Chapter 23

393K 7.7K 4K
                                    

Chapter 23

I've been ignoring people for three days. Alam kong hindi na sanay sina bebs na ganon ako pero I'm thankful that she didn't bother to ask me. Lalo na noong umuwi ako ng gabing 'yon na pugtong pugto ang mata.

Aly asked me to stay that night but I refused. Nakakaguilty kasi. Nagiguilty ako dahil hindi si Dominique ang una kong pinunahan. Ilang months palang mula ng makilala ko si Aly at sobrang gaan na agad ng pakiramdam ko sa kanya.

"Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin sa'yo. Ayaw kitang icomfort dahil temporary relief lang ang mararamdaman mo. At obviously hindi isang simpleng: Okay lang 'yan ang kelangan mo. You need better words. Mga salita na alam mong kapag narinig mo, kahit hindi 'yon magdadala ng comfort, gagaan ang pakiramdam mo. Alexa, oo masakit 'yan. At baka may masakit pa na narating pero gusto kong malaman mo na proud ako sa'yo."

"Sabi mo sa'kin, alam mo sa sarili mo na ikaw ang tipong hindi magmamahal at ang tipong hindi minamahal. Pero napatunayan mong mali ang sarili mo. Alam kong alam mo na kahit hindi mo na-aappreciate ang mga ganyang feelings noon, gusto mong maramdaman 'yan kahit umiiyak ka ngayon. Dahil gustong tumibok niyan."

Napahawak ako sa dibdib ko habang inaalala ang mga sinabi sa'kin ni Aly ng gabing 'yon.

"Mahal ko si Lance."

Hindi pa rin ako makapaniwala na inamin ko 'yon.

Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin matapos akong bulabugin ni Alex dito sa bahay dahil may convention kami. And obviously, nakalimutan ko. Nawala sa isip ko na kami nga pala ang host school kaya required ang attendance ng lahat.

Pagkatapos kong magbihis ng corporate attire at mag-ayos sa inaakala kong maayos na akong tingnan ay lumabas na ako ng kwarto. Nakakunot ang noo ni Alex ng sinalubong ko siya.

"Hindi ko akalaing may ipapanget ka pala." Tiningnan ko lang siya. Pero natigilan ako nang may sunod siyang sabihin. "Kung sino ka man ngayon, ayoko sa'yo."

Tumalikod na si Alex at dumiretso palabas ng apartment.

Sa totoo lang, Alex... hindi ka nagiisa. Ayoko rin sa sarili ko ngayon.

Dumating na kami sa Freedom Hall kung saan ang venue ng convention. Interesado si Alex sa seminars kaya naman pumwesto kami sa bandang unahan. Nagsimula na ang event proper at diretso sa seminars.

As expected, nabore lang ako. Nagmalfunction ang utak ko. Hinampas pa ako ni Alex para gumalaw dahil kelangan naming isulat yung sinasabi ng isang speaker. Hanggang sa ma-realize ko nalang na ibang tao na naman ang nasa stage. Isang group ng mga pamilyar na tao.

Biglang tumunog ang isang dance number at doon nagsink in sa'kin na CKnights pala ang sasayaw. Intermission number.

(Treasure – Bruno Mars)

Nahagip agad niya ang mga mata ko. Nakapwesto siya sa pinakauna, sa mismong gitna. Pinanood ko silang magsayaw at napansin ko ang ngiti ni Russ.

"Sus. Si Russ lang pala ang gamot." Napakurap ako nang pinisil ni Alex ang pisngi ko. "Mukha kang aso."

Hindi ko alam na nakangiti ako. Pero gusto kong pagdudahan ang sarili ko dahil hindi ko naramdaman ang mga mata ko.

Nagkaroon ng steps ang CKnights na titigil sila at tuturo sa crowd kapag dumating na sa last part ng chorus ng kanta. Instant na naglingunan ang mga kaklase ko sa'kin nang tumigil ang turo sa'kin ni Russ at kumindat.

"Pucha! Ang corny mo, pare!" sigaw ni Alex, halatang nandidiri sa ginawa ni Russ.

Tuwing yun ang step, imbes na ituturo niya ang buong crowd, ako lang ang ituturo niya. Minsan parang binabaril niya ako at may pa-cool na ngingiti. Napailing nalang ako at ngumiti ng palihim. Hindi ko 'to inaasahan dahil nasa listahan rin siya ng mga taong hindi ko pinansin sa loob ng tatlong araw.

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon