Chapter 39

786 21 7
                                    

Margaux's POV

Isang linggo na ang nakakalipas simula nung lumabas yung open letter ni JP kay Bea Bianca.

Simula nung lumabas yung open letter na yon, hindi muna ako pinapasok ni Daddy. Pahupain ko daw muna yung issue para kapag pumasok na ulit ako ay parang wala lang nangyari.

Hindi ko maitanong kay Daddy yung sinabi sa akin ni Charla. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinasabi niya tungkol kay Daddy.

Hindi pa rin ako makapaniwala na parang bulang naglaho yung kasikatan ko sa school nang dahil lang sa isang open letter.

Pinaimbistigahan na namin ni Daddy, sa mga kakilala niyang magagaling mag trace kung saan ba talaga nanggaling yung post na yun at kung sino ang nagpost pero hanggang ngayon walang makitang kahit na ano.

Si Eureka? Ayun, andon pa rin sa ospital. Wala pa ring malay. Brain dead na ata yon, bakit di pa kasi mamatay. (Joke lang, baka sumpain niyo na ako.) Sana magising na siya, siguradong malaki na babayaran namin sa ospital.

Sabi kasi ni Daddy nung dinala sa ospital si Eureka, kami na lang sasagot ng hospital bills kasi ako naman daw ang may kasalanan.

Si Louis? Ayun, andon din sa ospital. Hindi maiwan-iwan si Eureka. Minsan napapaisip na lang ako kung may gusto ba siya sa babaeng yon!

Ang ipinagtataka ko, pag napunta akong ospital, kahit isang kapamilya ni Eureka, wala akong nakikita. Si Louis lang lagi yung nandon.

Si Charla? Ang best friend ko? Hindi na nagparamdam sakin simula nung huli naming pag-uusap. Kahit text, wala.

Si JP? Nagkatuluyan naman kami. Tuluyang lumayo sa isa't isa. Namimiss ko na siya, pero hindi naman siya nagpaparamdam sakin. Nakakahiyang mangulit, nagmumukha na akong uhaw sa pagmamahal at atensyon niya.

Nag-decide na lang akong pumunta sa ospital. Pero bago ako pumunta sa ospital, dumaan muna ako sa mall para bumili ng flowers at mga prutas na dadalahin ko sa ospital.

Habang nag-aantay magawa yung flowers, nag-ikot-ikot muna ako. Napatigil ako nung may makita akong isang damit. Naalala ko tuloy yung dati kong bestfriend, hindi si Charla ah. Yung una kong naging bestfriend, may ganyan kaming damit, pareho kami. Lagi kaming terno noon kaso may nangyari.

Binili ko yung damit na nakita ko pati na rin yung ibang damit na kakailanganin niya like pajama, shirts. sakto lang para sa sukat ni Eureka. Naisip ko kasi na since walang dumadalaw na pamilya sa kanya, baka walang naka-ready na pampalit niya kaya ako na lang ang magdadala.

Honestly, nakikita ko kay Eureka yung dati kong bestfriend kaya inis ako sa kanya. Ewan ko ba, parang kumukulo dugo ko pag nakikita ko siya.

Nang makuha ko na yung flowers, dumaretso na agad ako sa ospital. Hindi na ako magkanda-ugaga sa dami ng dala ko. Paano kaya ako makakarating hanggang sa room ni Eureka. Dahan-dahan akong naglalakad kasi baka may mabitawan ako sa dala ko.

Nagulat ako nung may biglang humawak sa mga bitbit ko. "Tulungan na kita." At pagkatapos ay nginitian niya ako. "Ang dami mo namang dala." Dagdag pa niya.

"Oo nga e..." maikli kong sagot.

"Saan ba punta mo? Anong room number? Samahan na kita hanggang dun."

"Sa room ni Eureka... JP" hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko naman ineexpect na magkikita kami rito.

"Talaga? Dun din punta ko, sabay na tayo." Pag-aaya niya sakin. "Sige." Wala na akong ibang nasabi.

Habang nasa elevator kami, "JP..." pagbasag ko sa katahimikan. Tinignan niya ako na parang nagtatanong kung bakit. "About dun sa nangya—" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla siyang nagsalita, "Hayaan na lang muna natin yung mga nangyari, pahalagahan na lang muna natin kung anong mayroon tayo ngayon." At pagkatapos ay nginitian niya na naman ako.

Weird. Expected ko para kaming aso't pusa pag nagkita, o kaya naman strangers. Pero mali ako. Ang bait bait niya ngayon sakin at palaging nakangiti. I still remember how we first met. Lalo tuloy akong na-iinlove sa kanya.

Nang makarating kami sa may pinto, may narinig kaming boses ng isang lalaking kumakanta. Sigurado akong si Louis yon. Hindi kagandahan ang boses niya pero mahilig siyang kumanta.

Pinigilan ko si JP sa pagpasok at unti-unti lang naming binuksan ang pinto.

Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal'wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula

Habang kumakanta siya ay pinupunasan niya si Eureka. Nililinisan niya yung katawan ni Eureka gamit ang basang bimpo.

Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon

Pagkatapos niyang linisan si Eureka, umupo siya at hinaplos ang kanyang kamay.

Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?

Medyo garalgal na ang boses niya.

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?

Hindi na niya natapos ang kanta, bigla siyang tumayo at tumalikod, at nung makita namin siyang palabas, hinila ko kaagad si JP para magtago. Parang ang awkward naman non pag nakita niyang may nanonood sa kanya.

Nakita namin siyang umupo, hindi naman kalayuan sa room ni Eureka. Maya-maya lang ay hinayaan na niya ang sarili niya na umiyak.

Napansin ko lang, parang ang lalim ng pinanghuhugutan niya. Parang ang bigat ng dinadala niya. Nagtago lang kami habang umiiyak siya, nang matapos na siya, tumayo siya at nag-ayos ng sarili at pagkatapos ay pumasok na ulit sa room ni Eureka na para bang walang nangyari.

Mga limang minuto pa siguro nakalipas, saka kami pumasok.

"Andyan pala kayo, sige maupo kayo." Kita mo sa kanyang mga mata na kakaiyak niya lang. Hindi namin pinahalata na nakita namin lahat. Hinayaan lang namin siya.

Inalok siya ni JP ng pagkain pero tinanggihan niya ito. Mamaya na lang daw siya kakain.

We saw how much he cared for her, the way he cried and looked at her. I knew right now na mahal niya talaga si Eureka.

Ngayong tinititigan ko siya habang nakatitig at hawak ang kamay ni Eureka, grabe ang laki na ng ipinayat ni Louis. Well actually, pati si Eureka ang laki na ng ipinayat.

Ngayon ako nakapag-reflect, What have I done to them?

--

Short UD lang po ito, sorry sobrang tagal. Ngayon pa lang po ako nakakarecover. Pilitin ko pong makapag-UD ulit. Thankyouuuu 💕

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Where stories live. Discover now