Chapter 18

404K 7.8K 4.6K
                                    

New Year's Eve na mamaya. Kanina pa akong nagluluto dahil kahit papaano ay gusto ko ring maghanda. Nakakapanibago dahil ito ang unang pagkakataon na magse-celebrate ako sa bahay, wala pa sina Mama at Papa.

Kinuha ko ang last dish na niluluto ko at ipinasok yun sa oven.

"Garlic... Apple... Sauce..." Sabay kaming napatingin ng kapartner ko sa pagluluto ngayon—si Andrei—sa taong pumapasok ngayon sa kusina. "Pepper...Sweet... I smell seasoned chicken!" Food maniac. "Can I eat it? Can I eat it?"

"Ako muna bago Wenzo." Umiling iling si Andrei. "Bawal, okay?"

"What? Andamot mo naman, Andrei e!"

"Ehh. Ako muna. Gutom monster!" Iniangat ni Andrei yung tshirt niya, exposing his little tummy at tinapik tapik yun.

"Wala. Papayatin mo na yang monster sa tiyan para ikaw nalang kainin niya tapos ako kakain nung chicken. Mas maganda idea yun iba?"

"Bad Wenzo!" Na-alarm ako nang teary eyed na si Andrei kaya binuhat ko siya. Ito naman si Lorenzo mukhang natuwa pa. Napailing nalang ako, "Gab, wag mo bigyan Wenzo. Bad!"

"Oo. Sige baby. Pero magugutom din siya."

"Pero away niya baby." At baby talaga tawag niya sa sarili niya? Cute. :(

"Konti nalang bigay natin?"

"Konti lang?!"

Biniletan ni Andrei si Lorenzo tapos mahigpit na yumakap sa'kin nang nagkunyare si Lorenzo na kukuhanin siya mula sa'kin. Tawa ng tawa malapit sa tenga ko. Mabigat ka Andrei pero dahil cute ka, pagbibigyan kita.

Kumain na kami pagkalapag na pagkalapag ko ng chicken sa lamesa. Napatawa ako nung sinamaan ng tingin ni Andrei si Lorenzo nung kukuha sana 'to. Tumawa pa niya nung napaso si Lorenzo e.

Si Lorenzo mukhang bagong gising at parang nagising lang talaga dahil sa luto ko. I salute his smelling powers.

"Yah!" Napatigil kami nung biglang pumasok si Lean sa dining area, with face mask on his face. "Iniiwan mo 'to e natutulog ako!"

Iniabot niya yung tumutunog na phone kay Lorenzo. Hinampas muna ni Lean yung braso niya para lang maistorbo. Grabe. Tiningnan naman ni Lorenzo yung screen at hindi pa rin kinukuha yun sa kamay ni Lean. At kahit may mask sa mukha niya, alam mong naiinis at salubong ang kilay niya.

"Ahhh! Ayaw!" sabi niya matapos makita yung nasa screen. "Ikaw na sumagot Lean. Tell her I'm sleeping!"

"What? Ayoko!" Inilapag ni Lean yung cellphone sa lamesa at nagdirediretso na palayo. Lorenzo tried to call him many times pero wala, badtrip. Naistorbo sa pagtulog.

"Bawal. I'll be screwed," Napailing siya habang sinubo yung pagkain. Wow. Kahit namomroblema na, hindi pa rin niya nakakalimutang sumubo. "Ah no. I'm already screwed!"

"Sino ba 'yan?" Naputol yung tawag pero tumunog ulit yun seconds after.

"Ayun ang tunay na monster! Nakakatakot pa namang magalit ang babaeng 'yun!"

Napatingin ako at inalalayan si Andrei nang tumayo siya sa upuan para kunin yung cellphone ni Lorenzo sa tabi nito. He blinked twice before the screen at iniharap yun sakin.

"Lovely?" binasa ko para sa kanya.

Namangha ako nung nagswipe ng finger si Andrei sa phone at sinagot yun.. "Mommy!"

"Hala! Andrei!"

Mommy.

Lovely.

*****

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon