Chapter 47

293K 6.9K 1.7K
                                    

Chapter 47

March 4, 20xx

Monday

Ilang araw pa kaming nag-stay sa Quezon. Dapat bakasyon 'to kahit papano pero, hindi ganon ang nangyare. Matapos noon, hindi agad ako bumalik sa bahay nina Dominique. Hinayaan ko siya na iwan ako sa playground. Sinubukan niya akong tingnan bago umalis pero mas dinagdagan lang noon ang sakit.

Gusto kong pigilan si Russ noon. Pilitin siya na makinig sa akin, magpapaliwanag ako. Pero hindi ko nagawa. Gulong gulo ang utak ko kung paano aayusin ang lahat. Hindi ko alam kung paano aayusin 'to nang walang masasaktan. Pero sino bang niloko ko?

Pinaglaruan ko yung ballpen ko sa kamay at desk ko. Trying, as if, na nakikinig ako. Pero sa tingin ko, sa ginagawa ko mas lalo lang lumilipad palayo ag utak ko.

Napaayos ako ng upo nung naramdaman kong may humipan sa may tenga ko. Hinarangan ko agad yun at masamang tumingin kay Alex, "Makinig ka kasi."

Inirapan ko lang siya. Pero alam kong alam na din ni Alex ang tungkol sa amin ni Russ. Na sinaktan ko na naman ang best friend niya. Gusto kong i-open yun sa kanya, like the always pero andito na naman ako at nahihiya at natatakot.

Natapos ang klase namin nun, yung iba nagpacheck lang ng test papers. Tinext ko agad si Gatorade na pauwi na ako. Naalala ko nung nakita ko siyang nag-aabang sa may pintuan nina Dom nung umalis ako bigla. Nakangiti siya at inasar pa ako na baka nag-transform ako dahil sa alcohol. Hindi niya nalaman na may nasaktan ako ng gabing yun. Hindi niya nalaman na may ginawa ako na sa tingin ko ay dapat kong gawin.

"Just be there for me...for us."

There's us now. Yun ang gusto kong panindigan. Merong 'kami' kaya gusto kong gawin yun. Gatorade deserves sacrifices from others too. Hindi yung puro nalang siya.

Hindi na ako nagpaalam kay Alex na pauwi na ako. Naglakad ako habang hinahayaang lumipad ang isip ko kung saan. At bumalik lang yun nung may nabangga ako at napaurong ako nung palabas na ako ng pintuan. Tiningnan ko yung taong nasa harapan ko pero naabutan ko lang siyang iniiwasan na agad ako ng tingin.

"Wala ako mamaya," sigaw niya.

"Oh? KJ nito!"

Pinanuod ko siyang padaanan ng tingin si Alex kahit alam kong dapat para sa akin yun. Ngayon, parang nagkaroon ng dahilan kung bakit ko siyang tinawag na Scary Eyes. Dahil sa ginawa niya, pinatunayan niya kung anong mangyayare sa mga matang 'yon kapag nasaktan mo siya.

"Russ," sabi ko at alam kong narinig niya ako nung bumuntong hininga siya. "Ano kasi,"

Tumalikod siya at nagsimula ng maglakad palayo. Gusto ko siyang tawagin pero maalala ko palang yung nangyare nung Thursday, para akong pinutulan ng dila at ibinaon ang mga paa ko sa sahig.

It was cold. It was...painful.

Na kahit hindi naman talaga ako ang nakakaramdam ng totoong sakit, naramdaman ko ang sakit niya. Yung naramdaman niya nung gabing yun.

"Don't worry, I was worse." Napatingin ako sa likod ko nung may kamay na pumatong sa balikat ko. "Ano bang ine-expect mo after ng ginawa mo sa kanya, magtatalon sa tuwa at maging tulad pa rin ng dati ang trato niya sayo? Sumosobra ka naman ata."

"I'm just hoping na kahit papano makapagpaliwanag ako."

"Weird pero automatic atang nagsasara ang tenga, mata at utak ng tao pagkatapos magsara ng puso."

"Magbubukas ba ulit yun?"

"Time heals everything, my dear friend. Atat lang?" Napatungo ako nung ginulo ni Alex ang buhok ko. My dear friend. Kaibigan ako ni Alex. "Saka alalahanin mo nalang na lahat ng tao, may katapat na better. Hindi mo man narerealize ngayon pero siya marerealize niya na isa sa mga taong naglalakad sa harapan niya na pinalagpas niya noon ay better pa sa'yo. Someday, Gab."

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon