Chapter Six

501K 10.4K 2.5K
                                    

Chapter 6

November 24, 20xx | Saturday

"Thank you." Tango ko sa waiter na nagbigay sa akin ng champagne. Naglakad na ako papalapit kung nasaan siya. Nakita ko siyang nakatayo sa isang side ng counter at may kumakausap sa kanyang babae.

Umupo ako sa isang libreng stool, isang upuan ang pagitan mula sa kanila. Nahagip ko ang mabilis niyang tingin sa akin pero hindi ako nagreact. Hinayaan ko lang siya.

"And there's this party I'm going to attend after this."

I smirked while listening to her. But my grin grew wider when he didn't answer back. He casually at politely smiled at her. Just so like him.

"So..." Pinanuod ko kung paano niya pinalapit ang distansya nilang dalawa. "You're coming with me, right?"

I heard him chuckle. I smiled again knowing the fact that he still have it, "You know what.."

"Know what?" She began tipping his collar.

"I already have a girlfriend."

Nakita ko yung konting pagdistansya ng babae sa kanya. I controlled myself not to laugh. At kahit anong pilit kong itago 'yon, alam kong alam niya at mahuhuli niya ako.

"Well.." she started again, recovering from a small shock from 'the boy I'm flirting with has a girlfriend'. "I hope she's not here and she won't know you'll be coming with me."

"Actually," he moved to his chair to make some distance, "She's here."

"What?" Tumingin siya sa kaliwa't kanan niya, "I don't see anyone hanging around with you."

"Right there. Sa likod mo." I saw the stiffness of her shoulder when she heard that.

Dahan dahan siyang lumingon sa akin at itinaas ko ang hawak kong champagne para ipaalam sa kanya na nandoon ako kanina pa at narinig ko ang pinagusapan nila. Nakita ko pamimilog ng mata niya noong nakilala niya ako.

"Ohmyghad, Gab. I'm so sorry. I didn't know that-"

"Don't worry, Jessa," Ininom ko 'yong champagne at ngumiti sa kanya. "Sanay na ako."

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon