Chapter 44

275K 7.4K 2.4K
                                    

Chapter 44

February 26, 20xx

Tuesday

"Yellow portfolio."

"Yellow portfolio." ulit ko. Nagkaroon na ng medyo maingay sa kabilang linya. "Ilan ba?"

"Isa lang bebs. Byebyena! Anditonasisir!!"

"Ha? Ano bang itsura—" she hung up. Argh.

Tatawagan ko pa sana ulit si bebs pero tumigil na yung jeep. Nasa tapat na kami ng mall. Pagkababa ko, dinial ko ang number niya pero nire-reject niya yung tawag. She's lucky at tapos na ang exams ko para ngayong araw. Pumasok na ako sa We Have It All, We Mean All - MALL at dumiretso sa Book Store.

Inutusan kasi ako ni bebs na bumili ng portfolio for her compilations daw at kelangan ko din bumili ng kelangan ko para sa mga tambak kong gawain sa Art Stuff... at yung pinapagawa sa aking project ni Rinrin, well...ng CKnights. Their costumes, to be exact.

Lalapit na sana ako sa isang saleslady para magtanong about dun sa pinapahanap sa akin ni bebs nung may marinig akong familiar na boses. I don't know what got into me pero mabilis na gumalaw ang paa ko at dinala ako sa likod ng isang shelf at kumuha ng isang libro.

"Miss miss, saan po yung mga canvas?" sumilip ako sa kanila. Lumapit sila dun sa sales lady na dapat pagtatanungan ko. "Para saan ba yang canvass, Russ?"

Like the always, pinadaanan niya lang ng tingin yung babaeng kasama niya. Medyo familiar ako dun sa babae...then it hit me. Siya yung nagalit sa aking babae noon sa cafeteria at isa siya sa mga dancer ng CKnights.

"Ma'am, dun po." may tinuro na aisle yung sales lady at pumunta sila dun. Automatic na naglakad ang paa ko taliwas sa daan nila. I don't want them to see me... Not them actually, him lang.

I don't want Russ to see me.

Tama ang sinabi niya, ang sarili mo at ang alcohol ay never na magiging magandang combination. Hahayaan ka niyang palutangin ang utak mo sa mga bagay na hindi naman dapat puntahana, hayaang gawin ang mga bagay na hindi naman dapat... at mangyare yun when it the first place, hindi naman talaga dapat mangyare.

Binitawan ko yung libro at binalik yun sa shelf. Tinitigan ko ang kamay ko at binukas sara yun. Napabuntong hininga ako nung naalala ko noong hinalikan niya ako sa pisngi at mainit na ibinulong na...miss niya ako.

"Miss, can I help you?" Napatingin ako dun sa isang sales lady at tumango.

"Yellow Portfolio po."

Absentmindedly akong sumunod dun sa sales lady. Sinilip ko sila sa mga pagitan ng mga shelves to make sure na hindi nila ako makita. Iniabot sa akin nung sales lady yung parang isang envelope na may dividers sa loob at kasabay nun, nakita kong paalis na ng book store sina Russ.

"Anything else ma'am?"

"Wa-wala na po."

Tumango sa akin yung sales lady at umalis. Naiwan ako dun, tinititigan yung yellow portfolio na akala mo naman pinagiisipan kung bibilhin ko o hindi. The truth is, I don't know what I'm thinking. Napailing ako ng ilang beses at binili na yung mga kelangan ko.

Pagkalabas ko ng book store, napatigil ako sa haba ng pila na sumalubong sa akin. Pila ng mga babae, na nagsisigawan slash more like nagtitilian at kulang nalang lagyan sila ng heart shapes sa mga mata nila. With that, naintindihan ko na agad yung nangyayare.

"Boyfriend Demo." I sighed. Nakipagsiksikan ako sa gitna dahil nakaharang sila sa daan. "Excuse-"

"Wag ka ngang maningit!"

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon