Chapter Two

584K 11.5K 2.8K
                                    

Chapter 2

November 14, 20xx | Wednesday

Narinig ko na ang ring sa kabilang linya. Isang ring. Pangalawang ring-"Hello-"

I immediately hung the phone up for the nth time. Ibinababa ko na naman at nakaramdaman ko na naman kung gaano ako katanga. Napabuntong hininga nalang ako sa ginagawa ko. I feel pathetic. I don't even know why I'm doing this. Nakailang sampal na rin ako sa pisngi ko pero wala talaga e.

"You're about to explode."

"Please pretend that you can't see me as of the moment." I begged. "Please."

"I can-but I don't want to." Tinawanan lang ako ni Alex. Tawa siya ng tawa. "Ang epic ng mukha mo!"

I made face, "Wow. Thank you for stating the obvious."

"Oh!" Napahawak siya sa dibdib niya nung tinulak ko yung phone niya doon. Nakakainis. "Sa tingin mo kaya alam niya number ko?"

"Paano naman niya malalaman?" I looked at him, wondering. Close ba sila? Impossible.

"Kaya nga nagtatanong e kasi hindi ko alam."

He's speaking random again. Ugh. "You're so weird. Ang useless mong kausap."

"Meh. Sabi ng babaeng weirdo at useless din kausap."

Hindi ko napigilang hindi umirap sa kanya. Oo na. Lagi akong taob sa lalaking 'to. Hindi ko na siya pinansin at tinutok ang mukha ko sa mga upcoming schedule ko for this semester. Hindi naman hassle. Actually puro school activities nga, kaya worry-free.

Bigla akong napatingin sa may pintuan nung may narinig akong familiar na boses. Si Princess. Noong nakita niya akong nakatingin, kumaway siya sakin. I did the same thing. Dahil doon, lumingon sa akin 'yong kausap niya.

"Lover mo, Alex."

Sinundan naman ni Alex kung saan ako nakatingin, "Wag ka ngang mangulit."

"Sabi ng lalaking laging nangungulit." Balik ko sa sinabi niya sa akin.

"Well," Bigla niya akong inakbayan, "That makes us quits, right?"

Napailing nalang ako. Why am I friends with him again? Can you please enlighten me? Because I don't freaking remember. Jeez. Padabog kong inalis ang braso niya sa balikat ko. "Ew. Tyansing."

"Kapal ho."

Pinunasan niya yung braso niya gamit yung panyo niya para iparating na nadidiri siya. Sarap upakan. Ang arte, e. Di pa rin talaga nawawala sa isip ko na may possibility na iba ang sexuality niya. Duh. Just by looking at him nakakapanghinala na-And I just remembered something, again.

"Hoy nerdy. You really won't tell me?" I emphasized the word NERDY just to let him know that I won't stop asking him hanggang di niya ako sinasagot.

"Kelangan ba talagang mangulit ka?"

"Aba. I was the one you hated for-" binilang ko yung years ng pagiging schoolmate namin, "-almost 12 years. And you won't share the reason even now that we're friends?"

Napaayos tuloy ako ng upo. I was about to bug him again pero napatigil ako at napatingin sa side ko noong dumaan si Justine. Unlike before, minsan ko nalang siya makitang nakatingin kay Alex. Ni hindi na rin siya nangungulit para makausap 'to. Magulo pa rin yung dalawa, e.

"Hindi na kasi importante kung bakit ako galit sayo."

"Well, it bugs me."

"Kalimutan mo nalang kasi."

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon