Chapter 25

415K 7.4K 5.1K
                                    

Chapter 25

January 18, 20xx

Friday

Gusto kong magmura pero mukhang kulang ang alam kong mga salita para ilabas lahat ng nasa utak ko. Lutang ako. Masyadong nagiging detalyado ang iniisip ko. Tuwing magtatanong ako sa sarili ko, isang malaking ewan lang ang pumapasok sa utak ko.

Gusto kong sumigaw kaso ayokong mapagkamalang baliw.

"I'm sorry, baby."

"Naiinis ako sa'yo."

"Naiinis ako sa'yo."

"Naiinis ako sa'yo."

Repeat 12312534534 more.

"Leche talaga."

Napatingin sa'kin yung dalawang babae na nasa harapan ko. ANG BAGAL NILANG MAGLAKAD. May prusisyon ata! May iaaalay! May ililibing! Nakakabadtrip! Nakakanis! Pero naalarma ako nang maramdaman ko ang guhit sa noo ko at ramdam ko yun ang dahilan kung bakit sila naghiwalay at pinadaan ako.

"Wow. Anong bago?" inirapan ko ang si Alex pagkapasok ng room. Hindi rin naman ako sinita ng prof kahit late ako. "Do you have..."

"Ano na naman?"

"Mga lalaki?"

Ano na naman bang problema ng lalaking 'to?

"Mga lalaki?" bulong niya ulit. Pero sa inis ko at sa hindi ko siya magets, hinampas ko siya sa braso. "Mens?"

At dahil doon, pinagtinginan kami ng mga kaklase ko at ang prof namin. Masyado kasing tahimik tapos napalakas ang boses ni Alex dahil sa hampas ko.

"Sorry, ma'am! I was just asking her." Napataas ang kilay ng prof namin. "Wrong timing. May bisita pala."

Napatawa ang ilan sa joke ni Alex at napailing nalang ang prof namin at inintindihin nalang daw niya dahil ramdam niya daw ang pagiging babae. Nagkakamali ka ma'am! Jusko!

Pero pinabayaan ko na si Alex at hindi na rin naman niya ako kinulit. Salamat sa katahimikan, naging scribbles na naman ang laman ng utak ko. Sabay sabay nagkagulo ang mga iniisip ko na para bang tinawag ko sila para sa isang roll call.

Hindi ko na halos maalala ang nangyare noong isang araw dahil sa pagiyak ko. Iyak, tango at iling lang ang mga naging sagot ko sakanya. It even came to a point na tinawanan niya ako dahil first time niya daw akong nakitang umiyak ng ganon aside sa nangyare ng break up namin sa contract.

Tanda ko pa ang pakiramdam ng pagyakap niya sa'kin noon habang sinasabi ang mga katagang: I'm sorry, baby. If I was on my normal state, mangunguna ang tanong na: Bakit niya ako tinatawag na baby? WTF. Instead of asking why he's sorry.

Gatorade stayed for the night. Hindi siya lumabas ng kwarto kahit noong dinner. Ni hindi nga alam ni bebs na nasa kwarto si Gatorade tapos napakabehave pa ni Laelle kaya walang suspicions. Hindi rin naman niya tinanong kung bakit pugto ang mga mata ko. Hinayaan nila lang ako na naging dahilan ng guilt ko.

Walang nangyare matapos noon. Wala nang sinabi si Gatorade at hindi na rin ako nagtanong dahil hindi ko rin alam kung paano at saan magsisimula. Sinubukan kong magtanong pero hindi ko kinaya dahil nagwala ang mga braincells ko.

"Bakit ka nandito?"

"Gusto kitang makita."

Nilamon na ako ng lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Hoy!" naramdaman ko ang pagtapik ni Alex sa balikat ko. Napansin kong halos wala na kaming kasama dito sa classroom. "Instead of may bisita, mukhang ikaw ata ang nawawala kasi bumisita yang utak mo sa ibang lugar."

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon