Chapter 12

426K 8.6K 2.5K
                                    


Nakatayo lang ako sa harapan ni Gatorade. He grabbed his first can of beer as he cooly sat on my front bumper.

Why are we doing this again?

Noong nakita niya ako kanina, walang pagdadalawang isip na nilapitan niya ako agad. Ni hindi rin siya nagtanong kung pwede siyang sumakay at umupo sa shotgun seat. Ginawa niya ang lahat ng 'yon at sinabihan akong magdrive papunta kahit saan. At hindi rin akong nagdalawang isip na sundin ang sinabi niya.

Napaurong ako nang bigla niyang inihagis sa'kin ang isang can ng beer. Kumuha siya ng panibago at binuksan 'yon. Nakakadalawa na siya agad agad. Tiningnan ko ang can sa kamay ko. Dahan dahan kong binuksan ang lid pero di ko naman magawang mailapit yun sa labi ko.

"Anong problema?" Tiningnan niya ako with full of curiosity katulad ni Andrei tuwing magtatanong siya. "Hey. I'm still interested about that Alexa's drunk side."

"Aren't I supposed to ask you that?"

"Hm?" Napatigil siya sa pag-inom. "Wala akong problema."

"Right." with a sarcastic tone. I slowly took a sip and let my tongue taste the bitter liquid. "You're drinking for no reason? Weird."

"Weird?" Before I knew it, ubos na naman ang pangalawang lata. "Anong weird dito, Alexa?"

"Kasi ang alam ko..."

"Ang ano?"

I stopped when I reached his eyes, that dull brown eyes. With two words, pakiramdam ko na-offend ako. 'Ang ano?' He boringly looked at me na parang isang bagay lang ako na nasa harapan niya. I want to take my eyes away from his but they still have the same effect like they always had before.

They are always my favorite.

"Is this about Lean?"

Siya ang unang umiwas. Tama ako.

"So you really met him."

"Am I not allowed my to meet your brother?"

He chuckled, "Wala akong pamilya."

"Fine." I took all the guts I have left and sat beside him. I pretended that I could cooly pull this off. "Sabihin na natin na nakadrugs ako at naghallucinate ako na nakita ako ng doppleganger mo at ang maganda n'on, nakausap ko pa siya."

Mabilis ko siyang pinadaanan ng tingin at uminom ng beer. I saw him looking at me, amused. I gave him a pretend questioning look.

"What?"

Ngumiti siyang umiling, "Doppleganger ko?"

"Yup. At first, I really thought he was you." I took my second gulp.

Nagulat ako nung bigla siyang tumawa.

"Di ka nakadrugs, Alexa." Pinagdikit niya ang beer naming dalawa. "Signs lang yan na masyado mo akong namimiss."

Sinamaan ko lang siya ng tingin pero pabiro niya akong pinandilatan ng mata. Pinataas baba pa niya ang kilay niya—halatang nangaasar pero umiiwas lang naman talaga.

"Funny, he has the same dog and named it Ice too. Di ba yung pangalan ng biological mom ni Laelle ay Ice?"

Mas lumakas ang tawa niya, "Biological mom?"

"What? Totoo naman ah. And Step Mom lang ako." He gave me a gesture to stop pero tumawa pa rin siya. I fight the urge to laugh. "Hoy wag kang tumawa!"

Mabilis siyang tumingin sa'kin habang tumatawa saka humiga sa hood ng sasakyan ko. Dahan dahang nawala ang ngiti niya sa labi hanggang sa naging seryoso na ulit ang mukha niya.

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon