat ang labi niya sa noo ko.

"Stay here, Alexa." tumingin na naman siya sa paligid. "Entertain yourself while I'm gone. "

****

[Dominique Veena's POV]

Okay, Dominique Veena Delos Santos! Sort things out. Una, bakit ka nandito? Pangalawa, anong gagawin niyo dito? Mag-uusap? Pangatlo, ano naman kelangan niyong pag-usapan? Pang-apat? Can you stop thinking? But I can stop thinking!! This is so hard!! Huhu

"Uhm, Marcus.."

"Hmm?" Lumingon siya sakin at ngumiti. Waaah, don't you dare let me see that smile! Nakakasilaw!! >/_\< But no! I have to face this living smiley face!

"As much as possible, ayaw ko ng gulo." I stoop my head down. Nakipaglaro ako sa mga daliri ko sa ibabaw ng lap ko. "Alam kong kayo pa ni Mica at alam ko din that you're contract will end in a few days pero..."

"Hmm!" Nagulat ako at napatingin sa kanya. Ehh? At ito na namaaaan! Waaah, he's smiling! Exposing his teeth! I can remember Solenn Heussaff's toothpaste commercial! >_< "As expected, stalker ka."

"Ano!" Palobo cheeks? Check! Salubong kilay? Check! Pouting? Check! Okay, my inis cute face is complete. "Did you just call me stalker?"

"Hindi ba?"

Ohmydee. Ano bang sinasabi niya? Well, it's not like I deny the fact that I'm stalking him...pero it sounded so wrong! Pero paano niya din nalaman? Am I too obvious?

"Bakit?" naguluhan ako tumingin kay Marcus. He's biting his lower lip pero labas parin ngipin niya dahil sa pagpigil ng tawa. "Yah! Anong nakakatawa?"

"Wala, Dovee." He called me Dovee again. Oh. "Di ka nagbago. Ikaw pa rin si Dovee. Ang cute mo pa din."

"Hmft! Cute is an understatement, Marcus!" I crossed my arms at tumingin sa labas ng restaurant. I can hear his chuckles but it didn't last long. I was pouting pero naramdaman ko ang unti-unting pagwala nun sa labi ko. I'm very aware of what I'm doing... and about his appearance today. "Ano yun Marcus?"

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon