Chapter 41

513 18 2
                                    

Margaux's Pov

This can't be.

This can't be happening to me.

Napalugmok na lang ako sa ipinakita sa amin. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung paano ako magrereact.

Hinawakan ni JP yung kamay ko at tinanguhan ako na para bang sinasabi na kumalma ako at ipaliwanag yung side ko.

Huminga muna ako ng malalim, bago pa man ako makapagsalita, nagsalita na yung officer. "Ano Ms., idedeny mo pa ba? Kitang kita sa video yung buong pangyayari."

Hindi ako nakasagot, paano ko nga naman maidedeny kung kitang kita sa video yung buong pangyayari. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. "Hindi... ko... sinasadya..." Utal-utal kong sabi habang umiiyak.

"Sinadya mo man o hindi, wala na tayong magagawa kung gusto kang kasuhan. Ang tibay ng ebidensya laban sayo, I suggest na kumuha kayo ng magaling na abogado o kung wala man kayong pera, mayroon namang mga public attorney." Mahinahon na sabi sa akin nung officer.

Napaisip ako sa sinabi niya, gusto akong kasuhan? Nino? Ni Eureka? Hanggang ngayon coma si Eureka sa ospital kaya imposibleng siya. Yung pamilya kaya niya? Alam na kaya ng pamilya niya yung nangyari? Sila kaya yung nagkaso? Kung sila nga, saan galing yung video?

Patong-patong na ang tanong sa isip ko, kaya di na ako nagpigil pa. "Pwede bang magtanong?"

"Ano yon?" Sagot sa akin nung officer.

"Saan galing yang video? Sinong may gusto na kasuhan ako?" Daretso kong tanong.

Sasagot na sana yung officer nang bigla siyang kausapin ng isa niyang kasamahan. Habang nag-uusap sila, biglang tumunog lahat ng cellphone namin nila JP. Dahil naka-posas ako, di ko mabuksan kung bakit tumunog cellphone namin. Nakatingin lang ako kay JP habang binubuksan ang phone niya.

Di ako makapaniwala, yung video na pinapanood samin ng officer, yun din yung nasa cellphone ni JP. "Buksan mo cellphone ko." Taranta kong utos sa kanya. Oo, utos. Di ako makapag-isip ng ayos ngayon.

Sinabi ko ang password ng phone ko kay JP at pagbukas niya, yung video rin ang bumungad. "Tignan mo yung kay Daddy" utos ko ulit sa kanya.

Pagbukas niya ng cellphone ni Daddy, yung video rin ang lumabas.

Ano ba tong nangyayari? Hindi ko na maintindihan. Natutulala na lang ako sa bilis ng pangyayari.

"So, ano nga ulit yung tanong mo?" Sabi sa akin ng officer kaya natauhan ako. "S-saan po g-galing yung video? Sino pong may gusto na kasuhan ako?"

"Hindi ko talaga kilala kung sino siya." Nakakalokong sagot sa akin nung officer. Paanong hindi niya kilala, syempre pag nagdemanda, may information sila about dun sa nagdemanda. "Paanong hindi niyo kilala?"

"Nag-email lang sa amin yung gustong mag-demanda kasama yung video."

"Email? Ano yun? Kahit pangalan hindi mo alam?" Email? Pwede palang magdemanda sa email?

Sumenyas yung officer para sabihing teka lang, kinuha niya yung laptop at may ginawa.

Nag-antay lang kami hanggang sa matapos siya. "May pangalan naman sa email niya." Sabi sa amin nung officer.

"An–"

"Kaso binilin dito na huwag daw sabihin yung pangalan niya." Dagdag pa niya kaya naputol yung pagsasalita ko kanina. "WHAT THE FCK?!" Napasigaw ako sa narinig ko. Para akong pinaglalaruan.

"MARGAUX!" Sigaw ni Daddy. "Watch your words!"

Napatahimik na lang ako sa kinauupuan ko.

"Sir, baka naman po pwedeng malaman namin yung pangalan? Ang hirap naman po kasi na hindi namin alam kung sino yung nagdemanda." Mahinahon na tanong ni Daddy.

Tinitigan lang kami nung officer. Lahat kami nakaabang sa sasabihin nung officer. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin bago tuluyang magsalita yung officer. "Bawal talaga to, pero sige. Walang dapat makaalam na sinabi ko sa inyo."

"Opo sir." Maiksi at magalang na sagot ni Daddy.

"Ang pangalan ng gustong magdemanda ay..." pabitin pa "...ano to, Bea ba o Bela? Wala kasi akong salamin, teka kukunin ko lang." Dagdag na sabi nung officer.

Biglang nangatog yung kamay ni JP, ramdam ko kasi hanggang ngayon hawak niya pa rin ang kamay ko. Pero tama ba yung rinig ko? Bea? Bakit laging nababanggit ang pangalan ni Bea?

Tumayo yung officer at pagkatapos makuha yung salamin, bumalik na sa amin. "Yan nababasa ko na."

"Ano pong pangalan?" Pagtatanong ko ulit.

"Nakalagay dito... Bea Bianca Sandoval."

"E-excuse me? D-did I heard it right? B-bea B-bianca S-sandoval?" Gulong-gulo na ako.

Para na akong nasisiraan ng bait. Akala ko nagkamali lang ng basa nung tinanong niya kung Bea o Bela. Ano? Si Bea na naman? Lagi na lang Bea Bianca Sandoval!

Baka nga nababaliw na ako? Baka naman nag-iilusyon lang ako na Bea Bianca Sandoval ang sinabi nung officer?

"Oo, Bea Bianca Sandoval." Daretsong sagot sa akin.

Parang gumuho yung mundo ko nung i-confirm nung officer na Bea Bianca Sandoval nga ang pangalan ng nagdemanda.

"S-sure kayo? S-seryoso kayo?" Tanong ko ulit.

"Bakit ba? Ano bang problema?! Kilala niyo ba siya?" Medyo lumalakas na naman ang boses niya, siguro naiirita na sa mga tanong ko. Anong magagawa ko? Kahit ako naiirita na sa mga gusto kong itanong.

Binitawan ako ni JP, "May kilala kaming Bea Bianca Sandoval..." sabi ni JP sa officer.

"Yun naman pa–"

"...pero matagal na siyang patay! Kaya paano makakapagdemanda ang isang patay?! If this is a kind of joke, it's not funny!" Kita ko ang pamumula ng mukha ni JP, nakayukom na rin ang mga kamao niya.

"Patay na yung Bea Bianca Sandoval? Paano siya nakapag-email kung patay na siya? Unless..."

"Unless what?" Mabilis kong tugon sa officer. "Unless may ibang gumagamit at nagtatago sa pangalan nung Bea Bianca Sandoval, maaaring taong may galit sa inyo, o kaya taong gustong maghiganti o makabawi sa inyo? May nagawa ba kayong masama dito sa Bea Bianca na to? Baka naman pinatay mo siya?" Sabay turo sa akin.

"Hindi ah!" Depensa ko sa sarili ko. Hindi ko naman talaga siya pinatay.

Hindi ko na inintindi yung mga sinasabi nung officer. Ang dami kong iniisip ngayon tapos dumagdag pa yang Bea Bianca na yan.

Biglang nag flashback sakin lahat ng nangyari, lalo na yung nangyari sa Christmas Ball. Napaisip tuloy ako, hindi ko siya pinatay, pero posible kaya na isa ako sa mga dahilan? Pero hindi, hindi naman siya nagpakamatay. Aksidente ang lahat. Walang may gusto sa nangyari.

Yung una, open letter kay Bea Bianca. Ngayon naman, itong video naman. Parehong sa email ipinadaan.

Ang sabi ko kanina, para akong pinaglalaruan. Hindi pala parang, totoo pala. Pinaglalaruan ako! Pero sino? Sino ang nasa likod ng lahat ng to?

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon