Chapter 19

401K 8.4K 5.9K
                                    

Chapter 19

January 1, 20xx

Tuesday | 2:45am

Siguro mga tao nalang na gustong magpakalasing ngayon at ang mga taong tulad ko nalang na hindi makatulog ang gising ngayon. I unconsciously found my finger on the tip of my nose and I felt my cheeks. Napatayo agad ako sa narealize ako. Tinapik tapik ko ang pisngi ko ng ilang beses. Pinuno ko ng hangin ang loob ng pisngi ko.

I brushed my hair away from my face and slapped my cheeks once more. Hindi ako inaantok pero gusto kong gisingin ang utak ko. Tumayo ako sa kama at pumunta sa study table kung nasaan yung package na pinadala nung pinsan ko.

Naging commitment na naming dalawa na magpapadala ng package sa isa't isa. Not actually package pero CDs. Compilation na magugustuhan naming kanta within the year. Kinuha ko yung note, 'Happy New Year, Gab!'

I smiled. This will do. Just to remove those thoughts away... Huminga ako ng malalim at tumango, "Right!"

Binuksan ko ang CD player at inilagay ang first CD. Unang pumasok sa isip ko? R&B/Soul genre. Hindi talaga 'to mawawala sa listahan niya. Palit lang ako ng palit hanggang sa mapatigil ako sa pang anim na kanta. Hindi dahil may iba sa kanta pero dahil may tumawag sa phone ko.

"Tingin ka sa labas."

Tumayo ako sa upuan at dumiretso sa ay tapat ng bintana. Nakita ko si Russ sa baba, kumakaway sakin. "Akala ko umuwi na kayo?"

"May nakalimutan na naman kasi ako." Nakalimutan? Nagwait sign ako sa kanya para bumaba at papasukin siya pero bigla siyang umiling. "Ako ang pupunta sayo."

Nanlaki ang mata ko nang inilagay niya yung phone niya dun sa pagitan ng labi niya at umakmang aakyat sa may bakod namin. Nang nakababa na siya sa kabilang side, "Wag kang aalis dyan."

Ano bang trip ng lalaking 'to?!

Napatungo ako. Nasa second level kasi ang kwarto ko. Nakita kong inaayos niya aung sleeves ng damit niya. Naalala ko, isa din pala 'to sa may mga special powers. Isa siyang taong mahilig sa matataas, daig pa si Spiderman.

Tumingin tingin ako sa paligid to make sure na walang nakakakita sa kanya. Mamaya mapagkamalan pa siyang akyat bahay!

Nakaakyat na talaga siya at andito siya ngayon sa harap ko. Napaurong ako nang buhatin niya ang sarili niya at makalevel sa bintana para makapasok.

"Sana worth it ang pag-akyat mo dito sa nakalimutan mo."

"Christmas and New year's present. Wala akong nabibigay sayo."

"Alam mo namang okay lang sakin kahit wala."

Sumandal siya dun sa gilid ng bintana at sumilip sa may balikat nya, sa labas. At halatang halata na wala siyang pakielam sa sinasabi ko. Isang hangin na naman ang sagot sayo.

Napataas ang kilay ko nang bigla niyang kinagat ang labi niya. Biglang namula yung mga tenga niya. Pinipigilan niyang hindi matawa. Don't tell me na gusto na din niyang sumali sa club na ginawa ni Gatorade at Francis?

Mas naguluhan ako nang hinigit niya ako papunta sa gilid ng kama at pinaupo doon. I tried to look at his eyes pero mas namula ang mukha niya at iniwas agad ang mukha niya sa'kin. Lumapit siya dun sa CD player at inulit ang tumutugtog kanina..

NP: Body Party - Ciara

"Just to remind you... parang kape 'to."

Kape?

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon